Takpan mo ang iyung Tenga

0 26
Avatar for CringtheWriter
2 years ago
Topics: Unsaid Stories

Tinatakpan natin ang tenga natin mula sa mga ingay na tunog dahil pa nga "Ang sakit sa tenga" Sana ganon din kadali na takpan ang tenga mula sa mga masasakit na salita.

Araw-araw na lang pabalik balik ang iyung salita hindi ka ba nagsasawa? Dahil kami ay nagasasawa na din paulit ulit na lang. Mga salita mo na masasakit parang kutsilyo na diritso tumusok sa aming damdamin napakasakit. Pero para sa iyo wala lamang ito dahil isa kang manhid wala ka sigurong pakiramdam na nakakasakit ka na ng damdamin ng iba.

My mom said ano ka ba hindi ka pa ba na sanay na sa kanya? Siguro nga kahit paulit ulit at hindi pa din ako masasanay dahil nasasaktan pa din ako. O sadyang mahina lang ang loob ko ang bilis tumulo ng mga luha ko. Tinanatong ko ang aking sarili kailan kaya ako masasanay? Hindi na bang pweding magbago sasanayin ko na lang ang aking sarili.

Sabi naman ni inay takpan mo na lang ang tenga mo.

Sana nga ganon kadali lang na tatakpan ko ang tenga ko hindi na ako masasaktan kahit gaano ko man takpan ng mga kamay ang tenga nandon pa rin ang boses. Parang ang salita ay naging hangin na pilit pumapasok sa aking tenga sa kahit kunti na espasyo.

" Wag mo ng pansinin, pag pumasok sa kabilang tenga mo ay palabasin mo sa kabilang tenga"

Sa tuwing sinasabi mo iyan ay natatawa na lang ako o sadyang pinapatawa mo lang ako. Siguro nga tama yung sinabi mo na wag ko na lang pansinin ang mga sinasabi niya. Sana nga ay kaya ko na hindi na lang pansinin.

6
$ 0.28
$ 0.28 from @TheRandomRewarder
Sponsors of CringtheWriter
empty
empty
empty

Comments