Mahirap lang buhay ko at nag-iisa na lumalaban sa bawat pagsubok na bigay ng Maykapal.
Mahirap isipin, sa bawat pagkayud ko, bawat patak ng pawis at luha; ay walang nakakapansin nito.
Parang may kulang sa akin. Para bang ang lahat ay ayaw sa akin.
Ganito ba talaga ang buhay?
Bakit ganito? Kailangan ko kayo! Kailangan ko ng karamay sa bawat hamon ng aking buhay.
Kailangan ko na may masasandalan at kailangan ko ng makakausap at pagkikwentuhan natin, ang aking pagdadalamhati.
Walang nakakarinig sa aking pagsigaw, napapaos na lamang ako at nauuhaw at nanunuyo na lamang ang aking lalamunan.
Oo! Uhaw ako sa pag-ibig at pagkalinga na matagal ko nang inaasam-asam.
Pero saan ko mahahanap ang pag-ibig kung ang pag-ibig na hinahanap ko ay walang nakakarinig.
Walang nakakarinig sa bugso ng aking damdamin at hindi din ako hangal.
Sawa na akong pakinggan ang mga malabulaklak na salita.
Nandidiri ako sa tuwing naririnig ko ang mga salitang iyan at hindi rin naman ako manhid sapagkat matagal ko na yan kailangan.
Ayaw ko ng puro salita. Gusto ko lang naman ay mararamdaman ang tunay na ligaya.
At bakit naman ganun? Bakit nga ba sa tuwing ako na yung umibig ay ako din ang nasasaktan.
Nakakasakal na! Palage nalang ganyan at bakit ako ang palageng pinaglalaruan.
Matino naman ako at hindi naman ako marupok para paglaruan ng ganun na lamang.
Nakakaiyak at sawa na ang aking mga mata na lumuha. Tila ba sa tuwing gusto ko ng lumuha ay nahihiyang pumatak ang aking mga luha.
Tahan na! Tahan na! Sabi ng aking isip sa aking puso na palage na lamang luhaan at nasasawi.
Sa wari ko ang pag-ibig ay parang rumaragasang tubig sa isang malaking ilog.
Napakahirap tumawid. Umiiyak na lamang ako, sapagkat ako ay malapit ng malulunod.
Nadadala ang aking damdamin sa malalakas na agos, patungo sa kailaliman ng karagatan.
Sa karagatan ay di pa natatapos ang aking paghihirap, pinipilit kong umahon, lumaban at lumangoy patungo sa dalampasigan.
Akala ko ay makakligtas na sa pagsubok na mapagbiro at mapangahas.
Hahampasin ka lang pala ng malalaking alon at hihilain ka ng mga anino at di ko malaman kung anong mga nilalang.
Nawalan ka ng malay sa iyong matinding paglalakbay at paghihirap, na tila ba ay katapusan na ng lahat.
Nagising ako sa aking kamalayan at para bang walang nangyari at natulala ako sa aking natunghayan.
Ang kahapong paghihirap ay di ko naramdam at hindi na kailan man masasaktan at akala ko lang pala.
Sapagkat iba na naman ang aking haharaping pagsubok at paghihirap.
Umiyak ako at sumisigaw sa sakit na aking nararamdaman.
Ang mga kumukulong apoy na pilit pumasok sa kaloob-looban ng aking katawan.
Wala na pala akong katawan. At bakit ganito ang aking nararamdaman?
Anong klaseng pagsubok ito at ito ay hindi basta bastang pagsubok kundi isang parusa.
Oo! Pinarusahan ako sa aking pagkitil sa aking sariling buhay at ang buhay ay hiram ko lang naman.
Wala akong karapatan na gawin yun na kahit gaano pa kasama ang sangkatauhan at tanging Diyos lamang ang may kapangyarihan na bawiin ang aking buhay.
Sobrang paghihinagpis ang aking sinapit sa kamay ng mga nilalang na di ko pa kailan man nakita.
Sila ay galit na galit na pinarurusahan ang iba ko pang kasama.
Nagsisigawan ang lahat sa sobrang sakit na nadarama at napagtanto ko na ito na nga ang impyerno.
Nagsasayawan ang mga malalaking nilalang habang hinahagis ang mga tao sa kumukulong apoy.
Nakasanayan na siguro nilang paglaruan ang mga taong dapat parusahan.
Nagdasal ako ng mataimtim sa Diyos na may gawa ng langit at lupa. Umiiyak ako pero walang lumalabas na luha.
Sumigaw ako at humingi ng saklolo at nagbabakasakaling may makarinig sa aking paos na tinig.
Pinagtatawanan ako ng mga nilalang na nakakatakot ang hitsura, sinakal nya ako at nag-akmang ihagis sa kumukulong apoy.
Bigla akong nagising at marami sakin ay nakapaligid.
Kinapa ko ang aking leeg at ito ay napakainit. Umiyak ako ng sobra sa aking nasaksihan.
Niyakap ako ng aking mama at ito ay humahagulhol sa sobrang pagkatuwa.
Akala ko ay katapusan na ng aking mundo. Akala ko sa impyerno na ako maninirahan habang buhay.
Pero masaya ako sapagkat may bago na naman akong buhay at pangalawang regalo sa akin ng Diyos na may gawa ng langit at lupa.
Di ko pa rin maalis sa aking isipan ang mga kasamahan ko na aking naiwan, ano kayang kasalanan nila at bakit ganun na lamang ang kanilang paghihirap at pagdurusa.
Ang pagkitil sa buhay ng dahil sa pag-ibig ay isang kahangalan at mauuwi ka lamang sa isa pang malupit na pagdurusa.
Ingatan natin ang ating buhay sapagkat ito ay ating hiram lamang at mahalin natin ito at alagaan.
Hanggang dito na lamang muna ang lahat at salamat sa pagbasa sa napakapait at napakahirap kong naranasan.
Ako muna ay magpapaalam at gumising na muna sapagkat lumalangoy at lumilipad na naman ang aking kaisipan at nag-iisip kung ano na naman ulit ang aking ibahaging imahinasyon. Paalam!
Anumang pagsubok sa buhay huwag sanang isipan na dimo na kaya na kailangan mo nang wakaasan ang iyong buhay, naranasan ko din iyan, nang ma scam ako ng napakalaking pera naisipan ko ding wakasan na ang buhayq dahil hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kung saan ko ginamit oh ginastos ang pera, Ngunit nagising ako sa katotihanang sinabi ng aking kapatid na pera lamang iyan at mapapalitan ngunit ang buhay ay hindi na kailanaman, magpakakatatag ka kapatid lahat ng nagyayari sa atin ay may kapalit na maganda naniniwala ako kaya maniwala ka din hindi natutulog ang PANGINOON!!! GODBLESS