Katha

18 39
Avatar for Charlotte
3 years ago

Pag ibig at paghanga

Akda nina: @Charlotte at @Yayaya13

Sa dami ng humahanga sayo,

Nakikita mo pa ba ako?

Palabas na ng pintuan,

Baka naman lumingon ka, kahit panandalian.

Nakikita kita ngunit mata mo'y puno na ng pagdududa,

Pagdududang kinakain at tinatakpan ang posibilidad na nakikita kita,

Pagdududang nasa isip mo ito'y kay labo na,

Malabong makita mo ko sinta.

Mga sulyap mo ba'y dapat bigyan ng ibig sabihin?

Ang umasa ay di ko ata kakayanin.

Sa hangin ay wag mong ibulong,

Sa pagdududa wag sana akong ikulong.

Hinihintay ko lamang na ikaw ay mamagkusa

Pagtingin ko sayoy ginawa akong mahiyain ngayoy nangungulila

Sana iyo ring mamaintindihan

Aking pagtingin sayoy makatotohanan, wagas kailanman

Pag ibig at paghanga

Akda nina: @Charlotte at @CrazyInsane

Sa dami ng humahanga sayo,

Nakikita mo pa ba ako?

Palabas na ng pintuan,

Baka naman lumingon ka,

kahit panandalian.

Walang oras ang di ka na pansin

Ni sa diwa koy di ka kayang alisin

Mga mata ko may di sayo nakatingin

Laging pakakatandaan

Sayo lang umiibig itong damdamin

Pag labas ko may iyong kalungkutan

Asahan mong sa pag balik ay may nakalaan

Oras na para lang sayo kailanman

Hindi panandalian kundi pang matagalan.

Dapat ba akong maghintay?

Gaano katagal?

Hindi mo man bigkasin,

Sana'y mga mata mo ay wag mag sinungaling,

Ang mabigo ay hindi ko kakayanin.

Ang kabiguan moy kelan man di ko dasal

Pagbalik koy di mag tatagal

Pagkat puso koy hahanapin ka

Sayo't sayo pa din uuwi sinta.

Maraming salamat sa pagbabasa💕 Hindi inaasahang pagtugma ng mga salita mula sa tatlong may akda😊

Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty

10
$ 0.24
$ 0.24 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty
Avatar for Charlotte
3 years ago

Comments

💝 ganda ng tugmaan 💝

$ 0.00
3 years ago

This is happiness for me writing with authors i respect🤧😁

$ 0.00
3 years ago

Pm ka lang pag gusto mo ulit collab, 💝 always welcome 👍 https://m.me/CrazyInsane21

$ 0.00
3 years ago

Thank you😊

$ 0.00
3 years ago

Inedit ko mali yung link nabigay ko kanina 😅

$ 0.00
3 years ago

Nice article

$ 0.00
User's avatar OG
3 years ago

Thank you😊

$ 0.00
3 years ago

Wooow😍amazing! Kaganda😍😍😍

$ 0.00
3 years ago

❤❤❤

$ 0.00
3 years ago

Keep sharing

$ 0.00
3 years ago

Thank you😊

$ 0.00
3 years ago

Beautiful poem, full of love.

$ 0.00
3 years ago

Thank you

$ 0.00
3 years ago