Update to my mother

0 39
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Bago ang lahat gusto ko mag pasalamat sa lahat na tumulong saakin lalong lalo na sa mama ko na may sakit sa pag iisip. Sa mga taong walang sawang nag intindi at nag bigay ng pag asa sakin at sa mama ko, napakaswerte ko na meron akong mga katulad niyong tao sa buhay namin. Yong araw palang nag post ako na kailangan namin ng tulong ng aking ina ay agad niyo akong tinulungan at nag palakas ng loob namin.

Gusto kong gamitin ang Read Cash upang ipahayag ang aking nararamdaman at ang aking pasasalamat para sa lahat. Sa mga taong di ko naman kamag-anak na tinuring akong ka dugo at pinaramdam sakin na hindi ako nag iisa ay labis labis ang pasasalamat ko sainyo. Abot langit ang panalangin ko na sana gabayan kayong lahat at suklian ang kabutihang binigay niyo saakin.

Sa tulong po ninyo , ng Read Cash at ng Dios ay naging maayos na ang kalagayan ng aking ina. Nakalabas na siya ng mental hospital at kasalukuyang naninirahan sa bahay ng aking lola. Akala ko noon hindi na gagaling ang aking ina ngunit hindi ako binigo ng panginoon, diningin niya ang aking panalangin na pagalingin siya at bigyan ng pag asa.

Habang sinusulat ko ito, hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Masaya lang ako na kahit sobrang hirap ng kalagayang kinaharap namin ay nakakaahon padin ket papaano.

Yong mga mapait na luhang bumuhos noon ay naging matamis na luha na ngayon. Mga luhang may dala dalang pighati at kawalan ng pag asa ay napalitan ng galak sa puso.

Hindi ako mapapagod na mag pasalamat sainyong lahat lalo na sa Read Cash na patuloy akong binibigyan ng pag asa. Hindi ako binibigo ng Read Cash na ilabas ang mga nararamdaman ko lalong lalo na sa mga panahong sobrang lungkot at hinagpis lamang ang aking nararamdaman.

Dahil sa mga taong walang sawang tumutulong sakin ay palage akong nabibigyan ng pag asa na mabuhay. Kaya naman gagawin ko din ang mga ginawa nila sakin sa ibang tao. Handa akong tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong at handa akong maging kasangkapan upang maging pag- asa nila at maging inspirasyon sa buhay upang mag patuloy sa buhay kahit na sobrang hirap na ng kalagayan.

Gusto ko na isa din ako sa maging daan upang hindi sila mawalan ng pag asa lalo na sa pag aaral ng Programming.

Alam naman natin na mahirap pag aralan ang Programming ngunit walang imposible sa taong may pangarap. Ang taong may pangarap ay patuloy na mag lalakbay kahit na sobrang hirap na ng mga dumadating sa buhay niya.

Isa din ako sa mga taong nawawalan ng pag asa pag dating sa pag aaral ng programming ngunit dahil sa may pangarap ako at gusto ko matulungan ang aking ina ay hindi ako sumuko sa mga pangarap ko. Hindi ako huminto sa pag aaral ng programming kahit pa sobrang daming problema bumagsak sa buhay ko at sa pamilya ko.

Habang nabubuhay ako, hindi ako hihinto sa pag lakbay. Gagawin kong instrumento ang aking sarili upang makatulong sa mga estudyanteng nais matuto ng programming.

At sa aking ina naman wag ka mag alala , narito lamang ako palage kang pinag dadasal at inaalay ko ang buong pag mamahal ko para saiyo. Wag ka sanang mawalan ng pag asa sa buhay dahil hindi kami nawawalan ng pag asa na ika'y gagaling at patuloy na lalaban sa iyong kinakaharap.

Nawa'y nararamdaman mo ang aking presensya at ang presensya ng mga taong tumulong saiyo.

Hanggang sa muling pag kikita natin aking ina.

Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty

4
$ 1.10
$ 0.58 from @TheRandomRewarder
$ 0.52 from @Fria
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments