Noong hindi ko pa nakikilala ang Read Cash ay medyo matamlay buhay ko, palaging mabigat ang damdamin, madaming iniisip dahil wala akong malapitan para mag kwento ng mga pinag dadaanan ko sa buhay. Laking pasasalamat ko nang maipakilala saakin ng isang writer din sa Read Cash ang Website na ito, ngayon mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nag susulat ako at nag babahagi ng mga karanasan ko sa buhay.
Isa ang Read Cash sa nag bukas ng Opportunity at pag asa para mag patuloy ako sa kung ano ang nasimulan ko. Sobrang saya ko dahil hindi ako binibigo ng Read Cash na maipahayag ang saloobin ko, hinahayaan niya akong maging kung sino talaga ako. Unang sabak ko palang sa Read Cash ay ini-upvote agad ako ng bot kaya naman sobrang nakakagana mag pahanggang ngayon ay anjan padin ang bot na palagi akong sinusuportahan. Kahit na medyo di naman kagandahan mga isinusulat ko dito at medyo magulo but still anjan padin ang bot at ang mga readers ko kaya maraming salamat!.
Pag papatuloy ko ang buhay ko kasama ang Read cash at patuloy na mag babahagi ng aking kaalaman at karanasan . Sa pamamagitan ng Read cash ay mas napapadali ang pag babahagi ko ng mga kalaman ko sa programming lalo na sa pag bibigay ng motivation sa mga Estudyante na nais matuto ng programming. Sa Read Cash ay nakakapag bigay ako ng mga source code for educational purposes kaya naman ay hindi na ako nahihirapan na gumamit pa ng ibang site para lang mag bahagi ng source code.
Palagi akong ginaganahan na mag sulat ng madaming articles dito sa Read Cash kahit na medyo busy nako ay palagi ko padin naiisip ang Read Cash kaya naman pag may extra free time ako ng madaling araw ay gumagawa ako ng articles para hindi naman mag tampo sakin ang Read Cash lol. Kahit madami na akong absent sa pag gawa ng articles ay ina-upvote padin ako ng bot kaya feel ko tuloy mahal na mahal ako ng Read Cash kahit na baguhan palang ako dito.
Kapag natapos ko ang mga ginagawa kong website ay pag lalaanan ko talaga ang Read Cash ng panahon para makapag publish ng madaming articles at para nadin mas lalo akong matulungang estudyante na nais matuto ng programming lalong lalo na sa C++, pag gawa ng web page o web site gamit ang html, css, javascript, php at mysql. Gusto ko mas madami pa akong matulungang kabataan para hindi sila pang hinaan sa pag aaral sa programming at para nadin hindi masayang ang mga pinag aralan ko sa loob ng mahabang panahon. Hindi ako magiging produktibo kung hindi ako mag babahagi ng mga kaalaman ko sa programming at hindi din ako makakatulong sakanila kung magigi akong sakim at gahaman sa programming.
Gagamitin kong instrumento ang read cash upang malinang ko ang aking kakayahan at para makatulong sa mga kabataang nag pupursige sa pag aaral ng programming. Hindi ko hahayaan na bastusin ang at maliitin ang read cash ng ibang tao. Pag yayamanin ko ito at aariing ganap na kaibigan at sandalan. Nag papasalamat ako ng madami sa gumawa ng Read cash sana ay pag palain kayo ng may kapal at bigyan kayo ng malakas na pangangatawan .
Thank You so much Read cash!