Bakit ka nga ba naghahanap ng True love? Tinanong ko to pero ang laging sagot sakin ay, para maging masaya, may makasama sa ups and downs ng buhay(hirap at ginhawa), may makasamang tumanda, may tagapag alaga, para may mag mahal sayo, para maging kompleto o para maging better person.
Pero may napansin ako. Bakit parang puro personal gain lang ang nabanggit ng mga sagot? Bakit parang yung pansariling pakinabang lang ang importante? Hindi na ako magkakaila, pero talagang ang una una nating isinaalang alang, kung meron man ay kung ano natin ang mapapala natin sa tunay na pag ibig na yan. Oo makukuha mo rin lahat ng mga bagay na hinahanap mo kung makikita mo ang tunay na pag ibig para sayo. Pero, katulad nga nung napansin ko, kalahati lang parti natin sa tunay na pag ibig na ating inaasam asam.
Yung kalahati, dapat tayo yung magbigay nun. Katulad ng Bibigyan rin natin ng oras na makapag usap kayo, yung ipaparamdam mo na mahal mo siya, yung kuntento ka sa kanya.(yung sigurado kana sa kanya), hindi mo rin siya susukuan kahit anong mangyare (yung kahit anong break up pa yan at the end of the day magkakabalikan parin kayo), pareho kayong mature mag isip (hindi mo kailangang kachat siya oras2 araw2 dahil may kanya kanya naman kayong buhay at obligasyon, simpleng pag papaalam lang at update sa buhay mo okay na yun, kasi alam niyo peareho na kahit hndi kayo magkausao araw araw pareho niyo alam sa sarili niyo na mahal na mahal niyo ang isat isa.)
Dapat marunong rin tayo mag effort :
Simpleng pagbigay ng gamot kapag may sakit siya or pagluluto ng pagkain.
Cocomfort mo siya kapag may problem siya ( hindi yung dadagdagan mopa alam mo na ngang may problema yung tao aawayin mo pa. Tas edadahilan mo tinotoyo ka. Oki ka lang teh?)
Kapag kumakain kayo ng girlfriend/boyfriend mo kapag siya ang nagbayad sa kinain nyo ngayon kapag nagdadate kayo dapat ikaw sa pamasahi niyo or kapag may kotse kayo at hindi niyo kailangan ng pamasahi sa susunod ikaw naman ang magbayad kapag nagdate kayo ulit. Hindi puro siya lang gagastos ( may sugar daddy ka teh?).
Kapag niregaluhan ka niya sa monthsarry or sa mahalagang okasyon mo sa buhay mo dapat ganun karin sa kanya kahit hindi kamahalan pero nag eeffort karin para sa kanya. (Pero kung wala kang pera okay lang. Maraming pwedeng gawin para mapahappy mo siya sa araw na yun huwag lang katawan or virginity mo kasi bad yun,oki? Binibigay lang yan kapag tapos na kayo ikasal. Sana marami pa gumagawa niyan ngayon hays π€¦ββοΈπ)
Kapag sinurprise ka niya sa birthday mo. (Gawin mo rin yun kasi yun din yung gusto niyang maranasan dahil isa rin sa makakapagpasaya sa kanya. Pero kung wala kang budget siguro maiintindihan niya rin yon. Hahaha )
Kapag pinakilala ka niya sa pamilya niya dapat gawin mo rin yon. ( mas titibay relasyon niyo kung legal kayo. Pero depende parin yan sayo at sa kanya kung malandi jowa mo kahit legal kayo, magloloko at magloloko parin yan. Hahaha peace βοΈ ).
Kung napapansin niyo rin, yung mga ginagawa natin sa mga jowa/shota niyo, yan rin ang gusto nating gawin nila para sa atin. (Para sa akin lang naman hahaha kasi kapag minahal kopa siya mas minamahal niya alrin ako charr. Para saakin lang naman ewan ko lang sa inyo.π)
So ayon lang, yung maibibigay kung example sa taas Sana alam natin sa kailaliman ng puso natin na kailangan rin natin mag bigay. Sana alam natin na mas importante sa tunay na pag ibig ang magbigay kaysa tumanggap. ( masarap sa feeling yung napapasaya kanya, tapos napapasaya mo rin siya. π) Kung lahat tayo marunong magbigay, hindi na siguro magiging masakit ang umasa.
Ikaw? Ano ang kaya mong esacrifice sa tunay na pagmamahal? Willing kaba mag risk para makamtan ito?
@TheRandomRewarder i hope you like it my tagalog article, I didn't write in English because I'm not good at English, I hope you like it.
Thanks for reading, ciao.π
Ako au naghahanap mg true love kasi ako ay jowang jowa na dear, naiinip na nga ako, pero agree naman talaga ako jan sa iyong mga sinabi, bigayan kasi dapat, wag puro sya bibigay, pero pag wala ka na talagang mabigay, ay di sa gabi ka na laang bumawi, ay galinga lamang para perfect score βοΈπ€£.