Halika na, tara na sa ating lakbayin
Oo, sa lakbayin na kinasayan na natin
Ang ating araw araw na ginagawa
Tara na at sabay sabay na mamangha.
O kay saya, sarap sa damdamin!
Na sa aking mata'y masasalamin
Panibagong landas ating tatahakin
Hinahangad na tagumpay atin nang susungkitin
Ngunit sandali, ako ay naninibago
Pawang may mali at kakaiba sa nakikita at nararamdaman ko
Hindi ito, Hindi ito ang nakasanayan ko
Tulong! Tulungan nyo ako.
Hindi ito ang aking nakasanayan
Hindi Ba nga tayo ay magkakasama?
Mga sariwang ngiti noon ay akin pang nasisilayan
Ngayon kailangan pa ng salapi at magtungo sa bayan upang ang dating tawanan ay muli kong mapakinggan.
Okay lang sana kung lahat tayo ay nakakahabol.
Nakakasabay sa agos, pagbabago ng daloy
Ngunit kagamitan namin sa bahay
Kulang na nga at namimiligro nang humiwalay.
Namumugto na ang mga mata ko, bunga ng pagbabagong ito
Nakahapon sa sanga na wari koy malulugso
Dibdib ko'y naninikip habang ang hangin ay bumubugso
Sigaw ni inay, gabi na! Umuwi ka na aking bunso
Ngunit kay saklap diba? Nitong ating tadhana
Labis na nagpapakasakit ay kami pang mga dukha
Dukha na nga, ngunit tayo'y walang magagawa
Kaysa naman sa ang lahat ay mahawa ng nakamamatay na sakit at kaaway na mapamuksa.
Ang iba ay lulan ng barko
Nilalasap ang masaganang paglalakbay sa kabilang ibayo
Samantalang ako? Amg ginagawa ay sinasagwan ko
Landas sa pangarap kong kay hirap, kay layo.
Akoy napatulala,
sa langit ay tumingala
Ama, ngayon sa akin iyong ipinaunawa,
Akoy nasa isa na lamang balsa
Kaya mga kapwa mag-aaral ko
Huwag tayong susuko
Tandaan na mas malakas ang ating puso
Kumpara sa kaaway na ngayon lang bumugso.