2021- Challenging and Best Year ever.

0 29
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Malapit na matapos ang taong 2021 ngunit hindi mawawala saaking puso at isipan ang iniwan nitong bakas ng kahapon. Madaming nag bago, dumating, at nawala sa buhay ko ngunit patuloy padin akong lumalaban dahil katulad ng kanta lahat ay may katapusan. Naiiyak ako na masaya sa tuwing naalala ko ang mga nakalipas, sobrang bilis ng panahon kung noon lugmok na lugmok ako parang walang pag-asa at hindi makabangon. Ngayon ito ako masayang inaalala ang nakaraan at nag papasalamat sa lahat na dumating sa buhay ko.

Sari-saring problema dumating sa buhay ko tila ba wala ng katapusan ngunit hindi ito naging hadlang para sumuko ako sa buhay bagkus ay naging daan pa ito para mag patuloy sa tinatahak na landas. Madaming akong nagawang kasalanan at kamalian ngunit pinag sisihan ko iyon at humingi ng tulong sa may kapal na patawarin ako at gabayan sa aking mga gagawin sa buhay.

Hinubog ako ng panahon upang maging mahinahon at maging matatag sa ano mang hamong darating sa buhay. Hinarap ko ng buong puso ang mga problema at sinabayan ng panalangin upang makayanan ko mga laksa laksang problema at labanan ito na may takot sa Dios.

Nasabi ko na ang 2021 ay ang best year ever dahil dito ko mas lalong nakilala ang aking sarili at naging mas matatag ako dahil sa taong ito!

Totoo nga na mas lalakas ka kapag madami kang pinag daanang problema sa buhay. Kung baga ito ang nagiging training natin upang mahubog ang ating sarili at maging "Best Version" ng ating mga sarili.

Sa pamamagitan ng pag harap natin sa mga problema ay mas nalilinang natin ang kakayahan sa pag tuklas ng mga makabagong pamamaraan na makatutulong satin na makaahon mula dito. Mas nagiging mapamaraan tayo at praktikal pag dating sa bagay na ito kung kaya naman ay mas nadaragdagan ang ating kaalaman at karanasan sa buhay.

LAKASAN ANG LOOB AT MAGING POSITIBO

Iba-iba ang ugali ng bawat isa sa atin. May ilan na malakas ang loob. Samantalang ang iba naman ay mahihina.  Hindi naman kasi natin masasabing lahat ng tao ay iisa ang pakiramdam at pag-iisip. Sadyang may pagkakaiba, hindi lamang sa hitsura at katayuan sa buhay kundi maging sa paniniwala at pag-iisip.

Maraming pagsubok ang maaaring dumalaw sa ating buhay kaya’t dapat na ma­ging handa tayo.

Dapat ay alam natin o may kakayahan tayo kung paano ito malalampasan o mahaharap.

Oo, hindi basta-basta nakukuha ang lakas ng loob. Pero kung sasanayin natin ang ating mga sarili, paunti-unti ay magkakaroon din tayo nito.

Kaya naman, sanayin na ang sarili at itatak sa isip na dapat ay mayroon kang lakas ng loob. Lakas ng loob para maharap mo at malampasan ang bawat problema.

At sa kabila din ng nararanasang challenges, panatilihin ang pagiging positibo.

MAG-FOCUS AT MAG-ISIP NG PARAAN

Kapag malungkot ang isang tao, nagmumukmok.  Kapag iniwan o hiniwalayan ng karelasyon,  gustong umiyak nang umiyak o kung minsan pa nga ay umiinom ng alak para makalimot.

Natural ang ganitong pakiramdam at aksiyon. Ito kasi ang mga paraan na alam natin upang kahit na papaano ay mawala sa puso at isip ang sakit o problemang kinahaharap.

Oo, okay lang ang magmukmok at umiyak. Pero huwag naman iyong sobra-sobrang pag-iyak at pagmumukmok ang gagawin mo.  Iyong tipong iti-nigil mo na ang buhay mo dahil lang sa problemang kinahaharap.

Walang mabuting mai­dudulot ang pagmumukmok o ang pag-iyak. Ang mas magandang gawin ay ang mag-focus at ang mag-isip ng paraan kung paano malalampasan ang kinahaharap na pagsubok.

Halimbawa ay malungkot ka. Imbes na ang magmukmok ay gumawa ng paraan para dumantay ang ngiti sa labi at pisngi. Puwede kang lumabas kasama ang pamilya o kaya mga kaibigan.  Kung hindi mo naman trip na lumabas na mayroong kasama, puwede kang manood ng mga kinatutuwaan mong palabas nang mag-isa.

Kumbaga, gumawa ka ng paraan upang mapabuti ang sarili mo sa kabila ng problema at hindi ang mapasama.

ISIPIN ANG MAS MALAKING HINAHARAP

Sa tuwing lumalaki ang problemang kinahaharap ng marami sa atin, may ilan na ayaw nang lumaban at gusto na lang na sumuko. Mas madali nga naman ang sumuko kaysa sa ang tumayo at lumaban sa buhay.

Pero siyempre, kung susuko ka, ibig sabihin ay titigil na rin ang buhay mo. Na hindi mo na masisilayan ang kaligayahan.

Oo madali lang naman ang sumuko. Pero hindi porke’t mada­ling sumuko ay susuko ka na. Hindi porke’t simple lang ang umayaw ay aayaw ka na lang agad.

Sa mga problema’t pagsubok na dumarating sa buhay ng bawat isa sa atin,  huwag tayong mawalan ng pag-asa. Para magkaroon tayo ng lakas na lumaban, isipin natin ang maganda at malaking hinaharap na naghihintay sa atin. Isipin natin ang mga taong maha­laga sa atin.

MAGTIWALA AT MAGDASAL

Malaki man o maliit ang problemang kinahaharap ng bawat isa sa atin, huwag na­ting kalilimutan ang magdasal at ang magtiwala sa Diyos.

Tandaan natin, lahat ng problema ay nangyayari ng may dahilan. Lahat din ng problema, may nakalaang solusyon. At ang solusyon sa problemang kinahaharap natin, iyon ang hanapin natin.

Maraming pagsubok ang buhay. Pero sabihin mang tila nasa bingit ka na ng buhay, huwag sumuko. Tumayo. Bumangon. Lumaban.

Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty

4
$ 2.02
$ 1.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ayane-chan
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments