Isang araw si Mikay ay pumunta sa parke upang magbasketbol. Kahit na tirik na tirik ang araw, minaigi parin ni Mikay na mag ensayo upang mapahusay ang kanyang galling sa paglalaro. Habang siya ay naglalaro, tumira siya ng tres at napahagis niya ito ng malakas.
Tumilapon ang bola at napunta sa mga kapunuan. Sinundan at hinanap ni Mikay ang bola, ngunit hindi niya ito makita kita. Minaigi parin niya ang paghahanap hanggang sa makakita siya ng isang butas sa sahig na napakalalim-lalim. Nilapitan niya ito, at biglang tila’y may taong bumubulong sa kanya. Hindi alam ni Mikay na engkantadyang butas pala iyon. Ng dahil sa takot, umuwi na lamang si Mikay. Paglipas ng araw na iyon, pinatuloy ni Mikay ang paghahanap sa kanyang bola at binalikan niya ang butas. At bigla na lamang kinausap ng butas si Mikay. “Hoy bata, ano ang pakay mo rito?” sabi ng butas. “Hinahanap ko lang po ang aking bola.” Nginig na nginig na sumagot si Mikay, at tumakbo pauwi.
Pagdating niya sa kanilang bayan, nalaman na lamang niya na may sakit na ang kanyang ina. Hindi mawala wala sa isip ni Mikay ang engkantadyang butas na nakita at narinig niya, at dahil rito binalikan niya ito ulit. “Nagbalik ka, mayroon kabang kailangan? Ah oo, narinig ko na may sakit ang iyong ina. “Paano mo nalaman?!” sabi ni Mikay. Alam ko ang lahat ng pangyayari dito sa nayon ng Dumalag, at kaya kong magpagaling ng tao, ngunit sa isang desisyon.” Sabi ng butas. “Ano po iyon?” sagot ni Mikay. “Tulungan mo ako na ibalik ang kapayapaan at kaligayahan dito sa nayon ng Dumalag. At kung magagawa mo iyon, matutupad ang iyong kahilingan.” Sabi ng butas.
At yun nagawa ni Mikay ang inutos ng Butas.