Hindi Patitinag

4 23
Avatar for Dolores
4 years ago

Sa mundong ating ginagalawan, kay raming bagay ang siyang patuloy na sumusubok sa ating katatagan. Mga bagay na kapag ating nalagpasan at nakayanan ay magbibigay ng kakaibang saya sa ating puso. Saya na siyang magpapatunay ng ating katatagan.

Sa ngayon, isang bagay ulit ang siyang sumusubok sa ating lahat. Araw-araw ay patuloy na dumarami ang kaso ng natatamaan ng virus. Ang pamahalaan ay gumagawa ng aksyon at marapat lamang na gawin din natin ang tama nang sa ganoon ay hindi na lumala pa.

Bilang isang Pilipino, kailangang maging maingat at maging disiplinado. Hindi ito mapagtatagumpayan kung ikaw mismo ay hindi sumusunod sa mga alituntunin.

Mas mabuti ring magdasal. Makapangyarihan ang dasal at naniniwala ako na sa pamamagitan nito ay unti-unti nating mapagtatagumpayan ang anumang unos na dumating sa ating buhay.

Hindi nga ba't Pinoy tayo? Hindi tayo kailanman sumusuko sa laban kaya laban lang. Huwag na huwag matatakot. Kapag nadapa ka man ay pilitin mong tumayo. Sabihin sa sarili na "makakaya ko rin ito."

Ang katangiang ito ay nananalaytay na sa ating dugo. Ito rin ay nakatatak na sa kaibuturan ng ating puso at isipan. Laging tandaan na pagkatapos ng ulan ay magpapakita ang napakagandang bahaghari - isang palatandaan na hindi tayo mauubusan ng pag-asa. Manalig ka lang kaibigan, manalig ka dahil ang pag-asa ay umaapaw. Isipin na bawat isa sa atin ay hindi kailanman patitinag.

5
$ 0.00
Sponsors of Dolores
empty
empty
empty

Comments

This post is verry nice I'm subscribe you plz back me subscribe

$ 0.00
4 years ago

Spammer Alert

$ 0.00
4 years ago

Nice...plz subscribe me

$ 0.00
4 years ago

Anong masasabi mo, kaibigan?

$ 0.00
4 years ago