0
82
Tara sa panganan falls, ito ay matatagpuan sa cabantao rosario, agusan del sur. Ang falls na ito ay medyo may kalayoan.
Mula butuan city sasakay ka ng bus or van patungong davao pero bumaba ka lang sa terminal ng lungsod ng rosario agusan del sur. Tapos sumakay ka ng motorcycle patungong cabantao rosario.
Pag dating mo doon kailangan mo pa mag hike ng mga 30 minutes bago mo makita ang panganan falls. Medyo may kahirapan sa pag hike dahil sa subrang madulas ang daan tapos medyo matutulis nag mga bato sa kabundokan.
Pero okey lang yan dahil sulit naman pag nakita muna ang panganan falls. Tingnan mo naman ang lugar na ito isang site lang pero dalawang talon na pwede mong magamit. 😊