Ang Aking Araw Ng Martes

21 41

August 09,2022

Yun, tagalog nanaman ako ngayon dahil parang kinapus ako sa oras nandito nanaman kasi kapatid ng amo ko kapag pumupunta kasi yan dito maraming utos yan. Yan ang dahilan na minsan masisira ang aking araw hehe.

O siya nga pala alam kung walang kabuluhan yung isusulat ko ngayon kaya maiintindihan ko po kayu kung mag skip kayong magbasa kasi alam ko naman busy tayo at yung oras natin laging kulang.

Pero yun nga ang sabi ko kanina kapag nandito kapatid ng amo ko talagang ma bad trip ako pero may magagawa ba ako wala naman diba? kung hindi ko hahabaan pasensya ko talo pa rin ako kasi amo ko sila kaya dapat pairalin ang pasensya.

Pero ganun paman nagising akong magaan ang pakiramdam alas 8 na ng tumunog ang aking alarm clock at sakto naman na tulog pa ang mga amo ko kaya pag Punta ko ng kusina uminum muna ako ng dalawang baso ng maligamgam na tubig naka ugalian ko na kasi yan na pagka gising ko tubig yung hahanapin ko.

At pagkatapos naglinis ako ng bongga, sala yung inuna ko mga isang oras tapos na hindi naman kasi madumi araw araw kasi ako naglilinis at wala namang bata na magdudumi kaya 123 tapos na.

Mga alas 10 ng umaga hindi ako nagutom kaya ang ginawa ko kumuha ako ng dalawang pipino at isang lemon gagawin kong juice at iinumin ko dahil nakita ko ito sa YouTube maganda daw kasi itong inumin kapag wala kapang almusal dahil nakakabawas daw ito ng bilbil at nitong mga nakaraang araw Plano ko na talaga na simulang mag self love I mean gusto kung alagaan sarili ko kasi parang napabayaan ko na wala namang ibang mag aalaga sa sarili natin kundi tayo lang din kaya sinabi ko sa sarili ko na simula sa araw na ito maging consistent na ako sa pag aalaga ng aking sarili.

Ito na yung 2 dalawang cucumber at isang lemon halos mapuno yung isang baso ko inubos ko lahat yan kahit hindi ko gusto yung lasa. And guess what guys after 2 hours pumunta ako ng banyo para mag bawas kaya masasabi kong effective siguro to pang tanggal ng excess fats kaya balak ko talagang araw arawin sa pag inum to kasi sayang lang din kasi yung cucumber dito laging naaabutan ng pagkasira at itatapon kaya bukas gagawa ulit ako nito.

Mga 11am nagising na dalawa kung amo yun pala may lakad sila kaya yung puso ko masaya kasi the best yung feeling kapag aalis yung amo ko hehe.

Mga alas 12 ayun naka alis na sila ako naman ay mag seselpon na.

Ngayon mga 3pm na dito habang sinusulat ko ito siguro malapit na yung umuwi kaya hanggang dito nalang muna at magluluto ako ng aking makakain dahil yung mga amo ko diet yun sila hindi ako magluluto sa kanila dahil vegetables salad lang yung kakainin nila.

Sponsors of Cleophia2
empty
empty
empty

Sa aking mga sponsors maraming salamat!

Salamat sa pagbabasa!

8
$ 0.30
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Jijisaur
$ 0.02 from @BCH_LOVER
+ 6
Sponsors of Cleophia2
empty
empty
empty

Comments

Pwede pala yung cucumber sis. Hehe maganda pag wala yung amo sis kasi feel mo makapagpahinga ka ng maayos unlike andyan sila kasi magiging busy ka.

$ 0.00
2 years ago

Hi, kababayan! Salamat sa pag share ng araw mo. Ang sarap ng lemon at cucumber. Sana maachieve mo ang plano mong healthy lifestyle. Maganda nga yan. Ang hirap magkasakit at kailangan nating palakasin ang ating Immune System para hindi tayo madaling kapitan ng sakit.

$ 0.00
2 years ago

Hello sis, salamat din at napansin mo ako , sana nga araw araw ko ito magagawa minsan kasi tinatamad ako.

$ 0.00
2 years ago

Wow, kung magawa mo ito lagi nakakabilib yun. Gaya kung first timer nag struggle ako minsan. Go ka sissy lalo kung may free time ka!

$ 0.00
2 years ago

Buti sis tahimik kapag wla kang amo at wlang bata eh

$ 0.00
2 years ago

Oo sis tahimik lang dito wala kasing asawa ang amo ko magkapatid sila isang lalaki yung isa.

$ 0.00
2 years ago

Ayos na din pla status mo dyan sis

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda nga kung ganun sis, effective at maganda talaga mag self love sis. Pag naging consistent ka jan sexy kana pag uwi mo. Maswerte ka din jan ano? Wala kang alagang bata at mabait pa mga amo.

$ 0.00
2 years ago

Health concuois pala mga amo mo sis, nasaan ka ba ngayon?

Mabuti at di ka na bad trip sa araw na ito

$ 0.00
2 years ago

Mukhang healthy lifestyle na ate ah hehe

$ 0.00
2 years ago

Maganda yan cucumber at lemon kasi anti oxidant at rich in fiber din. Happy healthy living sis. Ingat ka jan lagi.

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis ingat din.

$ 0.00
2 years ago

Ay wow, effective d i na pangbawas ug fats ang cucumber ug lemon dae? Parang gusto nako na e try.

$ 0.00
2 years ago

Effective jud dae ako jud suwayan kada adlaw unya akong timbang karon kay 57 man sunod buwan nako mag timbang sunod kung nakuhaan ba hehe. Pag inom dae kung naa ka diha cucumber og kalamansi pwede ra gani.

$ 0.00
2 years ago

Sige dae, try nako na. Ok ra ang lasa Ana dae?

$ 0.00
2 years ago

Naks naman nagstart Nah ug pa healthy ohh, good kaau Nah bah, nindot gyud kung walay batA noh? Kai wala kaau trabaho, hehe hayahay kaau wui.

$ 0.00
2 years ago

Hayahay ra gyud dae unya kay iyang igsoon man mag sige og ari maglagot ko hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Whahaha, pasagdahi lang Nah wui, mastress kah anah,ahehe

$ 0.00
2 years ago

Well, importante naman kasi talaga yung self love sissy. Tama yang ginagawa mo. Parang gusto ko din ma try yan ba. Kaso malayo yung town dito sa'min.

$ 0.00
2 years ago

Dapat talaga sis, alagaan mo ang sarili mo diyan kasi nasa malayo ka,saka ang panahon ngayon pabago bago. Masarap ba ang cucumber na juice di kobpa na try yan,pang cleansing yata yan.

$ 0.00
2 years ago

Okay naman ang taste ng cucumber juice sis ,mapakla lang ng kaunti pero siguro kapag nasanay ka na sa lasa okay na siguro.

$ 0.00
2 years ago