Linayapan falls
Mahilig kaba sa mga falls at kagubatan? Tara puntahan natin ang linayapan falls sa barangay Bunawan brook, bunawan agusan del sur.
Para makapunta dito, simula sa butuan city sasakay ka ng van or bus bound to davao. Tapos baba ka sa bunawan brook outpost terminal or sa philsaga mining. Pagkababa mo sasakay ka ng skylab patungo sa linayapan falls, mahigit dalawang oras lang ang byahe.
200 pesos ang bayad sa skylab mula highway hanggang falls. Pagdating nyo na sa barangay linayapan, pupunta muna kayo sa barangay nila para mag logbook. Tapos kukuha kayo ng isang tour guide para safe kayo sa Pag punta doon.
Ang pag punta sa linayapan falls ay hindi paakyat kundi pababa lang subrang dali. Pero kailangan mo parin mag ingat kasi may mga matutulis at madulas na lupa at mga bato.
Ang falls na ito ay protektado ng mga taga barangay at municipyo. Kaya marami rin bawal bago ka pumunta doon. Kaya kung may mga basura kayo dalhin nyo ulit, wag itapon kahin saan kasi nakapalaking multa.
Ang linayapan ay subrang ganda kahit medyo malayo ito pero sulit naman ang oras at panahon mo sa pagpunta dito. Kaya kung maybalak ka mag lakbay sa mga ganito. Sumunod kalang sa mga patakaran.