Ako nga pala si Claire dalawampu't isang taong gulang. Sa edad 18 nawalay na ako sa tahanan ng aking mga magulang para makikipagsapalaran sa ibang lugar dito sa Pinas, panganay sa apat na magkakapatid. Sinulat ko ito storyang ito dahil di ko masabi sa magulang ko kaya idadaan ko nalang sa kwento "Liham para kay inay at itay"
Mahal kong inay at itay,
Kamusta kayo diyan sa bayan grabe tatlong(3) taon na pala akong wala diyan. Siguro maraming nang nagbago ano. Inay, itay na miss ko kayo sobra alam kong alam niyo yan paano ba kasi bihira lang kayo tumawag sa akin isa o dalawa lang sa isang buwan. Alam niyo ba na andami kong gustong ikwento sa inyo mula pag umpisa ko rito hanggang ngayon sayang kung pwede lang sana araw-araw ko kayo makausap. Hindi niyo kasi sinasagot mga tawag ko. Alam niyo ba na nasasaktan ako na sa bawat pagtawag nyo sakin hindi pangungumusta ang unang kong marinig kundi"Kailan ka magpadala anak?, alam mo gusto sana kapatid ng bagong damit atbpa bigyan mo naman ikaw lang kasi may trabaho ". Isang matamis na oo lamang ang lagi niyong marinig mula sa akin wala kayong narinig na kahit ano . Gusto ko naman sana na kumustahin niyo ako, gustong-gusto ko magkwento sa inyo pero tela malimit lamang ang oras niyo. Nakakasakit sobra Nay, Tay kayo yung lakas ko . Kayo yung rason kung bakit ako nagsumikap, konting pangungumusta lang po ang gusto ko wala na pong iba. Pasensya na po kung minsan di ko naibigay ang gusto niyo, nag-ipon po ako para sa pag-aaral ko. Alam niyo na nahulog ako sa hagdan dito sa bahay ng amo ko? Alam niyo na nagka-over fatigue ako? Alam niyo ba na muntik na akong palayasin dito sa mama ng amo ko? Alam niyo na pagod na pagod na ako? Hindi di ba okay lang basta't masaya kayo masaya na rin ko. Mentally, Emotionally and Physically drain na ako rito pero wala akong malapitan kasi ang taong pinagkunan ko ng lakas ay sya ring nagpapahina sa akin. Noong nakaraang buwan pala na test ako na positive sa covid, di ko na sinabi sa inyo kasi ayaw kong mag-alala kayo. At ang masakit pa doon nagalit ka sakin Inay kasi d ako nagpadala ng pera para sa kaarawan ng kapatid mo na pinangakohan mong bigyan ng regalo. Hanggang iyak lang ako kasi sa mga araw na iyon nakaisolate ako nagpapagaling mula sa malubhang sakit. Halos nawalan na ako nang hininga sa mga araw na iyon. Mabuti nalang napakiusapan ko si madam na ang kanyang kapatid na ang maghulog ng pera ko pampadala sa inyo, ansakit kasi di ko man lang narinig sa inyo ang salitang "Anak kamusta" pero sapat na yun dahil narinig ko ang salitang"SALAMAT ANAK". Habang kayo masaya sa mga oras na yun ako naman pinipilit na labanan ang virus na nakadikit sa aking katawan. At sa awa ng Diyos naging okay ako. Bakit kayo nagbago di na kayo yung Inay at Itay na nakilala ko . Ang aking mga magulang ko na mapagmahal at mapag-alala. Andaming nagbago sa inyo gusto ko bumalik ang dating Inay at Itay na nakilala ko. Pasensya na kong ito ang naramdaman ko. Sa kabila ng lahat MAHAL NA MAHAL ko pa rin kayo. Huwag nyo pong pabayaan ang sarili nyo.
Sana makatawag na kayo. Sorry kung ganito ang sulat ko gusto ko lang malaman niyo na wala akong galit sa inyo. I love you and see you soon.
Nagmamahal ,
Claire
Sa mga magulang diyan huwag nyo po sanang kalimutan na kumustahin ang inyong mga anak. Sana'y alamin niyo kung ano na ang kalagayan ng inyong anak.
A/N: di ko sinumbatan ang mga magulang ko gusto ko lang malaman nila ang naramdaman ko bilang anak.
A/N : sorry po kung may typos tumutulo po kasi mga luha ko habang tinatype ito. Salamat po sa lahat ng nag-encourage sa akin dito na ipagpatuloy ko ang pagsusulat.
Image from lead image is from : https://www.facebook.com/events/427152854993321/
Hello, kamusta ka na?Okay ka lang ba diyan? Sana okay ka lang, doon sa una mong article na nabasa ko nag-iipon ka para sa pag-aaral mo, huwag mong pababayaan sarili mo kasi dika makakapag-aral kung mag-kasakit ka.. Stay strong girl, lovelots, malalagpasan mo di lahat ng pagsubok mo sa buhay..Tiwala lang Godbless!