Kwentong traveler

0 10
Avatar for Cher
Written by
4 years ago

Kaway2x sa mga taong mahihilig mag travel na katulad ko. Subrang dami sana ang mapupuntahan ko sa taong ito. December palang kinukuha ko na or nililista ko na ang mga location na gusto ko sana puntahan.

Kaso lahat ng ito ay bigla nalang gumuho. Gumuho kasi hindi lang sana tour ang gagawin ko kundi pupuntahan ko rin yung pinaka importanting tao sa buhay ko. Mahirap talaga magmahal lalo na pagmagkalayo kayo. Pero masarap sa pakiramdam yung gusto mo na cya makita at mayakap. 😊

Pero kahit magkalayo kami meron naman social media, pero habang tumatagal ang covid, at puro nalang sa cellphone mo makikita at makakausap. Subrang boring na rin. Pero ok lang kasi kahit magkalayo kami atleast safe naman.

Magaganda pa naman sana mga tourist spots ang pupuntahan namin dito sa mindanao. Lilibutin sana namin mula sa siargao, dinagat island, surigao, claver, tandag city, barobo, at hinatuan. Bali 1 week lang kami mag tour gamit ko yung sarili kong motorsiklo para mas makikita at mas komportable kami mag tour sa mga maliliit na daan patungo doon sa mga magagandang spots.

Iba talaga ang pakiramdam pag nakakalanghap at nakakakita ka ng mga magagandang tanawin sa ibat ibang lugar, lalo na sa sariling bansa. Kaya kung kayo may plano mag tour kahit saan at may sariling saksakyan kayo. Wag nyo nah sayangin ang mga panahon na natitira.

Kasi habang tumatagal, yung mga magagandang tanawin na gawa mismo ng dios, hindi mo na yan makikita kasi habang lagi pinupuntahan yan ng mga tao or sikat yan. Mas malaki ang magbabago sa magagandang tanawin. Kaya wag sayangin ang panahon dito sa lupa. Hindi solution ang maraming pera, kundi ang maging kuntento at masayang pamilya.

Ang pagiging traveler ay hindi ibigsabihin na maraming pera. Kundi kailangan ng katawan natin ang maging relax at hindi stressful. May trabaho ka nga pero ang katawan mo naman ay kailangan ng pahinga. Kaya subrang sarap sa pakiramdam na mabuhay sa mundo lalo nat na ikot mo ito. Hindi man ang buong mundo, pero sa sariling bansa okey na happy na tayo.

Kaya tama lang talaga tawagin ang pinas na. Its more fun in the Philippines.

1
$ 0.00
Avatar for Cher
Written by
4 years ago

Comments