Different type of classmates I met during Face to face;(high school life)

5 33
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Real Life, Sharing, Facts

Sa ating pag-aaral may mga kaklase talaga tayong may iba't -iba Ang ambag sa silid-aralan. Ang artikulo na ito ay ukol sa aking nasaksihan noong nag-aaral pa ako na tiyak na experience niyo rin ito noong face to face pa ang klase. Na miss niyo ba magface-to-face Ang klase ? Halina't ating pag-uusapan Ang iba't-ibang uri nang ating mga kaklase noong Face-to-face;

SILENT BUT KILLER

Sila Yung tipo ng estudyante na tahimik lang sa tabi. Hindi mahilig makisama sa iba Basta uupo at aalis lang kapag tapos na ang pasukan pero killer naman sa katalinuhan. Tipong kakainin ka sa haba ng explanation kahit simple lang yung tanong pero sagot nila super haba.

LIBRARY LOVER

Sila naman tong mga kaklase na kapag may asignatura punta agad sa library halos walang Oras na di pupunta sa library. Sila Rin yung kapag di nila alam ang explanasyon ng guro niyo agad punta sa library tapos magagalit pa dahil Mali raw Yung turo ng guro nila .

THE SLEEPING BEAUTY

Ito naman ang tipo ng kaklase mo na parang di natutulog buong gabi. Wala silang ambag sa klase kapag naging kagrupo mo sila sa mga activities dahil ang tanging ambag nila ay tulog lang minsan magdadala pa yan nang sunglasses para sabihin na nakikinig pero sa totoo tulog Yan.

The Pranksters

Sila naman yung mahilig kang paglaruan lalo na kapag baguhan ka sa klase nila tiyak mapapaiyak ka sa mga prank nila. Hilig nila ang paglaruan mga gamit mo at itatago. Sila Rin Yung mahilig magsabi na "Sabi ni teacher di raw Siya papasok sa klase uwi na raw Tayo nang maaga " tapos bigla nalang papasok yung guro niyo. Hilig din nilang sabihin sa mga girls "uy crush ka nito oh.".

The Classroom Guard

Ito marami-rami to sila. Sila naman ang tagabantay sa pinto at taga-sigaw kung andiyan na guro,principal, at kung sino pang mahahalagang tao sa school. Talagang yan lang ambag nila buong taon tagabantay lang talaga ng pinto.

The Secretary

Sila yung favorite Ng teacher niyo lalo kapag may ipapasulat sa board halos sila lang naman Ang nakaubos sa chalk ng teacher niyo kakasulat sa board. At mag-ingat ka Rin sa kanila dahil sila Rin yung taga-lista sa mga maingay malalaman mo nalang pagkatapos nang taon na ang taas na pala ng LISTA mo. Kaya ingat ka sa tulad nila.

The Hyper of the Class

Sila Rin yung kaklase mong hilig magsimula ng kasiyahan lalo na kapag walang klase. Yan lang din naman ambag nila patatawanin buong klase pero sa sagutan tahimik Yan.

The make-up specialist

Mga kaklase mong make-up lang dala ng bag nila. Tapos kapag napagtripan ka tiyak Ikaw ang paglaruan nila Minsan gagawin kang clown Ng room niyo. Sila Rin yung pagkatapos nang klase retouch kaagad Kasi na stress sa klase. At kilay is layf.

The Heartrob

Minsan sa klase niyoay mga Heartrob talaga tayo. Paborito na nga ng guro paborito na rin ng buong klase. Tipong tamang pa cute lang sa teacher ay pasado agad(di Naman lahat nadala nila). Sila yung pinagpalaga sa kagandahan at kagwapuhan kaya Yan puhunan nila para makapasa...

Itomg panghuli tiyak marerelate ka nito.

The Uy Bes pakopya

Sila Naman itong Bess Ang lahat pagdating sa sagutan. Tapos sasabihin kaagad nakalimutan ko Kasi pero Ang totoo di talaga Yan mag-aral. Kopya lang nang kopya hanggang magtapos Ang buong klase.

Oh ! Ikaw alin ka diyan . Maraming mga katangian Ang ating masasaksihan sa buong klase pero aminin niyo kahit ganyan mga kaklase niyo mamimiss niyo talaga sila. Kaya pagtiyagaan niyo nalang sila Malay mo next year di niyo sila kaklase pero kung maging kaklase niyo ulit tiyak malas mo Yun

Sponsors of Claire.24
empty
empty
Thank you po ulit sa pagbasa. 

Sa aking mga butihing sponsors thank you po dahil di kayo nagsawang suportahan Ako.

Salamat muli, hanggang sa muli readers.

Lead Image : UNPLASH

2
$ 2.29
$ 2.19 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Codename_Chikakiku
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Real Life, Sharing, Facts

Comments

Ako ang hyper of the class. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na huwag mag ingay. Nangangati ang bibig ko kapag hindi nakapagsalita. And also I'm ms. Secretary as always from elementary to high school😅

$ 0.00
2 years ago

Hirap kapag secretary no? Parang syota muna ang chalkboard tsaka chalk

$ 0.00
2 years ago

Yes talaga sis.

$ 0.00
2 years ago

Belong ako sa tahimik sa klase pero number one giver ako ng pagkain yung tipong pagkabukas ko palang ng baunan ko may nakaabang ng mga tropa sabay isa isa sila subo sa pagkain ko hahaha pero okay lang yun sanay naman na, lalo na kase nanghihingi din ako ng ulam nila WHAHAJA.

$ 0.02
2 years ago

Nakakamiss yong face-to-face na klase no ?

$ 0.00
2 years ago