Bakit ka pa gising? o sadyang hindi ka din makatulog katulad ko? Halika ka at mag kwentuhan na lang tayo.
Kaibigan kumusta ang iyung araw sana ay maayu ang iyung araw at nasa mabuting kalagayan ka ngayon. Kung ako ay iyung tatanungin kung kumusta ang aking buong araw?. Naging mabuti naman ang aking buong mag-hapon.
Siguro kaya ikaw ay hindi makatulog baka ikaw ay may madaming iniisip na mga bagay. Baka naman ay hirap ka lang din talaga makatulog o may insomia. Baka naman ang dahilan ay may tinatapos ka pang trabaho kahit inaantok na ay lumalaban pa din. May hinahabol na deadline na kailangan mo ng tapusin baka mag close na ang activity o assignment sa canvas o baka naman sa gclassroom.
Ang dahilan kung bakit gising pa ako ngayon sa hating gabi ay gumawa muna ako ng aking activity uminom ako ng kape dahil sadyang antukin ako. Madali lang ako dalawin ng antok kaya .I need back up salamat sa kape na matapang na kaya kang ipaglaban. (Haha)
Hindi ko kasi nagawa ang aking activity dahil may trabaho ako buong maghapon may part time job ako. Sa umaga ang ginawa ko ay gumawa kami ng mantika or coconut oil. Mahaba ang process dahil mano mano talaga namin na ginawa.
Gusto mo malaman kung paano gumawa ng mantika?
Ibabahagi ko sa inyu, ang mga niyog pagkatapos tanggalin ang bunot ay biniyak kinayud ang sapal ng niyug gamit ang makina hanggang kinuha ang gata. Niluto ko ang gata ng niyog yun na ang part na gagawa na ng mantika. Kahuy ang aming ginamit sa pagluluto may nakahanda na ng mga panggatong syempre. Isinilang ko na ang subrang laking kalan at nilagay ang 6 litters na gata.
Pag kumulo na ay kailangan mo siyang haluin gamit ang malaki na sandok maintain mo ang paghalo para hindi masunog ang gata at magdikit-dikit. Nakakapagud ang paghalo at sa kitchen area ay subrang init dahil kahuy ang gamit ay mausok talaga. Mag-ingat din dahil mainit yun napaso nga ako kanina kasi kailangan talaga haluin eh ng kumulo na siya nag bubbles na siya may tumalsik na mga gata kasi.
Hanggang may lumabas na mantika patuloy lamang sa paghalo para hindi masunog. Pag ang kulay niya ay naging kulay brown na ang gata at madami ng mantika ay luto na. Isala mo na ang mantika at palamigin pagkatapos ay ilagay sa lalagyan.
Ganon ang proseso na aming ginawa sabi sa akin dati sa kalan nila sila gumawa ng mantika ay 3hours bago naluto pero noong sa apoy ay hanggang 1 and half hour lamang. Mas mabilis ang sa apoy kaya iyun na ang kanilang pamaraan.
Sa hapon naman ay iba naman ang pinagawa sa akin nakaharap sa computer nag tatype,nag transfer ng mga files, nag send ng mga emails. Nag-ayos ng mga Anual Reports from year 2003 hanggang 2021 matagal ako natapos dahil ang daming mga folder at nagkakagulo pa daming reports ang mga nereview.
End Thoughts
Alas 5:00 ng hapon ay nakauwi na din sa bahay natanggap ko na din ang aking sweldo. Pagud pag-uwi sa bahay mabuti na lang at pinakain na ng aking kapatid ang aming mga baboy at ang mga baka kaya wala na akong ginawa. Nagluto na din siya ng kanin ang ginawa ko na lang ay bumili ng pancit canton para may ulam sa haponan siya na din ang nagluto.
Ganon lamang ang nangyari sa aking buong araw. Bukas ay panibagong araw naman ang ating haharapin. Wag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay kaibigan dahil sabi pa nga habang may buhay may pag-asa. Kaya ako nakapagsulat ngayon dahil ay hindi pa ako makatulog dahil siguro sa kape. Ako ay magpapaalam na sana ay makatulog ka ng mahimbing kaibigan..
Salamat sa iyung oras na basahin ang aking artikulo!
Lead image source: Unplash
CringTheWriter♡♡
Halfbath ka po lodi bago ka matulog para ma preskohan ka. If super pagod naman ay punas ka na lang at lagyan mo na lang alcohol para maaliwasan ka