Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago ang ating mundo na parang isang panaginip na kailanman ay hindi mo na maibabalik pa. Pagbabago na minsan hindi na natin namamalayan na nagiging masama ang epekto nito hindi lang sa kalikasan kundi pati na rin sa atin. Nagdudulot ng ibat ibang sakit sa ating mga tao at kalamidad sa ating kalikasan. Pagmasdan natin ang ating inang bayan, napapansin niyo ba na unti-unti na itong nagbabago? Unti-unti na rin itong nasisira at ang mas malala at baka tuluyan na itong mawala.
Noon ang mundo ay tulad ng isang napakagandang hardin, isang lugar na masasabi mong lahat ay nariyan na. Maraming puno, ibon, sariwang hangin at magagandang halaman. Malimit lang o di kaya'y mahihina lang ang mga bagyong dumarating. Ang mga kalamidad nama'y malimit ring nararanasan ng mga tawo. Gayun rin ang tantiyadong pagbabago ng panahon sa isang lugar.
Pero ngayon sa nararanasan ng tao, ang mundong mala paraiso ay para na ngayong impyerno dulot ng kasakiman ng mga tao. Tapon dito, tapin doob lahat ng basura nagkalat na at nagdudulot ng malaking pagbaha. Ang walang humpat na pagpuputil ng punong kahoy ay nagiging sanhi ng pagkalbo ng ating mga kagubatan. Usok ng mga sasakyan, pagawaan at usok ng sigarilyo, hindi natin narereyalisa na umaabuso na tayo? Ilang lindol, baha, landslide, at bagyo oa ba ang kailangan nating maranasan upang maunawaan ang pagkakanali natin? Ilan pa ba ang mga inosenteng buhay ang mawawala? Upang magbago tayo at simulan na pangalagaan ang ating Inang Kalikasan.
Hindi masama ang pagbabago, ngunit sa sobrang paghahangad ng kaginhawaan nasisira na natin ang kalikasan na ating tahanan. Sana ngayon, matutuhan na natin na hindi kalikasan ang may gawa ng pagbabago, kundi tayo mismong mga tao ang nagpabago nito. Simulan nating hanggang maaga pa at maghawak kamay tungo sa pagkakaisa.
Please review your work before publishing to avoid spelling and grammar errors :)