Ilang araw din hindi na kapag sulat dahil ang totoo ay hirap na hirap ako gumawa ng article na gawa sa English. Pero sinusubukan ko talaga ang makakaya ko para naman kahit papano ay matuto ako. Pero ngayon ay magtatagalog muna ako kasi hindi ko talaga maipaliwanag yung gusto kong sabihin sa english,sorry talaga Filipino kasi ako na mahina sa english. Pasensiya na tao lang may kahinaan rin,sisimulan ko na ang aking gagawin.
Kahapon ay nagpunta kami sa Divisoria para magsukat at bumili ng aming isusuot para sa kasal ng aking bayaw.Maaga kami umalis ng aking biyenan na babae at ng aming kapitbahay para hindi kami mahuli sa takdang oras na pinagusapan.
Divisoria- lugar kung saan mo mabibili lahat ng bagay na gusto mo, skin care,clothes,mga gamit sa bahay at iba pa.
Dahil sa maaga kami umalis ay nakarating kami ng mas maaga sa takdang oras,sakto na linggo kaya araw ng simba sa Quiapo. Bago ka kasi makarating sa Divisoria unang destination muna ay Quiapo then marami ka ng makikitang jeep or e-bike na papunta ng Divisoria. Kaya nagsimba muna kami,ang daming tao na makikita mong nagsimba bukod pa sa mga nagtitinda roon.
Sa isip ko parang walang covid dahil sa dami ng tao na nasa labas,kasi kung ako ang tatanungin ayokong lumabas hangga't maaari dahil sa takot akong magkaroon ng Covid-19 lalo na kung madadala ko pa ito sa bahay kung saan naroon ang aking mga anak.
Kahit sa simbahan ay napaka taming tao,nakakatakot pero sumugal narin kami na magsimba dahil sa tagal narin naman naming hindi ito nagagawa. Sinugurado naman ng mga tao ng simbahan na masusunod ang health protocols kaya naman hindi ka mangangamba kahit papano,at syempre para naman sa Panginoon ang ginagawa naming yun.
Sa misa na sinagawa ng pare ay tinalakay ang sakripisyo ni Jesus na ibinigay niyan ang kanyang bugtong na anak.
Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kaya naisip ko na hindi naman siguro kami papabayaan ng Diyos sa nagawa namin,at lubos akong nagdadasal na matapos na ang pandemic na kinakaharap natin ngayon upang bumalik na sa normal ang lahat.
Dahil sa Covid na ito maraming tao ang nagutom,nawalan ng trabaho at namatay. Kaya hinihiling ko na sana ay matapos na ang naranasan nating ito.
Natapos ang misa at umalis na kami doon nagtungo sa Divisoria, sa aming pagbiyahe papunta ay maraming tao ang nagtitinda at namimili. Yung iba ay walang face shield at yung iba ay nakababa ang facemask. Bigla akong nangamba para sa kanila at para sa mga taong namimili.
Palakad na kami paountang 168 Mall para doon tagpuin ang aking bayaw. Nang may makita akong grupo ng mga tindero na mga abalang abalang naghahanda ng kanilang makakain. Hindi ko na nakunan ng litrato sapagkat hindi ko dala ang aking cellphone bing araw na yun.
Nakakatuwa na nakakatakot ang kanilang ginagawa,hindi ba nila batid na may Covid-19 parin na nasa paligid. Yan ang mga naisip ko ng mga oras na yun,pero may nakalimutan akong isang bagay. Baka naman kasi kung hindi nila gagawin yun,hindi nagkakasaiya ang kanilang pagkain,baka naman talagang ginagawa nila yun para makatulong sa kapwa ni tindero. Maraming bagay ang nasa isip ko noon lalo na nung nakapasok na kami sa 168Mall.
Ang daming tao na animo'y holiday lang ang ganapan, at walang sakit na nakakahawa sa paligid. Sila yung mga taong tinatawag na Online Seller,humahango sila sa Divisoria at ititinda nila Online.
Pinost ko siya sa Noise at may nakapagsabi sakin na baka may kailangan din sila doon kaya sila nandun,yung isa naman ang sabi ay ganun talaga laming mga online seller walang covid covid samin.
Kung iisipin mo nga naman dahil sa Covid-19 may mga taong nawalan ng trabaho,at baka way nila ang pagoonline para kahit papano ay kumita at may maipakain sa pamilya. "Sabi nga ng iba noon hindi kami mamamatay sa Covid-19, mamamatay kami sa gutom."
Kung iisipin isang taon na ang nakalipas ng ang Pilipinas ay napasok ng Covid-19,kaya hindi muna rin maiisip pa ang dalang sakit nito lalo na kung kumakalam ang iyong sikmura. Kahit naman siguro ako ay ganun din ang gagawin para sa aking Pamilya.
Kaya maswerte ang mga taong hindi nakakaranas ng hirap at lalong hindi nakakaranas ng gutom sa panahon ngayon na halos bumaba ang ekonomiya at Marami ang nawalan ng trabaho,dahil sa mga pinapasarang establishment.
Kaya kung isa ka sa mga masweswerte ay magpasalamat ka sa Panginoon sa lahat ng biyaya at magandang kalusagan na natatamasa mo ngayong may Pandemya.
At hindi mo kailangang bigkasin ang salitang👇👇
Covid ka lang,nagugutom kami...!!
Salamat po sa lahat ng magbabasa☺️
Kami po, grabe hit ng covid sa negosyo namin. Until now coping pa rin at napakahina, pero syempre kahit gusto nating kumita sana sumunod pa rin sa health protocol. Isang taon na, sana mag-isip isip din sila, lalong gutom kapag dumami at extended na naman mga ECQ,GCQ,MGCQ at kung ano ano pang CQ yan.