Pagkatapos namin magpapawis uminum ng gatas. Syempre kumain nabkami ng almusal, tapos dumiritso na kaagad kami sa susunod naming destination ito ang nasuli cold spring.
Ang nasuli cold spring ay matatagpuan sa bukidnon. Isa lamang itong malaking rest place. Sa loob nito pwede kayo mag camp kasama mga kaibigan at barkada mo. O kaya ang buo mong pamilya. Tahimik at maraming kahoy sa paligid nito. Mukha talaga siyang ascyenda.
Pagpasok nyo palang dito subrang lamig na sa hangin dito. At sa dulo nito dito muna matatagpuan ang cold spring. Isa itong bukal kung saan nagmumula ang tubig sa ilalim ng lupa at galing ito sa ilalin ng mga malalaking puno.
Ang lugar na ito ay isang historical. Dito daw naninirahan ang mga hapon noon at marami raw ang nakatira dito. At dito naman sa bukal may mga kwento na marami na raw nalulunod sa lugar na ito.
Dahilan sa subrang lamig at lalim ng bukal na ito. At ang isa pang nalunod dito ay ang anak ng may ari nito. Ang sabi ay kinagat raw ito ng isang isda na nakatago sa ilalim ng mga damo.
Matagal na raw itong isda na nandito minsan lang daw yan mag papakita pag walang naliligo. Pero kahit meron mga ganyan na kwento ay mas marami paring tao ang dumadayo dito para maligo.
At ngayon subra ng ganda ang lugar na ito marami ng cottage s at mga paligoan. Ang litrato ko ay kuha ko pa noong 2013.