"If only I could rotate the clock backward I already do it. I never expect that our nation would be in chaos. Back then people are living in a simple way. Happiness are in their eyes not Chaos. How could I wish to go back the old times "
Mga tao sa panahon ngayon ay mas nakasentro na ang pag-iisip sa mga makabagong teknolohiya. Nakapukos sa mga isyu ng ating pamahalaan na para bang mas marunong pa sa kay Dr. Jose Rizal kung makapagbitaw ng masasakit na salita sa kapwa Pilipino. Kapwa Pilipino nagpapatayan, nagsipag-agawan ng kani-kanilang mga lupain at naghihilaan pababa. Pilipino nga kung tawagin pero kung makasira sa bayan higit pa sa dayuhan. Ano pa't andito ka sa ating bayan kung ang iyong pag-iisip ay higit pa sa malansang isda. Charrrooot. Kabataan! Kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga ni Dr. Jose Rizal pero paano na maraming kabataan ang mas nalulong sa masamang bisyo. Kabataan pa ba ang pag-asa ng Bayan o kabataan ang sisira sa bayan?. Kung ating pagmasdan ang ating kapaligiran halos malalaking gusali at imprastraktura ang ating nakikita. Halos mabibilang na lamang ang mga punong-kahoy. Kaawa-awa ang mga susunod na henerasyon kung patuloy na puputulin ang ating mga punong-kahoy. Napabuntong hininga ako habang nanonood ng balita tungkol sa isyu, at mga pagbaha sa ating bayan at nasambit"IF ONLY I COULD ROTATE THE CLOCK BACKWARD, I ALREADY DO IT".
Taong 2006 panahon kung saan nasa ikaunang baitang pa lamang ako. Tanda ko pa noon na halos ang mga kabataan ay nakapukos sa pagtulong sa kanilang mga magulang. Kabunduka'y di pa kalbo makikita mo pa ang mga matatayog na mga puno. Maaamoy mo pa ang sariwang hangin. Malinis pa ang mga sapa, ilog at dagat. Karagata'y sagana pa sa lamang-dagat.Mga bilihin ay napakababa pa ng presyo. Mga magsasaka ay di pa nagpoproblema ng pataba sa kanilang sakahan sapagkat ang mga lupain ay sagana pa sa matatabang lupa. Mangingisda ay laging may ngiti sa mga labi tuwing uuwi galing sa laot sapagkat marami silang nakukuhang mga isda na ang gamit ay layag lamang hindi makinarya . Mga nagsisilakihang mga prutas at gulay ang ating makikita na galing pa sa mismo sa taniman. Lahat ng prutas noon walang halong kemikal di gaya ngayon .Maliit man ang kita noon pero makikita ang saya ng bawat isa.
Bayanihan ay laging nandiyan kapag may nangangailangan. Tuwing may piyesta naman ay di mawawala ang pagkaing pinoy na SUMAN, BIBINGKA, PUTO, AT IBA PA. Syempre di rin mawawala ang Santakrusan na lagi kong inaabangan noon. Sama-sama ang bawat isa sa hirap at ginhawa. Halos lahat ay may pagkakaisa at pagkabuklodbuklod para sa ikakabuti ng bayan. O kay sarap balikan.
Ito pa tanda mo pa ba ang mga larong Pinoy ng mga kabataan noon ? Tanong ko sa bawat kabataan ngayon at laging tanong ay "WHAT'S LARONG PINOY?" kaawa-awa walang kaalam-alam sa mga larong pinoy. Sa aking pagkakakatanda ang bawat kabataan noon ay tanging mga Larong Pinoy o Laro ng Lahi lamang ang alam. Makikita mo sa kalsada naglalaro ng Patentiro, sa paaralan naman o di kay parke makikita mo rin ang mga kabataang babae na masayang naglalaro ng"Luksong Lubid". Kilala mo ang larong Pitiw(Siyato) ito ang aking kinahiligan noon na kapag natalo ka ay kailangan mong kumanta ng"Sensilyo sigarilyo ang sukli bente singko, Siyato " basta yun na . Larong Luksong tinik, luksong baka, sungka , trumpo(top), tumbang preso, taguan, holen,lastiko,bahay-bahayan,tiyakad, piko,saranggola at marami pang iba.O kay daming larong pinoy na kinahiligan sa mga kabataang pinoy noon. Mga mag-aaral noon ay aklat lamang ang tanging binabasa. Mahilig rin ako noon maligo sa tabing-ilog kasama ang mga kaibigan. Kay saya ng panahong iyon . Panahong lahat ng kabataan ay nahubog sa laro na sariling atin.
Ayon nga sa ama ng aking amo na minsan kong tinanong ukol sa Kabataan noon at ngayon ito lamang ang sagot niya" Kaawa-awa dahil alam most of the children nowadays are more fucos on technologies. Even my grandchildren they're not familiar with the Filipinos tradition. Even larong Pinoy they don't even know that. When I was a kid, you know my family was belong to a wealthy people. I used to play with the children outside or the children of our labor, you know luksong baka, luksong tinik and others all of them were my favorite games. There's a big difference between the children nowadays and the children back then. I remembered na kapag may iniirog ka noon you should exert effort kailangan mong ligawan muna ang magulang and akyat ka ng ligaw sa pamamagitan ng harana e kung d ka gusto ng babae at di ka papasukin . E di balik ka naman bukas. Lahat ay nagbago pati ating kultura ay minsan na ring kinalimutan ng mga kabataan ngayon . Though today was easy, you know communication to your family ay napakadali just simply type it and send it ayon tanggap na ng parents mo. Noon you should do it by hands, tapos ibalot pa sa mahiwagang sobre at minsan aabutin pa ng buwan o di kaya taon. So let's make it short para sakin dabes ang noon kasi ang saya ng bawat isa kumunikasyon laging nandyan. Yang gadget walang wala yan sa larong pinoy. Kaya nga mga bata ngayon antitigas na nang mga ulo dahil sa mga gadget na iyan" sagot nito sa akin.
Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan. Nakaraan na puno ng pagmamahalan ang pinapairal hindi pagkakasiraan. Panahong ang lahat ay tanging saya lang ang dala. Ang bawat noon ay desiplinado . Maririnig mo lagi ang salitang"Po" at Opo". Mahirap man ngunit sagana sa pagkakaisa.
Pilipinas hindi pa huli ang lahat kung ang bawat kabataan ay hubugin ang isipan para sa kapakanan ng ating mga minanang lupa mula sa ating mga bayani. Kung nabubuhay pa ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Masaya kaya sila? O mabibigo sila ? Lagi nating isa isip na binuhis nila ang sarili nila para bayan ay d mapasakamay ng mga dayuhan nawa'y ito ang inyong tandaan na mahalin ang ating bayan.
Ang tanging hangad ko lang na sana di ipagsawalang bahala ang ating mga kultura at mahalin ang sariling atin. Pinoy ka sa isip at gawa. Kaya huwag mo sanang ikahiya ang iyong pinagmulan.
A/N : na miss mo ba ang nakaraan? Naway magsilbi kang gabay sa susunod na henerasyon at turuan mo sila sa ating kultura.
Mahalin mo nawa ang ating bayan.
Author's Note: let's gave love those brave Filipinos who fought for our nation
Lead image are from Unplash
Maraming salamat aking tagapag subaybay.