Pasko at Bagong Taon na di kasama ang Pamilya
Mahirap piliin ang trabaho kaysa pamilya ngunit masarap isipin na kahit malayo ka sa kanila basta alam mo na para ito sa kanila.
Dalawang araw na ang nakaraan mag-isa kong igunita ang Pasko. Oo! May kasama ako aking mga amo ngunit mas masarap pa rin kapag pamilya mo Ang kasama sa araw ng Pasko.
MASAYA NGUNIT TELA KULANG
Masaya at nakangiti akong sinalubong ang Pasko ngunit tela ako'y KULANG.
Kulang sapagkat Hindi ko maakap ang pamilya ko sa araw ng Pasko.
Masaya sa panlabas ngunit durog sa panloob, ngayon ko lang napagtanto na Ang hirap pala malayo sa pamilya lalo na sa pinakaespesyal na pagdiriwang ng Taon.
SAKRIPISYO PARA SA PAMILYA
Matatawag ko na ang aking ginawa sa ngayon ay isang SAKRIPISYO para sa kanila na kahit ang hirap para sa Isang tulad ko ang malayo sa kanila ngunit kailangan para matustusan ang pangangailan ng PAMILYA. Pamilya ang syang nagbigay lakas ng aking pagkatao ngunit paano naman kung mananatili ako sa tabi nila na kahit gutom at laging nagrereklamo ang sikmura namin kaya pipiliin ko nalang ang lumayo para may makakain kami sa araw-araw.
Pangungulila sa Pamilya
Walang Oras na Hindi ko sila namimiss gustuhin ko man ang umuwi pero paano kung pag-uwi ko doon wala kaming makain. Sabi nga nila; "kahit na wala basta kompleto ang pamilya Masaya na Ako" pero para sa akin kailangan magsakripisyo ang isa para sa ikakabuti nang pamilya. Di bale ng umiyak sa Gabi dahil sa pangungulila sa kanila kaysa magutom Ang aming sikmura. Araw-araw akong tulala nakatutok sa Langit na tela kinakausap para lang mabawasan Ang pangungulila ko sa kanila. Nakakamiss ang bonding naming magkakapatid, yakap ni inay at itay at ang masayang salo-salo ng pamilya.
Magbabagong Taon ulit na Mag-isa
Ilang araw at tulog nalang ay magbabagong taon na naman siguradong sasalubungin ko naman itong mag-isa. Kailangang tanggapin na ayaw ng tadhana na makasama ko sila sa araw na ito. Uuwi sana ako ngayong ika-30 Ng Desyembre taong 2021 ngunit kinausap ako ng amo ko kung pwede pagkatapos na ng Bagong Taon ako umuwi. Excited p naman sana Ako kaso naudlot Ang pananabik.
Pangungulila ni Bunso.
Di ko alam kong ano Ang magiging reaksyon ko sa chat ni Bunso ngunit konting tiis nalang bunso uuwi ri Ang ate. Alam kong lahat sila ay namiss ako ganoon din ako kaya napaiyak Ako sa'yo bunso.
Author's Note;
Para sa lahat ng OFW diyan saludo Ako sa inyo sapagkat pinilit nyong magsakripisyo para sa Pamilya niyo. Alam kung mahirap ngunit nakayan niyo. Big Salute sa Inyong lahat.
Salamat sa pagbasa. Ang muli kong.
pagbabalik Dito sa read.cash
sobrang busy Kasi sa work . Salamat
muli.
Kudos sayo ate.ang laki ng sakripisyo para sa pamilya..pero mabuti nalang din at hindi na mahirap ang contacts ngayon..