Ano ang ginagawa mo ngayong "quarantine"? Nagbabasa ka ba ng paborito mong libro? o nagtatanim ka rin ng mga mamahaling halaman? Kahit ano man sa mga nasabi ko ang ginagawa mo, maswerte ka dahil hindi lahat ng tao ngayon ay "privilege" na katulad mo. Kadalasan sa mga normal na pamilya ngayon ay naghahanap buhay kahit na delikado ang panahon. Kalimitan ng mga mahihirap ay hindi na iniinda ang kapahamakan na makukuha para lang sa ipapakain sa pamilya. Nagtitinda ng kung anu-ano kayat minsa hinahamak ng mga matataas sa lipunan. Dinadakip dahil walang "mask" at pinag mumulta ng gintu-gintong pera. Ang ipambibili sana ng butil ng bigas ay nagawa pang kunin at ilagay sa bulsa. Marami kang mababasa ng balita na ganito sa social media at ang magagawa mo lang ay ang e-share at e-react kung hindi naman ay magscroll-up. Talaga bang may batas na bawal lumabas? o may batas na ang bawal lumabas ay ang mahihirap lamang? Pano naman si Liz Po na nagpapyesta sa kanyang kaarawan? Isang pahayag sa press-con at boom, apology accepted. Ganito na lang ba tayo mga pilipino? Sino ba talaga ang kulang sa displina? Ang gobyerno o ang mamamayang pilipino? Oops, baka ako'y iyong e-bash. Hinaing ko lang ito sa Trending Quarantine.
2
21
Nagsusulat ako dito sa platform na ito ngayong quarantine :) hehehehe