Nang sinabi nila,
Tumulo ang luha sa aking mata.
Pinigilan ang pag hikbi,
Pinilit na walang makarinig.
Nang malaman ko,
Ramdam ang kirot sa puso.
Bumagal ang oras sa pag takbo,
Naiwan sa kinatatayuan ko.
Alam kong malapit na ang panahon,
Malapit na ang pag lisan
Pero pinili kong lumayo
Makita kang pumikit ay di kaya ng puso.
Alam kong ako'y naduwag,
Patawad ako'y humakbang paatras,
Pa, natakot ang iyong anak,
Hindi man lang kita nayakap.
Bawat sandali iniisip ka parin
Nagtatanong kung wala ka na bang talaga sa piling
Mahal kita at di lilimutin,
Magkita tayo pag ang panaho'y dumating.
May isang hiling ang manunulat sa mambabasa,
Mahalin ang haligi ng tahanan,
Maging ang iisang ilaw na nakalaan.
Simulan mo ngayon na, habang nandyan pa sila.
Pa, kahit di na tumugma ang mga salita,
Wag limuting mahal ka ng may akda
Sorry for being over dramatic for a second. Missing someone is a whole different kind of pain. We lost you five months ago, but sometimes it feels like it was just yesterday.
I know your father knows how much you love him. He may have passed but he will always remain in you. Sending hugs ๐ค