Lahat ng bagay na nangyayare sa mundo ay may dahilan, ang mga bagay na hindi maipaliwanag ay ang dios lang ang nakakaalam. Iniisip ko bakit pa tayo nabubuhay kung mamamatay din lang naman tayo. Bakit pa kailangan nating mag dusa ng napakahabang panahon kung isang araw ay mawawala din lang naman tayo. Madaming tanong ang gumugulo saaking isipan. Ngunit sa kabila ng mga agam agam ay nanatili akong mahinahon at tapat sa panginoon.
Nais kong mahanap ang sagot sa lahat na kasakitan sa buhay, nais kong mapawi ang mga hinagpis ng bawat isa ngunit wala akong kapangyarihan upang gawin ang bagay na ito. Ang magagawa ko lang ay ang ipag dasal sila na sana'y gabayan ang mga taong nag hihirap at bigyan ng lakas ng loob upang mag patuloy sa buhay.
Habang lumilipas ang panahon ay dumaragdag ang bilang ng taon na ako'y nabubuhay , ang panahon ang naging daan upang madagdagan ang aking kaalaman . Lumipas ang mga araw at gabi ay nahanap ko ang kasagutan.
Sa wakas ! Hindi ko na kailangang mangamba at hindi ko na rin kailangan ng marangyang buhay dahil may nakalaan na kayamanan ang panginoon para sa mga mahihirap at para sa mga taong nanatili sa pag dudusa kasama niya.
Hindi natin kailangan ang malaking bahay, magagarang kotse , mga mamahaling alahas, at madaming pera!
Madaming Pag mamahal lamang para sa kapwa ay sapat na. Pag tulong sa kapwa at malasakit ang siyang magiging daan upang makamit natin ang tunay na kayamanan.
Kayamanang di maaangkin ng nino man, ang kaligtasan na ibibigay saatin ng panginoon ay siyang pinaka masarap na gantimpalang ating matatamo.
Kaya wag matakot na madapa, mabuhay sa pag hihirap at hinagpis dahil hindi ka pababayaan ng panginoon. Manalangin at diringin ka niya.
"Ang manatili saakin hanggang sa kawakasan ay ang siyang maliligtas" . Mahirap man gawin ang bagay na ito dahil hindi tayo perpektong tao, nag kakasala tayo , at napupunta sa maling landas ngunit isa lang ang masisiguro ko, Humingi ka ng gabay at basbas upang gawin ang mga bagay na nakalulugod. Gawin mong instrumento ang iyong sarili upang mas lalong mapalapit sa panginoon.
Hindi tayo nabubuhay mag isa na nag dudusa, kasama natin siya mula pa noon mag pahanggang ngayon!
Isang patunay na hindi niya tayo pinapabayaan at tunay na mahal niya tayong lahat.
Gawin natin ang nararapat upang gawin din saatin ang nararapat.
Tumulong ka at tiyak na tutulungan ka din ng panginoon at pagpapalain ka niya mag pahanggang wakas ng iyong buhay. Makatatanggap ka ng gantimpala na pang habang buhay at tunay na kasaganahan.
Sama sama tayong mag lalakad papunta sa kaharian niya at sama samang ngingiti at tatawa dahil sa mga pinag daanan natin sa buhay. Tunay na mapalad ang mga taong nasakanya at sumusunod ng kanyang mga aral.