Bakit Tagalog Ang sinusulat kong article?

11 43
Avatar for Claire.24
3 years ago
Topics: Reality, Experiences

Mahirap ma bully dahil sa lamang sa salitang Ingles

Aaminin ko di Ako biniyayain ng talino kapag ang pag-uusapan ay salitang Ingles. Di Ako masyadong magaling kapag magsulat na Ako ng Sentence sa Ingles . Palaging mali Ang mga pag form ko ng mga salita. Maging Ang pagbigkas Ng tamang tono Ng mga salita ay di ko magawa. Kaya Minsan pinagtatawanan Ako ng mga Kasama ko rito.

Pagsulat ng mga article gamit ang salitang Ingles ay di ko kayang gawin sapagkat naranasan ko na ang pagtawanan noong ako'y nasa hayskul pa lamang . Nakatayo Ako sa mga Oras na iyon habang nag-ooral recitation kami sa Ingles na mispronounce ko ang Ang salitang six into s*x , soup into soap(sometimes ito Ang problem Ng mga Bisaya e) lahat sila nagsipagtawanan . Alam mo na kapag nagkamali ka sa school todo hiyaw at panunukso Ang abutin mo. Hindi nila iyan makalimutan agad sapagkat alam natin tayong mga Pinoy parang mga perfectionist (di ko nilalahat)..

Simula noon di na ako nagpaparticipate tuwing may oral recitation kami mas pipiliin ko na lamang na manahimik sa aking upuan kaysa pagtawanan ng aking mga kaklase . Bago nangyari Ang pangyayari na iyon mahilig akong magparticipate sa klase namin . Masakit Ang pagtawanan sa klase lalo pa at nasa unang section ka mga kaklase mo mga mauutak/matalino.Ilang buwan na nakalipas patuloy Ang pananahimik ko tuwing klase ng Ingles di ko alam na napansin na pala Ako ng guro ko. Nilapitan niya Ako at sinabihan"Larayan! Isang pagkakamali lang iyon at kung pinagtatawanan ka man nila pabayaan mo. Mas mabuti ka pa nga may naisagot kahit mispronounced kaysa kanila taga tawa lang Wala namang sagot. Huwag kang panghinaan. Ingles is universal language pero tandaan mo nasa Pinas ka kaya mas mahalin natin Ang sarili nating wika. Matutunan mo Rin Ang wikang Banyaga kalaunan. Basta gusto ko bumalik ang dating Larayan na super active sa klase ko .." . Though very positive ng sinabi ni sir sakin but still nahihiya na ako since na nasa first section ako kaya mas lalo akong tumahimik. Araw-araw kong dala ang pangyayari na iyon na kahit hanggang sa ngayon di pa rin nila nakalimutan tuwing nagkikita kaming mga kaklase noon pagtawanan pa Rin nila Ako. Kung alam mo ang pakiramdam na mabully ganoon Rin naramdaman ko. Mahirap sapagkat araw-araw mo sila kasa-kasama.

Kaya hanggang sa ngayon nahihirapan pa Rin Ako magsalita ng Ingles although nakakaintindi ako pero kapag magsalita na Ako super tigas Minsan super lambot Wala talaga sa tamang tono. Sinubukan ko ang mag-aral noon sa Isang English tutor sa Amin noon mura lang din na man Ang sahod pero di Rin nagtagal huminto Ako dahil kulang Ang budget ko.

Noong na discover ko Ang readcash ay mas naging natakot Ako Akala ko puro Ingles lamang rito nagkamali pala Ako. Salamat sa platform na ito at binigyan kaming mga di fluent sa Ingles Ng pagkakataon na maipahayag Ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng article gamit Ang wikang Pilipino. Kaya Ngayon di na Ako takot sumulat ng aritikulong Pilipino sapagkat nahanap ko na Ang Isang platapormang may kalayaan kaming mga taong di marunong magsulat ng article gamit ang salitang Ingles..

Lead image:

https://efa07.blogspot.com/2019/04/book-15-i-still-cant-speak-english-pdf.html?m=1

4
$ 1.63
$ 1.55 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @kingofreview
$ 0.02 from @Khing14
+ 1
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
3 years ago
Topics: Reality, Experiences

Comments

Hindi rin ako mahusay sa pag construct ng sentence pg dating sa english pero alam ko sa sarili ko na kaya ko.. bakit hindi mo subukan sis na pagaralan din siya matutunan din nman ang lahat.may kakilala ako na ayaw n ayaw niya ang english pero dahil ky read,and noise.cash ay naglakas loob siya at ngayon ay naggagawa na siya ng english kahit mali wala nmang perpekto minsan yung mga mahuhusay sa english ay nagkakamali din.. wag mong ikahiya ang iyong sarili sa pagkakaalam ko isa ang mga bisaya sa magagaling mag english..

$ 0.00
3 years ago

Nakagawa na nga Ako sis . Thanks to everyone who encourage me to write. Kakapublished ko lang yesterday and aaminin ko Mali Mali parin but mas mabuti na Rin Ang magtry..

$ 0.00
3 years ago

Yes sis wala naman mawawala sa pag try and dto sa platform na ito hindi ka mabubully..hehe

$ 0.00
3 years ago

Sis dapat nag-explore din tayo, walang masamang magtry, ako aminado ako ndi din ako magaling pero nagtry ako kasi para mapractice din ung english ability ko., Pero nasa atin parin naman ang desisyon kung saan tayo kumportable

$ 0.00
3 years ago

Yes sis I'm trying Naman e pero the way I spoke para talaga akong conyo ..

$ 0.00
3 years ago

Naiilang ka lng sis, alam mo sis sa totoo lng, no offense ha, bisaya are very good in english pati ung accent nila and pronunciation when it comes to english words, oo sa tagalog minsan matigas or malambot pero lahat tayo nakakaexperience nun kahit ndi ka bisaya, kaya wag kng mahiya sis, masasanay din ang tao sayo kapag lagi mong hinahasa ang sarili mo

$ 0.00
3 years ago

Di naman po kailangan marunong ka sa English para lang massabi nila na matalino ka. Lahat tayo ay nagkakamali ate hehe at gamitin na lang po natin yon paa mag-improve. In my case, mahilig na po kasi ako makinig ng kanta tapos babasahin yung caption nung bata ako kaya natutunan ko siya hehe. You can read more here po to expand your knowledge at aamini kong hindi po ako matatas magsalita hehe. Lagi akong nauutal kahit English or Tagalog hehe

$ 0.00
3 years ago

I'm trying my best ..

$ 0.00
3 years ago

Naku, hindi lang ikaw ang namamali dyan sa six na nagiging sex..ahahaha..madalas din ako mabiktima nyan. Tapos yung sa "e" na nagiging "i" at "o" na nagiging "u"..ahaha...meron pa, yung "p" nagiging F at yung F nagiging P. ...pero I don't mind kasi hindi naman english ang primary language natin kaya sa mga nangungutya sa grammar ko, deadma ...totoo naman at aminado ako na sablay sablay ako sa english.hehehe

$ 0.00
3 years ago

Hahaha problema ko talaga Ang correct pronunciation sis . Kaya magmula na napasali Ako sa paltform na ito mas naging matatag ako at Wala akong pakialam sa iba. Tagalog is my national language Hindi naman English kaya deadma na lamag Ako sa kanila

$ 0.00
3 years ago

Apir tayo dyan sis. Tama yan

$ 0.00
3 years ago