Hello sa mga traveler jan na mahilig sa mga over looking kahit hindi na kailangan mag hike. Puntahan natin ang tagaytay. Subrang ganda talaga ng tagaytay, simula high school pa ako pinangarap ko talaga ang pag punta ng tagaytay. Kasi naiingit ako sa mga pinsan ko na mayayaman kasi sila halos kada buwan kahit saan napupuntahan.
Hanggang nagtapos ako ng kolihiyo. Doon na ako nagsimula mag travel kahit saan saan. May na basa kasi ako sa isang article ng isang traveler. Na ang sabi niya hindi hadlang yung wala kang pera, wala kang sasakyan, wala kang time, or kahit ikaw lang mag isa. Kasi lahat ng yan ang dahilan kung bakit hindi ka parin makaalis sa isang lugar.
Malayo man o malapit basta maganda ang spot puntahan mo. Kasi hindi habang buhay na mananatili ang isang tourist spot ay maging maganda. Dahil sa mga tao.
Kaya ang pangarap kung pumunta sa tagaytay ay nagawa ko rin. Kasi dahil yan sa mga kaibigan ko na mahilig rin sa travel. Yun ang secreto, kapag nag iisa ka lang mag travel mas marami kang makilala na katulad mo. Kaya maging karamay at kasama mo siya sa lahat ng gusto mong puntahan. Hanggang dadami kayo na magkaibigan na mga traveler.
naalala ko nung nag punta kami sa tagaytay, nakaka wala ng stress at talaga namang ang sarap sa pakiramdam, pinaka nagustuhan ko ay sa peoples park.