Annie Jacinto

7 31
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Story, Fiction

Previewwwww

  • This a fictional story .

Isang babae na gustong maghigante sa mga taong pumaslang sa kanyang magulang. Sa kanyang paghahanap ay Kasama niya palagi si Francis Ang lalaking palihim na umiibig sa kanya.Paano kung ang taong kanyang minahal ay anak pala Ng taong matagal na niyang hinanap?

Tauhan: Don. Emil Jacinto at Donya Trice Jacinto-(ama't ina ni Annie na pintay Nung sya'y 9 na taong gulang). Ricky, Martin, Luther, at Justin Jacinto-(kapatid ni Annie ). Mr. Roberto Agoncillo- Ang kaaway ng pamilyang Jacinto. Robert Antony Agoncillo (anak ni Mr Roberto Agoncillo) Francis - ( matalik na kaibigan at syang magiging kapatid ni Annie) Mang Jose at Aling Rose -(Ang kumupkop Kay Annie) at marami pang iba.

Kilala Sina Don Emil at Donya Trice sa kanilang lugar biglang Isang mabait na pamilya. Laging bukas ang kanilang tahanan sa sinumang nangangailan ng tulong. Sila ay nagkaroon ng 4 na anak na lalaki na nagngangalang Ricky, Martin, Luther,at Justin mga makikisig at matipuno na anak nina Doña Trice Jacinto. Ang apat na magkakapatid ay pawang masunirin sa kanilang mga magulang lagi silang tumutulong tuwing may paayuda ang kanilang ama. At di Rin maiwasan na halos lahat Ng babae sa kanilang lugar ay napapatili sapagkat di maitatangi ang kanilang kagwapuhan. Masaya at matiwasay Ang kanilang pamilya lalo na at pantay-pantay Ang turing nila sa kanilang mga anak. Ngunit nabigla sila ng malaman nilang nagdadalantao ang kanilang Ina nang Isang batang babae.

" Wait ! What mom buntis ka ? Sabi mo sapat na kaming apat?" wika ni Ricky ang panganay na anak na lalaki. " Ma binibiro mo lang kami e di po masamang biro iyan" natatawang sabi ni Justin . " Mom! Ok na kaming apat bakit kailangan pa talaga Ng babae. Okay lang sana kung lalaki e" sabay na wika Nina Martin at Luther. " Magsipagtigil kayo!" Malakas na wika ni Don Emil na ikanabibigla ng lahat ." Bakit di niyo matanggap ang magiging kapatid nyo na babae? Pare-pareho ang turing Namin sa inyo. Pakiusap mahalin nyo Ang kapatid nyo gaya ng pagmamahal na pinakita namin sa inyo" mahinahon na wika ni Don Emil. At Hindi na sumagot Ang apat kundi Isa Isa itong pumasok sa kanilang mga kwarto.

Nasa saktong edad na sila ng magkaroon ng kapatid na babae at Hindi nila ito matanggap. Sapagkat ayaw nila Ng kaagaw sa ari-arian Ng kanilang mga magulang. Dumating ang araw na isinilang ang kapatid nila na babae. Pinangalanan nila itong " Annie Jacinto"uniqa hija ni Don Emil. Lagi silang walang Oras para makipag-usap sa kanilang mga anak na lalaki sapagkat napunta ang kanilang Oras at atensyon Kay Annie. Dahilan nang ikinaseselos ng apat .

Isa, dalawa tatlo, apat, Lima, anim, pito, walo, siyam na taon na ang lumipas di parin matanggap ng apat si Annie di nila ito pinapansin at sa tuwing lalapit sa kanila. " t*Ng*na umalis ka sa harapan ko. Alam mo Ikaw pabigat ka sa aming apat sana di ka nalang isinilang Wala sa kaming kahati sa ari-arian ni daddy" galit na sabi ni Martin Kay Annie.

Isang araw biglang may dumating na Bisita ang kanilang ama si Mr. Roberto Agoncillo ang matagal ng kaaway ng kanilang ama sa negosyo . Si Mr. Agoncillo ay may Anak na lalaki na nagngangalang Robert Agoncillo Isang makisig at napakagwapo Rin na bata . Ilang Oras Ang kanilang pag-uusap at nauwi sa bangayan. At dahil sa di nagkaintidihan binaril ng mga tauhan ni Mr. Agoncillo ang ama't Ina nila .

Bang! Bang! Ang tanging narinig ni Annie at dali-dali itong bumaba mula sa kanyang kwarto at nang makababa na ay Nakita niyang puno ng dugo at sugatan Ang ama at ina

" Mommy Daddy please huwag niyo akong Iwan. Tulong ! tuloooong. Kuya si mommy at daddy puno ng dugo." sigaw nito habang umiiyakk.

Ilang oras na Siyang sumigaw at humingj ng tulong ay Wala ni Isa Ang lumapit para tumulong sa kanya. Kaya nilibot niya Ang bahay nila para hanapin ang mga katulong ngunit lahat sila ay pawang wala Ng buhay . Buong araw at gabi Siyang walang kain. Andoon parin Siya nag-aantay na tutulong kanya Kinaumagahan dumating si Mang Jose Kasama Ang anak nitong si Francis. Laking gulat nila ng makita Ang patay na katawan Nina Don at Donya Jacinto sa kanilang pamamahay. Kaya agad silang tumawag ng pulis.

" Mang Jose tulong po. Please tulungan niyo po Ako. May mga bad person po na nagpatay Kay mommy at daddy." umiiyakk na sabi ni Annie. Dinala Siya ni Mang Jose sa tahanan nila at doon Muna pinatira...

....To be continued..

Ang tanong nasaaan kaya Ang apat na kapatid ni Annie?? Sila kaya ay magiging kalaban niya o kakampi? Abangan

Lead image : UNPLASH

2
$ 0.37
$ 0.35 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Khing14
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Story, Fiction

Comments

Nice story sis, waiting sa next episode

$ 0.00
2 years ago

Nahirapan Ako sis since nawala Yung pinagsulatan ko..

$ 0.00
2 years ago

Dereteso muna sis sa draft para ndi ka na mahirapan pa magsulat

$ 0.00
2 years ago

Nice.. Mga herediro at heridera pala ito.. Yung apat na kapatid kaya nya ang mastermind? Para makuha na nila ang mga mana nila?

$ 0.00
2 years ago

Antay lang po Tayo hehehe..mahaba pa po Ang lakbayin..

$ 0.00
2 years ago

Okidoks.. Push mo po yan.. Hehe

$ 0.00
2 years ago