Yung Pasensya Ko Kaunti Nalang
August 29,2022
Hay, limang araw na namang absent dito bakit ba kasi?
As usual problemado na naman ako ganyan naman talaga ako kapag hindi nakakapag sulat ibig sabihin okupado talaga sa ibang bagay yung isip ko.
So may kwento ako hehe.
Ako bilang isang katulong dito sa middle east masasabi kong sobrang ingat ko na hindi magkakamali lahat ng utos ng amo ko sinisigurado kung ginagawa ko ang aking tungkulin na kahit minsan may mga utos na sumusubra na ay wala silang reklamong matatanggap galing sa akin. Isa ito sa mga nagustuhan nila sa akin yung tipong sunud sunuran sa kanila yan ang gusto nila at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sobrang haba ng pasensya yung ibinigay niya sa akin Kaya ako umabot dito sa amo ko ng anim na taon.
Tayong mga Pilipino ay masisipag at may mahabang pasensya pero darating din yung oras na kahit gaano pa kahaba yung pasensya mo ay talagang mauubos ito.
Itong mga amo ko masasabi kung okay naman magpasahud on time naman at alam kung hindi sila nambubug bug ng katulong kasi butiki nga takot eh hahaha.
Kaya lang kapag makikita nilang wala kang gaanong trabaho ay mag aalburoto yung kanilang ugali hahanapan ka talaga ng trabaho.
Dalawa na lang sana itong amo ko magkapatid at apartment lang itong tinitirhan nila tatlong kwarto maliit na sala at maliit na kusina so expected na wala akong gaanong trabaho sapagkat minsan lang din ako magluluto dahil ang sabi nila ay diet sila kaya magluluto lang ako ng para sa akin.
Nung 2016 pagdating ko dito nasa malaking bahay pa sila nakatira apat silang magkapatid dalawang babae at dalawang lalaki pero noong 2018 ibininta ang kanilang bahay at yung isang kapatid nila na babae ay nakapag asawa na at ang isang lalaki ay humiwalay ng tirahan dahil hindi sila magkasundo sa kanilang older brother which is ito yung nagpapasahud sa akin.
Ngayon iyung isa nilang kapatid na nakapag asawa na at mayroon na itong isang 10months old na bata ngayon ,at itoy nangungupahan din ng apartment wala silang katulong at ako yung dinadala ng amo ko minsan doon para mag linis.
Para sa akin okay lang dahil naiintindihan ko naman dahil wala naman akong masyadong trabaho dito lalo na at 1month wala dito yung kapatid nila dahil nagbabakasyon sa turkey sa September 27 pa ang balik kaya lalong mag aalburuto yung amo ko dahil wala akong gaanong trabaho dito.
Kaya yung kapatid niya na may anak palaging pumupunta dito at panay utos sa akin pero para sa akin okay lang sunud pa rin ako ng sunod amo ko yun eh pero yung parang hindi pa rin makuntento akala napakalaki yung sahud na ibinigay nila pero ako nagpapasalamat sa Dios despite sa lahat hindi niya ako pinabayaan binigyan niya ako ng lakas para makayanan ko ang lahat ng aking madadaanang problema.
Ang dinaramdam ko lang ay kung bakit ganyan yung ugali nila despite sa kabutihan na ipinakita ko sa kanila na lahat naman ng utos nila sinusunod ko pero kapag wala akong ginagawa ay hahanapan talaga ako ng trabaho.
Kaya hindi nila ako masisisi na magsisinungaling akong babalik pa sa kanila ngayong uuwi ako dahil alam ko na ang kanilang ugali good luck na lang talaga kung makakahanap pa kayu ng isang katulad kong kay haba ng pasensya hahaha.
Hanggang dito nalang muna ang aking kwento kwento dahil may ipalilinis yung amo ko sa itaas kaya sa mga magbabasa nito maraming salamat hahaha.
Sa aking mga sponsors maraming salamat.
Keep striving in life, no pain no gain.