Sabi nila Beach was the best place to unwind. And I agree with that. Ikaw ba mas gugustuhin mo bang magbakasyon sa tabing dagat kaysa pupunta sa ibang lugar? Kung ako ang iyong tatanungin , yes mas gugustuhin ko wala rin naman akong pera para pupunta ng ibang bansa di joke lang pero wala na atang mas sasaya pa sa akin kapag dagat na ang pag-usapan. Kaya samahan niyo ako na ikwento ang aking karanasan sa aming kunting bakasyon dahil"Isang araw't gabi sa dagat" mga nakakatawang eksena kasama ang aking mga butihing amo at kasamahan...mula umpisa hanggang dulo pagpasensyahan nyo na..
Sa gabi palang abala na ang bawat isa sa pag impake ng mga gamit na dapat dalhin. Napuno ng excitement ang bawat isa at syempre isa na ako ron. Isang araw at gabi lang kami ron pero dala ng aking amo daig pa ang magbakasyon sa ibang bansa. Apat na maleta, tatlong traveling bag, anim na tent like seryoso ba to sila isang gabi lang stay natin don. Nakaset na ang lahat para pag-alis namin kinabukasan. Oh ! Excited na excited ako kasi isang taon kaya kaming di nakalabas ng bahay.
June 29, 2021 at 5:30 A.M.
All set and ready to go. Ito na nga handa naang lahat . Di maitago ang excitement ng bawat isa , na kahit di kami halos makagalaw sa van dahil daming gamit na dala namin. Bago umalis nagpaalam muna kami sa mama ng amo ko syempre nasa 80% yung kaba ko kasi kilalang napakamasungit na tao itong mama ni sir e. "Oh ! Sige ingat kayo, oh ! mga yaya ingatan nyo mga apo ko huh kapag may galos mga yan malalagot kayo sa akin, but for now enjoy muna kayo don" sabi nito sa amin. Sa sinabi niyang iyon legit yung pagkawala ng aking excitement. Alam mo yung feeling na pinaandar na ang sasakyan para akong nakawala sa aking kulungan at sabay Sambit" HEY ! BEACH I'M COMING FOR YOU" at nagsitawanan silang lahat. Oh sya sige masyado na atang mataas ang mga pinagsasabi ko. Tatlong oras ang binyahe namin bago makarating sa "TIE BEACH" Isang pribadong resort na pagmamay-ari sa tito ng aking amo...
Times up and here we are . Syempre taking selfie talaga ang first na gagawin. Mga pictures na Instagramable talaga . Ang pagod ko nawala dahil finally makakaligo na ulit ako. Napakakulay bughaw ng dagat. Lahat nakaabihis na habang ako parang wala sa utak na nakatulala lang habang pinapakinggan ang tunog ng bawat alon. Biglang may lumapit sa akin ng di ko namalayan
" Napakaganda no? Bakit ka ba nakatulala diyan yaya ? Bihis ka na don at nang makaligo ka na excited ka kanina tapos ngayon . Titingin-tingin ka lang dyan" sabi ng amo kong lalaki.
Nagbihis na ako at naligo na rin kasama ang aking mga alaga at pati na rin ang kanilang mga magulang. Kaya to da max ang aming pagligo kasi parents nila ang nagbantay sa kanila. Napakasaya lang nang araw na ito ...
Tamang palutang lutang lang tayo. Finefeel ko ang bawat hampas ng mga alon sa aking likuran. At nakikinig sa mga tunog nito. Ansarap kahit paano nawala yung mga sakit at pighati na naramdaman ko sa loob ng isang taon. Sumigaw ako nang malakas at sinabing" Salamat Ama sa araw na ito, kahit paano binigyan mo ako ng araw na malimutan ang lahat ng mga sakit na naramdaman ko". Dito ko unang pinangako na kalimutan na ang aking matalik na kaibigan na lumisan ng di man lang nagpaalam. Sigaw ako ng sigaw aware naman ako sa mga oras na iyon kasi pinili ko munang mapag-isa sandali. Kaya tinodo ko na at inilabas"Bes! Kamusta siguro masaya ka na no? Pangako tanggapin ko na wala ka na pero di ko maipangako na mawala yung sakit. Besss mahal na mahal kita. Salamat sa lahat pakasaya ka kasama si Jesus" sigaw ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Grabe sarap sa pakiramdam na mailabas mo lahat ng mga hinanakit na matagal mo nang dala-dala. Ligo lang kami namg ligo kahit sobrang init. Wala kaming pakialam nun basta masaya lang kami..
Palubog na ang araw kaya tumigil na rin kami sa paglangoy .Lahat sila nakaligo at nakabihis pero ako maliligo pa lamang . Pagkalabas ko pa lang sa banyo bumungad na agad sa akin si madam "bilis yaya ,tagal mo kanina pa kami nagutom ikaw nalang hinintay namin, sige na sakay na sa van. Hay nako yaya" sambit nito na parang bata. Imbis na matakot ako natawa na lamang ako sa kanya at dali-daling sumakay ng sasakyan. Nagutom kaming lahat kaya d na namin kaya pang magluto ang ginawa namin pumunta kami sa isang beach resto na pagmamay-ari ng family ng aking mga amo. Isang simpleng restaurant lamang ito na halos seafood ang putahe..
Here we go welcome to B-Bai Beach Seafood Restaurants..
Andami kong nakain sa oras na iyon aobrang gutom ko talaga. At dahil free kami don kaya pumili na kami ng kahit anong kakainin namin. Pagkatapos kumain bumalik na agad kami sa Tie Beach para matulog habang ang lahat ay nasa loob ng silid ako naman ay nasa labas parin . Nilalalanghap ang sariwang hangin. At nakikinig sa mga alon . Hating gabi na ako pumasok sa room namin kasi dinalaw na ako ng antok....
SULITIN ANG NATITIRANG MGA ORAS...
Nag glass boating kami bago umalis sarap. Nagpakain lang kami ng isda dito tapos simpleng dive na rin. Grabe yung kaba ko dito kasi youbg life vest ko biglang natanggal d ko pa nalock ng maayos buti nalang ambilis ng lifeguard namin. Ang lalim pa naman dito, pero pagkatapos non dive ulit ako. Walang paglagyan ang aking kasiyahan sa mga oras na ito. Pagkatapos namin maenjoy ang pagpapakain at paglangoy kasama ang mga isda ay bumalik na kami para mag-impake ng mga gamit namin.Sulit ang isang araw at gabi namin dito..
Inbound pabalik na kami and pauwi . Isa ito sa magandang alaala ko ngayong taon kahit may pandemic pero nagawan pa rin ng paraan para maalis ang aming mga lungkot. Tawanan , kantahan pati na rin kainan lamang ang naganap bago namin nilisan ang resort na ito..
Last na talaga to aalis na kami. Salamat TIE Beach sa magandang karanasan ko rito. Hinding-hindi ko makamalimutan ang mga araw na ito. Lalong-lalo si kuyang lifeguard na sumagip sa buhay ko..
A/N: Salamat po sa walang sawang pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko po kayong lahat.
A/N: all photos above are mine..
Ang saya naman ng bakasyon mo madam.