Bagyangon falls

0 27
Avatar for Cher
Written by
3 years ago

Amaze kana ba sa mga falls na post ko? Ahaha ito pa,. Im sure mas maaamazed ka dito. Lets go to bukidnon ulit. Noong nasa bukidnon kami ng pamilya ko for vacation. Sympre sinulit talaga namin ang panahon na nadoon kami. Kaya isa sa pinaka gusto namin mapuntahan ang isa sa pinaka mataas na water falls sa bukidnon ang BAGYANGON FALLS.

Ang bagyangon fall ay matatagpuan sa sitio bagyangon, malitbog bukidnon. Ang talon na ito ay may taas na 200+ meter high. At subrang lakas ang bagsak ng tubig dito.

From cagayan de oro bumyahe ka patungong malitbog bukidnon, pagbaba mo sasakay ka naman ng habal habal patungong sitio bagyangon around 45 minutes ang byahe papasok sa sitio bagyangon. Nasa 200 pesos ang pamasahe

Pagdating nyo doon may mga batang lalapit sa inyo na willing cla mag guide sa inyo papuntang falls, 2 bata ang mag gaguide sa inyo bali 100 pesos lang naman. Pero hindi madali ang pag trek papuntang talon. Aabutin ka talaga ng pagod at sasakit ang iyong balakang at tuhod.

Pero dont worry sulit naman pag dating mo doon. Basta sundin mo lang din ang rules and regulations ng falls nato. Bawal ka mag tapon ng bato, at basura. Napaka lawak nito kapag nasa baba kana ng talon na ito.

Isali mo na rin ito sa bucket list mo. Malay mo matutupad din yan at mapupuntahan mo soon.

1
$ 0.00
Avatar for Cher
Written by
3 years ago

Comments