When Death Met Life: Prologue

13 41
Avatar for Codename_Chikakiku
3 years ago
Topics: Story, Writing, Love, Nonsense
Sponsors of Codename_Chikakiku
empty
empty
empty

Prologue:

Ang nobelang ito ay magsisimula sa panahon na kung saan ang mga bagay ay kinokontrol ng bathala at mga namumuno sa kailaliman. Ang bathala ay gumawa ng mga tagapag alaga at magbabantay sa mga tao. Doon nalikha ang buhay at kamatayan na binigyan ng katawang lupa ni bathala. Ngunit batid nito na ang dalawang ito ay hindi maaring mag sama dahil kakambal nito ay ang sumpa ng pagibig at kamatayan, isang sumpa na kung sakaling ang dalawa ay magtagpo, maaring silang dalawa ay maglaho, ang sumpang pipigil sa kanilang pagmamahalan. Upang hindi magsama ang dalawa, ibinigay ni bathala si Kamatayan sa Hari ng Kadiliman habang ang buhay naman ay nasa pangangalaga ni bathala. Lumipas ang mga taon ay tuluyan ng naging binata at dalaga ang buhay at kamatayan, ang kamatayan ay nagsasanay sa kamay ng Hari ng kadiliman ngunit hindi nito batid na hinahanda siya nito upang gawing Armas Laban sa bathala.

Habang ang buhay naman ay naging isang magandang dalaga na nagbibigay saya sa mga Hallman at hayop sa gubat. Kahit na gaano man sila paghiwalayin ay pinagtatagpo padin sila ng kapalaran. Habang ang kamatayan ay naglalakad sa madilim na gubat, napansin nitong mayroong nilalang na masayang naglalaro sa burol kasama ang mga hayop at mga puno. Siya ay lubhang nagtaka kaya sinubukan niyang puntahan ito at nagtago sa puno upang hindi siya makita. Namangha siya sa kagandahan ng buhay sapagkat sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng napakagandang nilalang, sa kanyang pagmamasid ay hindi niya napansing may naapakan siyang sanga ng kahoy na lumikha ng ingay, tumingin sa kinaroroonan niya ang magandang nilalang at nais nitong malaman kung sino ang naroroon. Kumaripas ng takbo ang kamatayan pababa ng burol sapagkat ayaw nitong makita siya ng magandang nilalang.

Pagkauwi nito sa kanyang tahanan ay hindi mawala wala sa isip niya ang kanyang nakita, para bang may kung anong bagay na tumitibok sa loob niya na di niya maintindihan. Hindi siya nakatulog ng gabing iyon dahil sa sobrang pag-iisip, kinabukasan nagdesisyon siyang pumunta ulit sa burol at aasang makikita muli ang magandang nilalang, hindi siya nabigo at mulling dumating ang magandang nilalang at nakipaglaro sa mga halaman, doon siya naglakas ng loob na lumabas sa kanyang tinataguan at makipagkilala sa magandang nilalang. Sa una ay natakot ang buhay ng makita ang kamatayan maaring dahil sa suot nitong itim, agad hinubad ng kamatayan ang nasa ulo nito at bumungad sa magandang dalaga ang napakaamong pagmumukha ng ginoong ito. Doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, araw araw ay tumatakas ang kamatayan upang makita lamang buhay, sa hindi katagalan ay nahulog ang loob nila sa isat isa ngunit batid ng hari ng kadiliman na umiibig na ang kamatayan sa buhay at maari nitong masira ang kanyang mga plano. Nagbanta ito sa kamatayan na lumayo sa nilalang iyon kundi ay may mangyayari sa kanyang masama.

Ngunit hindi ito sinunod ng kamatayan, nakipagkita ito sa buhay at doon gumawa sila ng magagandang alaala, umupo sila sa taas ng burol at tumingin sa napakagandang imahe ng kapaligiran habang ninanamnam ang bawat sandali. Sa kasamaang palad, dumilim ang buong paligid, isang indikasyon na ang Hari ng kadiliman ay paparating. Tumayo ang kamatayan at handa niyang protektahan ang dalaga. Dumating ang Hari ng kamatayan at galit na galit ito kay kamatayan, doon niya ibinulgar ang kanyang mga plano at ang tungkol sa sumpang nakatali sa kanilang dalawa, ngunit hindi ito naging dahilan para mawala ang pag mamahal ng kamatayan sa buhay, nakipaglaban ito sa Hari ng kadiliman ngunit sa huli ay natalo ito, sa kanyang pagbagsak ay akma siyang sasaksakin ng kadiliman ngunit humarang ang buhay na naging dahilan upang silang dalawa ay humandusay sa lupa. Sa huli ay nakayakap padin sila sa isa't isa habang ang mga alaala ay unti unting bumalik sa kanilang isipan, sa kanilang huling hininga ay mayroong mga ngiti sa kanilang labi at ang huling salita na ipinangako ng kamatayan sa buhay, "magkikita tayong muli".

Ang sunod na pangyayari ay magaganap sa kasalukuyan na kung saan ang bida sa kuwento ay si David Alvarez siya ay anak ng pinakamayamang tao sa pilipinas at kasalukuyang CEO at Presidente ng Alvarez Enterprise, ang ibig sabihin siya ang tagapagmana ng kumpanya, sa kabila ng kanyang kaguwapuhan, katalinuhan at pagiging mayaman, nananatili padin siyang normal at hindi nais na ipakita kung gaano siya kayaman, sa mga susunod na kabanata ay matutunghayan natin ang kanyang buhay.

4
$ 3.27
$ 3.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Momentswithmatti
+ 3
Sponsors of Codename_Chikakiku
empty
empty
empty
Avatar for Codename_Chikakiku
3 years ago
Topics: Story, Writing, Love, Nonsense

Comments

Na shoookt naman ako dito 😍 can't wait sa next chapter 🤩🤩

$ 0.00
3 years ago

ngayon ko na isusulat chapter 1, Sana magustuhan mo.😊🤭🤭

$ 0.00
3 years ago

Nakuha mo ako dito.. si kamatayan at buhay... ganda...

$ 0.00
3 years ago

Ayunnnnnn... Ngayon ko lang nabasa.Ngayon lang naka open ulit. Prologue pa lang pero nasesense ko na ang kagandahan ng storya. ❤ Akin lang si David. Hahaha. walang sumpa pag kami magsama . Charoott😆😆

$ 0.00
3 years ago

hahahahaha bakit ang hilig niyo mainlove sa fictional characters hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hanggang fiction na lang kasi kami. Hahaha. Di pa kasi dumating ang the one namin in real life. So, fiction fiction na lang muna.

$ 0.00
3 years ago

I love the story chikakiku. I'm speechless with the last line "magkikita tayong muli". Can't wait sa susunod na pangyayari about the CEO...😊

$ 0.00
3 years ago

hahaha I'll write the chapters tomorrow po.

$ 0.00
3 years ago

Nice story sir. Nakakahook.😁

$ 0.00
3 years ago

ay nambola hahaha thanks sa pagbabasa, I appreciate it.❤❤

$ 0.00
3 years ago

Jahahaha..hindi yun bola sir😅totoo yun😁

$ 0.00
3 years ago

salamat!!bukas ko isulat chapter 1.❤❤❤

$ 0.00
3 years ago

I will surely read it.😊

$ 0.00
3 years ago