November 4, 2o21
Ang sarap balikan ang mga araw kung saan masaya tayong naliligo at nagtatampisaw sa Batis(creek). Mga panahon kung saan wala tayong ibang iniisip magpakasayang maligo kasama Ang ating mga kaibigan. Sa may Batis ako pupunta kapag masaya ako o di kaya malungkot ako na para bang baliw na kinakausap ang sarili sa pamamagitan sa repleksyon ng aking sarili sa tubig. Umiiyak,tumatawa, at nagalit habang nagtatampisaw at kung minsan sumisigaw pa lalo kapag may kaaway ka sa school. Ansarap bumalik SA MAY BATIS.
Panahon ay lumipas mga kabataan ay 'di na nahilig sa ganito. Kabataa'y mas nakapukos na sa makabagong teknolohiya kung kaya't di sila interesado rito. Paano na Kaya Ang susunod na Henerasyon maranasan pa kaya nila ang maligo sa Batis? Ang tanong may malinis pa kayang BATIS na kanilang mapagtampisawan? Oh kay sayang lang maraming kabataan ang ayaw maligo sa Batis sapagkat narurumihan sila rito 'di nila alam kung gaano ka saya maligo sa Batis kagaya na lang sa mga batang ito na nasa larawan.
Halos Isang dekada ang nakaraan na 'di Ako nakaligo sa sap/batis pakiramdam ko noon about tainga ang ngiti sa aking mga labi. Ang tanging nasa isip ko lang noon ay Ang ala-ala sa nakaraan . Ala-ala na gusto kong balikan at ngayon ay nangyari na. Palutaw luta sa maliit na Batis habang pinapakinggan ang huni ng mga ibon at ang tunog ng agos ng tubig na dumadaloy napaksarap pakinggan. Nakikita ko rin kung gaano ka saya ang aking mga alaga habang nagtatampisaw at naliligo sa ilog/sapa/batis minsan na rin akong natanong nila noon "KUNG GAANO KASAYA MAKIGO SA ILOG/BATIS/SAPA". Siguro sa araw na ito nasagot ang tanong sa isip nila. Kung gaano kasaya ang mga Bata ganoon Rin ako kasaya . Walang mas sasaya pa sakin kapag maligo na Ako sa ilog lalo pa at malamig Ang sapa rito .
Ika-1 ng Nobyembre taong 2021 araw ng Undas Wala sa DESISYON namin ang pagligo sa maliit na Batis na ito . Lahat nakapangtulog pa aaminin ko na sobrang eksayted(excited) akong maligo sa Oras na iyon kahit nakapangtulog. Handa na akong magtampusaw ngunit pagtapak ko pa lang sa tubig parang di ako makagalaw dahil sa sobrang lamig kasing-ginaw ng freezer feeling ko para akong naligo sa isang bucket na puno ng yelo pero hindi ko ito ininda at tuluyan kaming naligo kasama ang mga Bata. Naglalaro ng HABULAN, KANTAHAN, at SAYAWAN habang naliligo para akong bumalik sa pagkabata. Doon na rin kami nananghalian sa tabi nito syempre pagkatapos Kumain naligo ulit kami . O kay ganda na araw na ito. Alas dose na nang napagpasyahan naming umahin sa tubig . Pag-ahon namin sa tubig ay parang naninigas ang paa ko dahil sa lamig idagdag mo pa ang malamig na hangin.
Pagkatapos maligo ay dali-dali naman akong nagtimpla ng kami para mawala ang lamig sa katawan. Habang humihigop sabay tawag na Rin at sumigaw" TARA KAPE" super enjoy tanghaling tapat nagkakape Ako.
Oh Ikaw naranasan mo na bang maligo sa Batis/sapa/ilog? Nasisiyahan ka ba tuwing naliligo ka sa ilog? Sa iyong palagay may mga malinis pa kaya na mga Batis para sa mga susunod na Henerasyon?
Well thank you everyone for your.
undying support to me . And thanks
for always reading my articles.
On the next. Ciao. Gracias
Kami may ilog dito sa likod bahay kaya minsan nakakaligo kmi pati anak ko pinagtatampisaw ko din😀