Ate

0 23
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Isang mainit na tanghali at ako lang mag-isa sa bahay. Wala sina mama at papa dahil may pupuntahan daw sila at si ate naman di ko alam saan pumunta.

Habang nanonood ng tv ay naisipan ko magluto ng pancit canton. Habang nagluluto ako ay biglang bumukas ang pinto agad ko itong sinilip. Pagsilip ko ay si ate lang pala.

Tinanong ko siya kung gusto niya rin kumain pero di niya ko pinansin mukang bad mood eh! Dere-deretso lang siya sa kwarto sa taas. Hinayaan ko nalang dahil nagugutom na ako.

Pagkatapos ko kumain ay nag cr muna ako dahil medyo sumakit tyan ko. Paglabas ko ng cr nakita ko si ate sa harap ng lababo nakaharap lang siya at bukas ang gripo. Tinanong ko siya ate anong ginagawa mo? Di siya sumagot pero nagulat ako nung bigla siyang humarap sa akin ngumiti ng nakakatakot habang papalapit sa akin. "Ate ano ba natatakot na ako sayo!" nang biglang tumunog ang cellphone ko sa kwarto ko sa taas. Agad akong umakyat at tiningnan kung sino ang tumatawag! Laking gulat ko ng makita kung sino ang natawag, si ate pala at nakakapagtaka bakit siya tumawag sakto pag akyat ko.

Agad ko etong sinagot at pagalit na sinagot "bakit ba?!!" sumagot naman eto "Andyan ba sila mama at papa? Wag mo sabihin na wala ako sa bahay pero maya uwi na rin ako" kinabahan ako bigla "Wala ka sa bahay? Eh dumating kana kanina diba nasa harap ka pa ng lababo kanina" sagot naman niya "Ano ba pinagsasabi mo? Basta wag ka maingay kila mama at papa" pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag. Bigla akong kinabahan kasi may naririnig akong paakyat ng hagdan. Agad akong tumakbo sa pinto at sinarado ito. Nang biglang may kumatok at sambit nito "Bunso, may pancit canton ka pa ba dyan nagugutom na ako! Buksan mo tong pinto! " boses ni ate iyon ngunit papaanong siya eh kakatawag niya lang. Takot na takot ako ng oras na iyon dahil patuloy pa rin siya sa pagkatok. Kahit sobrang takot ay lumapit ako sa pinto para tingnan ang nasa maliit na butas kung sino ang nasa labas. Pagsilip ko ay halos mapaihi ako sa kaba dahil nakasilip din ang isa niyang mata sa butas. Bigla akong tumakbo palayo sa pintuan habang patuloy siya sa pagkatok ng pinto habang malakas na tumatawa ng nakakatakot "Sige na buksan mo na ito bunso!"

Mangiyak ngiyak ako habang nagdadasal na mawala na kung sino man iyon dahil alam kong di si ate yun ginagaya niya lang ang katauhan ni ate.

Nagdasal ako paulit ulit hanggang sa tuluyang nawala ang kumakatok sa pintuan ko. Maya maya pa ay dumating na sila mama at papa pati na rin si ate. Nagtataka sila kung bakit ako umiiyak at kinuwento ko ang nangyari at halos di ako makatingin kay ate. Niyakap ako nila mama at papa habang si ate papunta sa cr ay sinundan ko siya ng tingin ng bigla itong lumingon at ngumiti ulit ng nakakatakot.

Maya maya pa ay may biglang kumatok sa pinto namin laking gulat ni mama ng makitang si ate ang nasa pinto at kakauwi lang nito. Nagtinginan kaming tatlo nila mama at papa sabay tingin sa direksyon ng cr. Habang si ate naman ay nagtataka sa nangyayari.

5
$ 0.10
$ 0.10 from @Greyzzz
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Comments