People's park

0 41
Avatar for Cher
Written by
4 years ago

Punta tayo sa davao, dito sa davao marami ka rin mapupuntahan na mga lugar at mga resorts. Pero bago tayo mag lakbay sa kilalang islang ng davao kung saan marami rin mga tourist spots sa lugar nila.

Dito muna tayo sa loob ng city ng davao. Noong pag punta ko dito davao para mag aral ng korean language. Sinulit ko na agad ang pag pasyal sa davao. Kaya ang una kung pinuntahan ang tinatawag nilang peoples park. Dito isa laman itong pasyalan ng mga pamilya, dito sa loob meron mga play groud para sa mga bata. At isa pa marami ka rin pagpipilian kung saan mo gusto mag pa picture.

Pero ako nagpicture lang ako sa malaking statue ng agila, kasi dito sa davao makikita ang mga malalaking agila. Kaso ngayon ay unti unti na nawawala ang mga agila sa pilipinas dahil sa mga mangangaso. Itoy binabaril nila para gawin pagkakitaan ang mga balahibo nito.

Pero buti nalang napanatiling maganda ang davao dahil sa magaling at mabuting mayor nila dito.

Sa people park, makikita niyo rin ang mga tindahan kung saan pwede mong ma bili ang mga delicacies dito sa davao. Ang davao kasi ay kilala sa isang malaking produkto ng prutas ito ay ang durian. Kadalasan ang mga tourista na pumupunta dito. Ay dapat makatikim ng prutas na durian. Ang iba kasi ayaw kumain nito dahil sa amoy nito na mabaho. Pero kapag na tikman mo na ito ay napaka sarap matamis na mapait.

Kaya kadalasan sa mga tourista na sa kanilang pag uwi ay may mga dalang pasalubong na delicacies or mismo ang bunga ng durian.

1
$ 0.00

Comments

Wow Sana ako din makarating Jan sa mga lugar n yan

$ 0.00
4 years ago

Yes makakapunta ka rin jan

$ 0.00
4 years ago

I hope so.... Sarap siguro Jan

$ 0.00
4 years ago