Ito ang ave maria falls matatagpuan ito sa panikian carascal surigao del sur. Itong talon na ito ay hindi gaanong na pupuntahan ng mga tao.
Kasi hindi pa ito nadevelop ng mga taga rito at ng taga municipyo. Kadalasan ang mga pumupunta dito ay yung mga malalapit lang na mga residente. Na diskobre ang talon na ito dahil sa mga minahan.
Pag punta mo dito ay makikita mo agad ang lawak ng dating pinagminahan. Pero ngayon pinatigil ito ng mga taga rito kasi madaling lumambot ang mga bato at lupa dito sa tuwing lumalakas ang ulan o may bagyo. Kaya pag tumaas ang tubig ng talon ay umaapaw ito at nagkakaroon ng baha.
Bago ka man makalapit sa talon, dapat ka munang maglakad papasok. Pero ang pinaka mahirap ay susuongin mo ang malakas na agos ng tubig, kasi sa daluyan ng tubig ka dadaan kasi ang naka paligid nito at puro mga matutulis na damo at may mga puno.
At ang isa pa sa mahirap ay dapat hindi ka pupunta doon kapag masama ang panahon dahil baka biglang tumaas ang tubig ng talon.
Kung makikita mo sa litrato na nakuha ko malaki po ang tubig nito dahil papasok palang kami ay biglang umulan pero saglit lang kaya medyo sakto lang yubg lakas ng tubig. Pero malakas talaga ang agos ng talon.