Nothing is impossible (My life as a self taught programmer).

0 27
Avatar for Ceddy-lim
3 years ago

kung hindi ko natutunang mag program siguro hindi ko pa alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano ang tatahakin kong landas . Mahirap kapag walang direksyon ang buhay katulad ng taong walang pananalig sa dios ay walang kasiguraduhan ang buhay. Nag simula akong mangarap nang maranasan ko ang kahirapan, nang makaranas ako ng pangungutya mula sa ibang tao dahil sa pag kakaroon ng inang may sakit sa pag iisip. Nag simula akong lumakad mag isa ngunit hindi ako hinayaan ng pamilya ko at ng Dios na mag lakad mag isa sa gitna ng dilim. Sila ang naging inspirasyon ko upang mag patuloy palagi sa buhay kahit na sobrang nakaka-stress na.

Noon wala akong ibang alam kundi ang mabuhay lamang na walang direksyon, kain , laro, gala at tulog. Mahina din ako sa lahat na bagay lalo na sa mundo ng teknolohiya. Kung dati ay takot na takot ako humawak ng laptop o kaya computer dahil hindi ako marunong gumamit. Kapag sinasama naman ako ng kaibigan ko para mag computer ay tumatanggi ako dahil alam kong mapapahiya lamang ako. Nag simula ako mag explore sa mundo ng teknolohiya, inaral ko ang mga lengwaheng ginagamit nito ay kung ano ang mga ginagamit upang makausap ang isang computer.

Hinarap ko ang aking takot, ang aking kahinaan ang naging daan upang muhobog ko aking kakayahan . Nag karoon ako ng pundasyon at direksyon sa buhay. Ang pag kakaroon ng skills sa programming ay isa sa pinakamagandang regalo na aking natamo. Madaming tao ang nag hahangad na sana gumaling sila sa larangan ng programming at nag papasalamat ako kahit hindi ko hinangad na mag karoon ng skills sa programming ay nag karoon ako nito.

Nahirapan ako noong una dahil wala talaga akong kaalam alam ngunit dahil sa libro ay natuto ako pa onte onte . Natutunan ko ang basic fundamentals at hanggang sa napunta nako sa class and functions at nag tuloy tuloy na nga. Ginawa kong habit ang pag program at ang pag babasa ay inaraw araw ko. Walang araw na hindi ko nahahawakan ang libro ko saka laptop. Ginawa kong motivation ang mga videos na ginawa ko noon. Sa tuwing may sobrang oras ako ay nag v-vlog ako at pinapanood ko sa tuwing nawawalan ako ng gana mag aral sa programming. Minsan natatawa ako sa mga pinag gagawa ko sa buhay ngunit nakatutulong iyon upang hindi ako mawalan ng motivation. Kinakausap ko palagi sarili ko sa harap ng salamin at binibigyan ng advise ang aking sarili. Okay lang na mag mukhang baliw lol para naman yon sa sarili ko.

Ngayon ay nakagagawa na ako ng mga web sites, mga console application, simple game at nakakapag turo na din ako sa mga estudyante patungkol sa mga programming language na aking nalalaman. Binabalak ko din na gumawa ng mga Tutorial at i-upload ito sa youtube o sa facebook.

Hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod na kabanata ng aking buhay ngunit isa lang ang tinitiyak ko sa aking sarili, makakaya ko ang lahat na problemang darating saaking buhay dahil alam kong may Dios akong kinakapitan at alam ko na hindi ako pababayaan ng aking pamilya, Nariyan lamang sila para saakin kung kaya ay gagawiin ko ang lahat upang maging professional programmer ako balang araw at upang maiahon ko ang pamilya ko mula sa pag kakalugmok.

-young programmer ng bicol-

4
$ 1.76
$ 1.73 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ayane-chan
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
3 years ago

Comments