Dear BCH at ReadCash (open letter)
Hey you there fellow readers and writers. I've been so busy today doing something that was assigned to me. Chill lang kayo gusto ko lang sulatan na ating mga kaibigan.
June 14,2022
Dear BCH at Read Cash ,
BCH,
Unang-una gusto kong batiin ka ng magandang araw. Kamusta ka sanay nasa mabuti kang kamay at naway maligaya ka sa araw na ito. Dami kasing nababahala sa'yo sapagkat sabi nga nila bumaba ka raw ng bumaba. Bakit nga ba? Broken Hearted ka ba? Share mo naman sa'kin kung sino ang nanakit sa'yo . Kung meron man di Rin kita matutuluhan ang nais ko lang ay maging Isang ganap na Marites.
Balita ko sobrang lugmok mo raw ngayon gayundin ang iyong mga Holders sapagkat para ka raw natalo sa pakikipagdigma sa sobrang pula ng iyong grapiko. Oh Kay dami kung naririnig na mga sabi-sabi "bakit ganoon ang baba na nang presyo ni BCH" "parang ninakawan ang wallet ko" magnanakaw ka pala e (di joke lang). Kaya andaming nag convert kaibigan dahil nawalan sila ng pag-asa na babangon kang muli.
Lugmok ka man sa panahon na ito ngunit hayaan mong magpasalamat ako sa'yo sapagkat Ikaw ang nagsilbing liwanag sa akin sa panahong lugmok rin ako gayundin kina @Read.Cash at @noise.cash . Salamat at nakilala kita ang isang Cryptocurrency na sobrang bait sa tulad naming walang kayang mag-invest ng pera dahil nga mga mahirap lamang. Kaya umaasa ako na balang araw ay aangat ka rin . Huwag kang mag-alala sapagkat marami kaming nagtitiwala sa iyo at naghihintay sa iyong muling pagbangon. Di man sa Ngayon ngunit sa tamang panahon. Hayaan mo ang mga Hindi naniniwala sa'yo alam ko darating na magsisisi sila dahil sa kanilangaling desisyon na iconvert into real money Ang BCH nila. Hanggang may BCH may pag-asa. Di ba kaibigan?
Read Cash,
Kamusta ? Di ko alam saan magsimula. Ang liham na ito para sa iyo kaibigan bilang pasasalamat sa pagtaguyod sa mga bata,may edad, professional man o Hindi na binigyan mo ng pagkakataon na hubugin ang kanilang mga isipan sa pamamagitan nang pagsulat . Salamat at ikay aking nakilala Isang plataporma kung saan binigyan ako ng chance na sumulat ng mga artikulo na noo'y di ko magawa sapagkat nahihiya Ako. Ikaw ang nagsilbing liwanag noong panahong lugmok na lugmok Ako. Salamat dahil tinatanggap ang aming mga artikulo kahit ito ay Hindi nakasulat sa Wikang Ingles. Ang tanging hangad at hiling Kay bathala na Naway marami ka pang mahubog na kabataang tulad ko na imbis mahilig sa bisyo ay mahilig na lamang sa pagsulat. Wala na akong masabi pa kundi MARAMING SALAMAT, IVO LIVE READ CASH(ay encantadia na pala to, joke lang). Hanggang dito nalang.
Lubos na nagmamahal
Claire.24
Author's Note,
At naitawid ko Rin ang akin mga nais . Salamat Read.Cash at BCH
To my upvoters, readers, and com-
menter, Maraming Salamat.
Really wanted reading the open latter but can't understand the language and am sure it will be a very heart felt latter.