Ang totoo mahirap talaga maging motivated sa araw araw.
May mga pagkakataon talaga na nawawala na yung exitement natin sa isang bagay or tinatamad na tayo.
Yung gusto mo naman talaga maging productive pero hindi mo makita yung dahilan para maging motivated ka na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin.
Minsan kasi naboboring na tayo kapag paulit ulit na lang ang gingawa natin at dyan na papasok yung katamaran.
Kaya lang sa ganyang sitwasyon naman kung papairalin mo ang katamaran, ay walang magandang mangyayari sa buhay mo.
Katulad na lang sa trabaho, kapag ba tinamad ka at ayaw mo ng magtrabaho kikita ka ba or magkakaroon ka ba ng income?
Or di kaya naman pinipilit mo na lang ang sarili mo na magtrabaho dahil na lang sa sweldo?
But in that case maapektuhan din ang performance mo sa work at maaring maging dahilan ng pagkatanggal sayo ng boss mo.
Narito ang mga dapat tandaan upang maging motivated araw araw.
Always think about your purpose
Para maging motivated ka araw araw isipin mo kung para kanino ka bumabangon? Sabi nga sa tagline ng nescafe.
Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangan mo itong gawin? Para kanino? Para ba sa sarili mo?
Para ba sa mga pangarap mo? Para ba sa pamilya mo? Kailangan lagi mong isipin yung “WHY” mo bakit kailangan mong magpatuloy.
Mahlaga na malaman mo ang rason bakit mo ginagawa ang isang bagay.
At yang mga why na yan ang magbibigay sayo ng direksyon para hindi ka tamarin sa buhay.
Maganda rin na may listahan ka or checklist kung saan nakasulat ang mga activity na gusto mong gawin sa araw araw. Magsisilbi itong guide para magawa mo ang isang gawain.
Keep moving, make it a habit.
Just to share one of the Newton’s Laws of Motion, “Objects in motion tend to stay in motion.”
Sa trabaho, kapag nasimulan na,tuloy-tuloy na at mahirap nang ihinto. Upang magawa ito, magsimula and find a reason to keep moving forward.
Maaaring ibang tao ang maging motivation.
Ngunit minsan bago ang ibang tao maaaring sarili o ang pangarap muna. Ang simpleng pag-ngiti sa salamin at pagmungkahi ng “Kaya natin ‘to self!” can be a form of confidence and motivation.
Loving what you are doing is one of the best motivations in work. Magaan at masarap ang feeling na natatapos ang gabundok na trabaho lalo na dahil gusto mo at masaya ka sa ginagawa mo.
Gawing rason ang mga ito upangipagpatuloy ang nasimulan na. Gawin ito araw-araw hanggang sa hindi namamalayang habit na at nagiging parte na ng buhay. Mas bibilis ang trabaho, mas sasaya pa ang boss mo.
Iwasan ang pag gamit ng gadgets.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka motivated ay dahil sa mga distractions na ine-entertain mo.
Halimbawa na lang ng mga gawain na isinisingit mo sa oras ng trabaho. Or mga bagay na una mong pinagtutuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na mas importante.
Katulad ng lang ng pagbababad mo sa social media, sa TV, sa games at kung ano ano pang mga bagay na hindi din makaktulong sayo para magmove forward ka.
Iwasan mo din ang pagmumulti-task na isa ding form of distraction. Dahil isa din yan sa mga dahilan kaya nawawala ka sa focus.
Reward yourself.
Maliit man o malaki ang achievement at progress sa trabaho, dapat itong i-recognize. Ito ang katunayan na may kakayahang tapusin ang trabaho dahil may motivation.
Psychological ang motivation kaya kailangang iparamdam sa sarili na kaya niya at nananalo siya sa mga walang katapusang hamon sa trabaho. Sa madali’t sabi, kailangan ng reward para sa sarili upang ito ay masiyahan at manabik.
Aminin man natin o hindi, ang sarili natin ay naghahanap ng kanyang kasiyahan at pananabik. Ayon sa tinuran ng isang Philanthropist at naging Presidente ng South Africa na si Nelson Mandela, “Remember to celebrate milestones as you prepare for the road ahead.” Take time to celebrate the progress because there are more to come.
I-treat mo ang sarili mo kahit paminsan-minsan. Self-love is a form of motivation. Kapag nagkaroon ng rough days dapat tumbasan din ng maganda pagkatapos.
Create a reminder; Keep moving, make it a habit; and Reward yourself. Madaling tandaan..
Mas magaan ang trabaho kung may motivation ka sa paggawa.
basta nandyan ka parati ate im always inspired...