MaPa Salamat

2 33
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Family, Real Life

"Mama kamusta na di na tayo laging nagkikita miss na kita sobra. Lagi na lang kami Ang Yung inuuna 'di pa pweding Ikaw muna.Papa naalala mo paba Ning ako'y Bata pa, di ba? Aking puso'y 'yong hinanda sa mga bagay na Buhay Ang may dala".SB19~

Para sa'yo aking Ina salamat sa pagdala mo sakin ng 9 na buwan sa loob ng iyong sinampupunan. Alam kong maraming mga bagay ang iyong hindi magawa sapagkat ako'y iyong pinag-iingatan hanggang ako'y maisilang mo. Buhay't kamatayan ang nakataya sa'yo ng ika'y nasa loob ng "Delivery Room". Salamat at hindi mo'ko sinukuan. Sa bawat araw na lagi kang puyat para lamang alagaan Ako sa gabi. Salamat sa pag-alaga sa akin tuwing may sakit Ako parang dala mo na rin ang sakit ko. Ikaw mismo Ang hahanap ng paraan para ako'y gumaling at bumalik ang aking buying sigla. Mula Isang buwang gulang hanggang ngayong nasa 22 na taong gulang na Ako Ikaw pa rin ang nilalapitan sa Oras na magkasinat o magkasakit man Ako. Salamat sa mga payo na kailan man di ko makalimutan. Binigyan mo Ako Ng liwanag na syang aking dala-dala hanggang sa aking pagtanda.

Para po sa'yo aking Papa

Papa salamat dahil nong nalaman mong nagdadalang tao si mama ay inako mo agad ang responsibilidad . Salamat po Papa kasi kahit kailan di mo kami sinukuan ni inay. Nagsumikap ka para matutustusan Ang aming mga pangangailangan sa buhay. Salamat sa pag-alaga Kay inay habang sya'y nagdadalantao sa akin. Maraming mga bagay at pangarap ka ring sinukuan upang kami ay iyong mapangalagaan. Maging Ikaw man ay puyat sa gabi sa pagtimpla Ng aking gatas ngunit di ka napapagod na magtrabaho sa Umaga para may pambili ka Ng ating makakain sa bawat araw. Naalala mo pa ba yung mga araw na tinuruan mo akong sumulat ng aking pangalan, pagbigkas ng mga baybayin at pagkwento sa akin ng mga kwentong pambata hanggang sa ako'y makatulog. Salamat sa pagturo mo sakin kung paano maglaro ng aking kinahiligang laro hanggang ngayon. Ikaw ang aking best coach ever dahil mula sa'yo marami akong natutunan na kailan man ay di maibigay ng iba sa akin. Salamat sa pagsuporta mo sa akin sa mga bagay na gusto mula pagkabata hanggang ngayong nasa hustong gulang na Ako. Wala akong ibang pangarap na maging ama kundi Ikaw lamang. Ikaw Ang nagsilbing inspirasyon ko sa bawat hamon na aking tatahakin sa araw-araw.

MAPA

Sa inyo biglang aming mga magulang ay nagpapasalamat ako dahil tinuruan niyo akong maging masunirin, marespeto,mapagmahal sa kapwa, at higit sa lahat may takot sa Diyos. Kayo Ang nagsilbing mga inspirasyon ko kung san man Ako dalhin Ng Tadhana. Walang kupas Ang inyong ibinigay na pagmamahal sa akin. Nabigo ko man kayo ngunit mas pinatatag niyo Ang loob ko sabi niyo pa"HINDI PA HULI ANG LAHAT DESISYON MO ANG HINDI MUNA MAG-ARAL KAYA SUSUPORTAHAN KA NAMIN KUNG MAGTRABAHO KA MUNA. PATAWAD ANAK DI NAMIN KAYA SA TUITION MO SA KOLEHIYO. ALAM NAMIN MAKAPAGTAPOS KA RIN DAHIL MATAPANG AT MATATAG KA ANAK". Kayo pa ang humingi Ng tawad habang Ako itong di pinagsikapan ang aking pag-aaral kaya nawala Ng scholarship. You make me strong and proud. Kayo Ang aking mga bayani na kailan man di sinukuan Ako at ang aking mga Kapatid. Pinalaki niyo kami sa tamang paraan. Salamat MAPA sa buhay na ibinigay niyo sa akin. Babaunin ko Ang mga aral na tinuro niyo sa akin simula nong ako'y bata pa . Hiling ko lamang na bigyan pa kayo ng mahabang panahon upang kami ay inyong makasama .

Sa LAHAT Ng mga magulang diyan di man Namin masabi sa inyo na mahal namin kayo. Sana tandaan ninyo kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyo mula sa umpisa hanggang ngayon. Kayo Ang aming lakas at sanadigan sa Oras na kami ay mahina. Kayo Ang aming mga bayani na handang lumaban maipagtanggol lamang kaming mga ANAK ninyo.

  • At para Naman sa mga anak diyan huwag ninyong ikahiya Ang inyong mga magulang sapagkat kung Wala sila ay Wala Rin Tayo sa mundong ito. Huwag kayong mahiya kong ano mang trabaho ma meron Ang inyo Mama at Papa..

Author's message: Ang vedio na nasa TaaS ay mula sa SB19 official YouTube channel. Sinadya kong ilagay Ang vedio na ito upang maalala natin Ang ating mga magulang.

Photo from lead image is from:https://www.wishesmsg.com

Ito po Yung link Ng channel nila:https://youtube.com/c/SB19OfficialYT

Salamat at Hanggang sa susunod 
MaPa Salamat published on September
8,2021.

1
$ 0.47
$ 0.42 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Winx1988
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Family, Real Life

Comments

Minsan nakakalimot tayo . Dala siguro ng ating panahon

$ 0.00
2 years ago

Ang mahalaga naalala pa Rin natin sila

$ 0.00
2 years ago