read.cash Log in
@CatCrochet

@CatCrochet in December 2021

@CatCrochet

Minsan dine-disregard na lang yung totoong nararamdaman kasi yun ang turo. 'Bakit mo nasasabi yan? Maraming tao jan na mas worse pa sa problema mo'. 'Wala kang patience, di ka grateful sa kung anong meron ka ngayon'. Kaya minsan di na alam kung paano maging honest sa sariling nararamdaman.

@CatCrochet

Gusto sanang sabihin yung nararamdaman pero hindi alam kung paano lalo na pag ang laging sagot na nakukuha 'Bakit mo nararamdaman yan?'

@CatCrochet

May mga time ba na naiinis kayo sa sarili niyo kasi bigla mo lang maaalala yung mga katangahang nagawa mo noon. Parang gustong kong bumalik sa past at sabunutan ang younger self ko.

@CatCrochet

May nabasa akong facebook post na hindi ka mauubusan kasi mapagbigay ka. Kapag mapagbigay ka mayroon babalik sayo. While I agree na laging may babalik kapag nagbigay ka, hindi ako sang-ayon na dapat always kang nagbibigay. Kasi madalas naaabuso ang ganyang tao. Hindi pwedeng bigay ka lang ng bigay sa pamilya mo tapos sila aasa at aasa na lang sayo lalo na kapag may pamilya na ang bawat isa. Maging mapagbigay pero wag mo ring hayaang abusuhin ka.

@CatCrochet

I mean, hindi bat ganito naman talaga? We always have our own version of truth kasi hindi natin alam ang absolute truth.

@CatCrochet

Mga wip ko sa ngayon. Hindi ko magawang tapusin yung dalawang amigurumi kasi tinatamad ako. Nawawalan ako ng gana mag-amigurumi kaya yung shawl na lang muna ang pinagtutuunan ko ng pansin.

@CatCrochet

Ni-require ng university na pinapasukan ko ang pag pre-register sa kanilang website para mag-reserve ng subjects for second semester. Bago makapag-pre-register ay kailangang i-update ang student profile, nakakainis lang na hindi pweeng iedit ang birthday. Nakakapanlumo pa dun, isang subject lang pwede kong itake. ;( I mean, okay naman kasi hindi nakakapagod pero ayaw ko namang magtatagal ako sa graduate school plus hindi sulit yung pagbabayad ng other fees.

@CatCrochet

Lord, tabaaang. Di ko alam kung dapat ba akong mag-worry sa buhay ko o tatawa na lang sa mga memes. Hahahahuhuhu

@CatCrochet

Bakit may mga taong tuwang-tuwa kapag nakakapanakit o nakakapatay ng aso at pusa? Pwede namang paalisin ng hindi sinasaktan yung hayop.

@CatCrochet

Mapa fiction o totoong buhay, ang isang ugali ng tao na lagi nating mapapansin ay kung paano pintasan/pagtawanan/pag-usapan ng bawat isa ang taong nakagawa ng mali o salungat sa norm.

@CatCrochet

Nagulat siya nung nakita niya ako sa duyan. Lumalapit talaga tong pusang ito kapag gutom, pero at a safe distance. Hindi malayo pero hindi rin malapit to the point na maaabot mo siya. Although cute siya, naiinis pa rin ako sa kanya kapag pinapakain ko na sila ng pusa ko. Ayaw kasing magpahawak haha

@CatCrochet

Nanonood ako ng YT shorts at may video doon na nagsasabing hindi madali ang trabaho ng isang pediatrician. And nagbigay siya ng list of examples ng mga ginagawa nila. At nakakalungkot lang yung part na sinabi niya "oh maybe it is easy to code a newborn or tell a child they have cancer". The difficulties they have to go through, heartbreaking din talaga.

@CatCrochet

Ang tagal dumating ng order ko from shopee. Ang tagal ng delivery ni JnT. Pangalawang beses ko na naexperience to at kahit naiintindihan ko naman kasi may mga lugar na nag iimplement ng community quarantine kaya matagal ang delivery, nakakainis na nakakaiyak pa rin. What if kaya pala matagal ang delivery kasi na-misroute ang parcel or na-rts. Di pa nakakatulong yung ibang cases na binubutasan ng iba ang packaging ng parcel, parang sinisilip ang laman sa loob. Pero sana this…

@CatCrochet

Nagagalit sila kasi di mo raw nirerespeto opinion nila eh hindi rin naman nila nirerespeto yung sayo. Some people really wanted to be respected but doesn't make an effort to deserve it. They wanted to fight for their rights but also violate the rights of those who do not follow or support their narrative.

@CatCrochet

The people who say "di ako mag-aadjust para sayo" are the same people who expect everybody to go out their way for them.

@CatCrochet

"Kapag nambastos ka, pogi man o hindi assaulter ka" Aww, cute ng ibang girls noh? Pero kapag totoong gwapo yan "sana all" ang banat or gagawing love team. Kahit mag voice out ang babae na hindi siya comfortable idedefend yung lalaki saying "clingy" lang. Yieee bilis natin kumambyo girls, kapag napoint-out mali natin masyado tayong defensive. Hahaha

@CatCrochet

Pinagkakaabalahan ko kagabi. Gumawa ako ng amigurumi gamit ang indophil yarn. Maganda rinnpala gamitin ang indophil sa amis, noh? Hindi rin siya ganun kahirap gamitin compare sa fine cotton.

@CatCrochet

Dumating na yung mga yarns ko kanina. Nakita kong pinost ito nung seller na fina-follow ko sa fb. Actually binili ko lang ito dahil bored/sad ako tsaka para masubukan ko na rin ang indophil yarn. Malaki siya tingnan sa picture 😅 pero maliit in actual, pero ok lang naman yun.

@CatCrochet

Kapag ba matagal hindi nalagyan ng laman ang bitcoin,com wallet nababawasan siya? Ganun kasi nangyari sa akin 🤧 Nabawasan ng 30php yung wallet ko.

@CatCrochet

Si mingkay namin. May improvement na sa health niya. Magana na siyang kumain at di na siya ganun kapayat. Bumibigat na rin siya konti. Gumagaling na rin unti2 yung mga sugat niya sa leeg at tenga. Kaso meron nga lang siyang bagong sugat sa leeg din. Hindi ko alam kung galis ba ito o sugat lang na nakukuha niya sa mga away sa ibang pusa

@CatCrochet

Grabeng paninira ginagawa sa Governor ngayon ah, ginagawang issue yung statement out of context. Bakit yang vice governor niyo, may nagawa ba nung governor pa siya? Wala diba? Puro photo ops.

@CatCrochet

Nakakainis minsan noh? Yung bibili ka ng bagong phone pero hindi ikaw yung makaka-unbox kundi yung tindera. Minsan di pa iniingatan ang phone pag bubuksan. Hahawakan ang phone while nag-eexplain with hands motions pa. Ngayon lang ako nairita ng dahil doon. Hahaha

@CatCrochet

Ang bata pa ng anak ni Marian para pag-usapan ang pagsali sa pageant (kung sasali man). Wag kayong pala-desisyon MU.

@CatCrochet

Rose quartz is really a sad character for me. Imagine hating yourself so much you faked your death and lived as another person or gem. And I think hindi niya intention na ipasa kay Steven ang lahat ng problema na naiwan niya. Gusto niya lang mabuhay si Steven. Maybe, by doing so masasabi niyang may nagawang siyang tama. But I could be wrong though opinion ko lang naman to. Ewan ko. Naiiyak ako kapag nakakapanood ako ng clips ng Steven Universe. Naalala ko pa noon na…

@CatCrochet

Napanood ko yung video sa tiktok ng q and a performance ni Ruffa at Dindi sa Bb. Pilipinas and personally okay naman ang sagot ni Dindi. Nauutal lang siya sa pag deliver ng sagot at nabully pa ng audience (but the question was too meh) While kay Ruffa ang ganda ng delivery (advantage pagiging actress) pero gusto niya lang maging Ms. U for the experience? Wala na siyang ibang gagawin? Ayt, both flop.

@CatCrochet

Minsan nakakatakot talagang magtanong sa may mga authority kasi pwedeng tarayan or hindi pansinin. Pakiramdam mo sinasayang mo oras nila.

@CatCrochet

Pakiramdam ko gagaan lang mood ko kapag dumating na yung inorder kong yarn.

@CatCrochet

Ang hindi ko gusto sa mga cooking videos sa TikTok ay kung pano nila iprepare yung ingredients. Parang tinatapon o binabagsak lang yung pagkain, minsan nasasayang pa kasi tumatalsik. Ano ba nakukuha kapag ginagawa yun sa pagkain?

@CatCrochet

Kaya minsan gusto kong gumawa ng assignment kapag madaling araw kasi tahimik. Yung hindi nakakabinging katahimikan ah. Tapos minsan pakiramdam ko may pupuntahan akong malayo kapag gumagawa ako ng assignment sa madaling araw.

@CatCrochet

Gumawa ako ng baby whale gamit yung indophil yarn na nabili ko. Nagustuhan ko yung kinalabasan niya. Nahirapan lang akong mag pull through at ang nipis pa ng hook na gamit ko kaya sumasakit agad ang kamay ko kahit hindi pa naman ganun katagal bago ako nag-umpisa.

@CatCrochet

Eto yung mga nagawa kong amigurumi at ibang crochet items simula nung kinarir ko na talaga ang paggantsilyo. Dumarami na rin pala sila 😅

@CatCrochet

Ang cute-cute ng low spirit na ito. Ang sarap gawan ng amigurumi. Minsan ang dami-dami kong naiisip na project pero hindi ko nauumpisahan. 🤧

@CatCrochet

Ang dahilan kung bakit ayaw ko na magkaroon kami ng TV ulit kasi ang ingay. Tapos pinapalakasan pa ang volume wala namang nanonood.Sinasabayan pa ng ingay ng cellphone. Nakaka-distract masyado, dagdagan pa ng ingay ng mga sasakyan sa kalsada.

@CatCrochet

Ang pinaka-ayaw ko talaga sa isang kwarto ay ang ,agulong bedsheet. Hahaha, naiinis ako kapag magulo ang bedsheet ko. Oras-oras inaayos ko siya. Hindi ako nakakatulog ng maayos kapag magulo ang kobre kama kahit pa maraming unan, maliban na lang kapag sobrang pagod or masakit masyado ang ulo ko.

@CatCrochet

Nanonood ako ng videos sa tiktok nung nag appear sa screen ko yung vid ng pusa na mukhang galit na biglang naging malambing at ang caption ay somewhere along the lines 'how gemini changes mood so quickly' tapos ang background music ay 'She Wolf' ni Shakira. Kanina naalala ko naman yun kaya nisearch ko ang MV ng kanta para iconfirm kung edited audio ba ng she wolf yung nasa video o hindi. At hindi nga siya edited, original audio siya. So habang nanonood, naalala ko ang past…

@CatCrochet

Thankful talaga ako na may nakita akong free online paraphrasing tool. Hindi na ako mahihirapan mag paraphrase or revise ng sentences ko.

@CatCrochet

Gusto ko sanang subukang maglaro ng Axie Infinity kaso wala pala akong masyadong knowledge sa crypto at sa tingin ko hindi kakayanin ng laptop at phone ko ang game.

@CatCrochet

Namimiss ko na ang mga college classmates and friends ko. Nakakamiss na rin yung mga activities sa department namin kahit minsan nakakapagod at nakaka-cause ng away between majors or profs. Hahaha. Pati na yung pag-aaya ng mga kaklase na maligo sa mga resorts. Kahit walang budget/ambag go lang ng go. Hahaha. Picture below: Pictorials during CED Day, dahil TLE majors kami ang naka assign mag luto ng kakainin ng bisita. May lesson talaga akong natutunan that time kahit…

@CatCrochet

During NCII assessment namin, nakunan ko ng picture yung pusa doon sa avenue na may magandang kulay. Nahihirapan talaga akong kunan ng pic itong pusang to during training kasi masyadong mailap sa tao. Kaya ginrab ko na ang pagkakataon nung tumabay sya malapit sa nung assessment. Kasing laki niya yung pusang pumupunta rito sa bahay. Iniisip ko nga ma baka magkapatid sila 😅 nasa iisang barangay lang naman kasi yung bahay namin at venue ng NCII assessment.

@CatCrochet

Minsan may mga pagkakataong kahit hindi tayo magtanong, alam na natin ang sagot. Tulad nang paghingi ng permiso sa parents para makapag-overnight. Alam mo na agad kung papayagan ka o hindi hahahuhuhu

@CatCrochet

Masyado akong nalungkot sa sinapit nung working student na niransak ang bahay ng amo niya. Nakapag post pa ng tulong sa facebook, unfortunately yung dalawang kasama niya which is mga anak ng amo niya ay patay. 😢 Hindi mo siya masisi na hindi niya naipost ang location ng bahay para sana matulungan agad sila kasi kapag nasa sitwasyon ka na hindi mo na malalaman ang gagawin mo.

@CatCrochet

Bakit sobrang tagal naman ng delivery ng jnt? Kadalasan 3 or 4 days lang nasa davao na ang parcel ko, pero 6days na wala pa ring update. Last parcel ko ganun din, 10 days bago dumating na usually 6-7days natatanggap ko na. 😖

@CatCrochet

Ang ganda ng bagong design ng 1000-denominated banknote na nilabas ng BSP. Masyadong Ravenclaw (💙+🦅) Expecting to receive Ravenclaw money, charrooot! Hahaha Photo courtesy from PTV fb page

@CatCrochet

Respeto ba talaga ang dapat ibigay kay ms. Heterochromia? Diba ang respeto "hindi yan iniimpose, ine-earn yan", may ginawa ba sya para maging deserving siya nun? Wala. But the commenters should have the decency to not spread those videos. Hindi yung pagpipiyestahan niyo na na parang mga ulol. Tama ba ginawa ni ms. heterochromia? Hindi. Pero tama rin ba ginawa ng mga tao sa sa social media? Hindi rin.

@CatCrochet

Madalas ko nakikita yung mga posts na yung mga pangarap lang nila noong bata pa sila ay nabibili na nila ngayon at nakakatuwa kasi isa yung achievement para sa kanila. Tapos bigla ako napaisip, ano ba yung gusto kong bilhin nung bata pa ako na hindi ko kayang bilhin pero kaya ko na ngayon? Wala akong maisip. Hindi ko na matandaan. May mga gusto akong makuha noon na para sa akin hindi na importante ngayon o kaya naman nagse-settle na lang ako sa thinking na kahit gustuhin ko…

@CatCrochet

Good day mga ka-noise (✿^‿^) Eto yung pusa namin dito sa bahay. Pinangalanan siyang mingkay ng mama ko. Actually bigla na lang sumulpot sa pintuan ng kusina namin si mingkay noon. Ang dumi at sakitin pa niya noon at meron rin siyang sugat2 sa katawan. Hinala namin tinapon sya malapit sa amin at pumasok ng gate. Picture niya nga pala to nung nakakapasok pa siya ng bahay. Ayaw kasi ni mama na may pumapasok na pusa sa loob ng bahay kasi nagkakalat.

@CatCrochet

Bilib din talaga ako sa mga taong gustong inormalize ang sex work kasi trabaho rin naman daw yun at legalize pa sa ibang bansa. Pero kasi, mali. Nakakalungkot at nakakainis lang na okay lang sa iba na may mga tao jang pinapagamit ang katawan nila sa iba para lang mabuhay kasi trabaho naman daw yun.

@CatCrochet

Lunes na naman. Ang bilis lang ng panahon. Parang kelan lang nung bigyan ka ng assignment na one month due tapos magugulat ka na lang na next week na ang pasahan. Hahahaha 🙀

@CatCrochet

Hindi na nakapagtataka na may teachers na mababa magbigay ng grades kasi grabehan sa standards pero mahilig naman mandaya sa mga contests 😌

@CatCrochet

Pusang gala. Ilang araw na ring natambay dito sa bahay. Maamo naman ang pusang to, hindi niya nga lang gusto na binubuhat siya. Siya rin pala ang bumuntis dun sa pusang kong si mingkay. 😅 Siya rin yung hinihinala kong pumatay sa mga kuting ni mingkay. 😤

@CatCrochet

"Pinakamahirap na tanong ang napunta kay Bea" "Medyo political ang tanong kay Bea" hmm? Hahaha parang sinabi niyo na pinag-kaisahan si Bea. Anyways, congrats Bea! Wag pansinin ang bashers. Hindi katulad nung isa jan na umiyak sa ig live last year haha.

@CatCrochet

Pinanood ko yung video ni Ted Bundy dahil sa isang tiktok video and its saddening na totoo yung sinabi niyang "There is no protection against the kinds of influences that are loose in society that tolerates it". He was talking about how addiction in pornography made him voilent (serial rapist-murderer). Kahit anong protect mo sa bata kung ang society mismo nagto-tolerate at nino-normalize pa ang pornography, maiimpluwensyahan talaga siya one way or another

@CatCrochet

Naisipan naming magkita ng mga college classmates ko kahapon. At sobrang saya lang. Bihira akong makalabas ng bahay at nakakatuwa na nagkitakita ulit kami. Sinubukan naming mag KTV at first time ko rin yun. 😅 Masaya pala noh? Sa sobrang bigay todo, namaos na ako. Haha

@CatCrochet

Pagkatapos ng ilang araw na paghihintay, dumating na rin yung inorder kong velvet yarn. Parang last year lang tinatanong ko pa kung makakaroon ba ako ng ganitong yarn at heto na nga siya. Hindi nga lang siya katulad ng ineexpect ko. Balak ko siyang gawing bucket hat at mukhang mahihirapan ata akong labhan sya kapag nagkataon kasi delicate yung yarn. Okay lang bang gawin siyang bucket hat o baka mas may maganda pang project para kay velvet yarn?

@CatCrochet

Minsan yung mga tourist attraction maganda lang sa picture. Kapag napuntahan mo na wala ka nang makikitang special. O ako lang ba ang ganun? May mga pagkakataon kasi na excited akong puntahan ang isang lugar kasi ang ganda sa piture pero kapag nabisita ko na nag-iiba na siya sa initial expectation ko. Parang "ay, yun na yun? picture-picture lang tayo? wala nang iba?" Baka siguro ganun ang reaction ko kasi hindi naman ako mahilig magpalitrato.

@CatCrochet

After naming makauwi kahapon sa bahay galing palengke anjan siya naghihintay. Pansin namin na gustong sumama ni mingkay kapag lalabas kami. Lagi kasi siyang sumisilip sa loob ng van at sunod ng sunod kapag paalis na kami. Pero hindi naman namin pwedeng gawin yun kasi baka mawala sya , biglang lumabas ng saksakyan o baka makalimutan sya sa loob ng van.

@CatCrochet

Nakilala na yung suspect sa pagpatay sa magkapatid nung dec. 10 at nagsampa na ng kaso ang tatay. Sana pati yung ibang biktima rin ng mga unsolved cases ng pagpatay mabigyan rin ng hustisya.

@CatCrochet

Maraming tuwang-tuwa sa podcast ni Angelica na TMI tapos sasabihing "atleast hindi pa-virgin" ngii 😂😂 tuwang-tuwa kapag kabastusan pinag-uusapan.

@CatCrochet

Praying for everyone's safety lalo na sa areas na apektado ni bagyong Odette. At sana hindi na mawala ang signal ng globe bukas. Mahirap makatapos ng assignment kapag walang signal at walang data.

@CatCrochet

Patapos na naman ang taon. Ang bilis lang ng panahon. 3 years na rin akong walang trabaho hahahuhuhu. Sana next year magbago ang kapalaran at may blessing na darating. Lahat ng heartaches mawawala at puro hapiness lang ang hatid. Char. 😅

@CatCrochet

Noon kapag puyat ako, inaantok lang ako. Hindi naman ako tinatamad gumawa ng kahit ako. Pero ngayon, kapag puyat ako hindi lang ako inaantok. Tinatamad na rin ako. Magtatapos na ang taon din ko pa rin natatapos ang dalawang assignment ko sa isang subject.

@CatCrochet

Although blended learning has the advantage of autonomous learning it is also prone to procrastination.

@CatCrochet

May kapitbahay talaga na kahit pinagsabihan mo na sige pa rin ang pagtali ng alagang kambing sa bakuran ng iba. Namimilosopo pa sabay sabing palagyan ng bakod ang gilid ng kalsada. Hindi lang tanim ang nasisira pati na rin yung mga dumadaang motorista. May time jan na naaksidente yung motor na may sakay na buntis kasi biglang tumawid ang kambing. Hindi man lang tinulungan ng may-ari, kami pa napagbintangan kasi sa bakuran namin galing yung kambing kasi sa bakuran namin…

@CatCrochet

Minsan kasi ang dali-dali lang sabihing wag mag-overthink pero ang hirap-hirap gawin. Lagi mong iniisip kung tama ba ang ginagawa mo, kung tama bang i let go mo ang isang bagay, kung tama bang magpatuloy.

@CatCrochet

Scripted o hindi, aminin niyo meron talagang hindi nahihiyang mag demand ng pamasako sa ninang/ninong ng anak. Layk, asan kumukuha ng kapal ng mukha? Nakakahiya talaga.

@CatCrochet

Gusto kong gawan ng amigurumi ang baby ng kaklase ko nung college. Ano kayang maganda? Disney princess? Animal designs?

@CatCrochet

Nagulat ako nung lumabas ako ng bahay kasi nakita ko syang sa terrace natulog. Asar ako sa pusang to kasi masyadong wary sa tao eh ilang months na siya andito sa bahay, nakikikain. May gana pang mangalmot kapag bibigyan ng pagkain. Inaagawan niya rin ng pagkain si mingkay kaya minsan napapalo rin siya.

@CatCrochet

Kaya wag ka talagang oorder kay shopee kapag may bagyo at holidays or sales. Matagal dadating ang parcel. 🤧

@CatCrochet

What I hate the most sa mga pirated movies ay ang hindi nila pag include ng end credits sa recordings nila. Maraming movies na may extra scenes sa end credits at isa na roon ang mga marvel movies.

@CatCrochet

How I started my hobby: Crochet Every one of us always have their hobbies. Could be to kill time or to relax from work and busy schedules. For me, it's simply because I wanted to make a keychain. Back in 2014, I had a crush on my classmate's keychain which is a crocheted strawberry. I always fancy keychains and that caught my eye. I didn't know it back then that it was crocheted. Then I tell to myself, I will be able to buy or make myself something like that. After some…

@CatCrochet

Mga pusa sa bahay na dito natambay kapag di gutom. Minsan nasa mga bulaklak sila ni mama o kaya sa terrace. Nakakalabas naman ng gate ang mga pusang ito pero madalas dito lang sila sa loob. Nakakatuwa nga eh kasi hindi sila umaalis. Delikado rin kasi nasa gilid ng kalsada ang bahay namin tapos may mga ahas naman sa palibot. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanila lalo na kay mingkay.

@CatCrochet

WiP kong bandana using fine cotton yarn. Naka-ilang frogging din ako while crocheting this one kasi di ko masyadong naiintindihan ang pattern atsaka laging sumasabit si fine cotton. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko ito matatapos kasi nagkakaroon na naman ako ng crocheters block, hahaha, kung meron bang ganun.

@CatCrochet

Masakit isiping ikaw ang kailangang mawala para maging better person siya.

@CatCrochet

May assignment na binigay ang guro namin. It's about the pros and cons of flexi-eduucation. At first nahirapan talaga akong simulan siya dahil wala akong ma-research about flexible education. Puro flexible learning ang lumalabas. So I try to find the difference between the two terms, and I found out na they both have the same definition and can be used interchangeably. But I'm still not sure kung tama ba ang ginawa kong assignment, I just go with my instinct of what I think…

@CatCrochet

On my overthinking I always think that the reason why he left is because I was a coward. But I'm thinking maybe it was because I don't speak what's really on my mind. I always think that being silent will keep me away from arguments and fights. I don't know, I just have that belief. But, it could be both though. Sometimes I'm okay, like "if that's what make him happy then be it", and sometimes I'm like "where did it go wrong? maybe I'm the problem, maybe our circumstances,…

@CatCrochet

I'm really happy sa mga new graduates ng alma mater ko. Nakakatuwa na yung mga classmates mo noong high school ay ga-graduate na with their chosen courses. Specially doon sa taong nag-motivate sa akin ipagpatuloy ang graduate studies sa time na hindi ako sigurado kung ipagpapatuloy ko pa ba siya.

@CatCrochet

Actually hindi lang amigurumi at bandana ang wip ko ngayon. Meron ding bucket hat. Malapit ko na sana itong matapos kaso magfo-frogging na naman ako ulit kasi hindi ko napansin na iba pala ang size ng hook na recommended sa pattern. Hindi ko na-adjust kaya maliit sa akin ang bucket hat. Isa rin to sa dahilan kung bakit nagpapahinga muna ako sa panggagantsilyo. Haha

@CatCrochet

Silip-silip siya kasi akala niya may dala akong pagkain 😂

@CatCrochet

“Sucking at something is the first step to being sorta good at something.” I don't quite remember kung saan ko ito nakuha pero I think sa mga animated cartoons ko siya narinig. And it's true. Walang nag-uumpisang magaling na agad. Lahat tayo naging beginner din sa mga chosen fields natin. Just like Harry Potter said "Every great wizard in history started out as nothing more than what we are now - students. If they coud do it, why not us? " So if you ever feel bad because you…

@CatCrochet

I'm happy na bumabalik na ang kakulitan ni mingkay. Di na siya ganun katamlay. Hindi ko pa masasabi na maayos na talaga condition ng katawan niya kasi may mga sugat pa rin siya sa leeg, pero I'm happy sa progress. Sobrang na-stress kasi si mingkay after niya manganak. Pumayat siya ng sobra at hindi masyadong kumakain. Siguro dahil masyado pang bata para mabuntis 😅 plus sakitin na rin talaga siya nung dumating sa amin.

@CatCrochet

Yung isang pusa dito sa bahay, nakikisilip kasi gusto ring humingi ng pagkain. Minsan nahihirapan kaming pakainin sila kasi wala kaming isda. Isda lang kasi ang kinakain nila eh. Hindi rin nabibigyan ng cat food kasi walang perang pambili 😂😅 sabi nga ni papa tubig-tubig na lang daw muna yung mga pusa kasi walang makain.

@CatCrochet

Minsan kapag malalim iniisip ko, kinukunan ko ng litrato ang langit. Mapa sunset man yan, sunrise or tirik ang araw. Nagagandahan kasi ako sa mga ulap. Madalas kapag bumabyahe ako, sa langit ako nakatingin. Iniisip ko kung may paraan ba para magtagal ang isang bagay. Pero katulad nga ng sinasabi ng iba, lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng journey merong destination. Siguro kailangan mo lang talagang pahalagahan ang bawat oras.

@CatCrochet

The reason bakit hindi ako gumuguhit ng portrait ay dahil masyadong mahirap lalo na sa shading at sumasakit ang likod ko. Always sumasakit ang likod ko kapag gumuguhit ako. Matagal na talaga akong hindi nagd-draw kasi nawalan ako ng inspiration, pero iniinvite ako ng kaibigan ko magdraw. Kaya I'm sharing with you ang isa sa attempt ko sa graphite portrait drawing na natapos ko. First time makatapos ng graphite drawing kaya I'm so happy. 😅 Not perfect pero masaya na ako sa…

@CatCrochet

"Just because we're not there yet doesn't mean we're not getting there eventually." Nakalimutan ko kung sa anong movie ko ito siya nakuha, but yeah. You see, there's no instant success. Lahat tayo dumadaan sa hardships bago natin makamit yung goals natin. And just because we don't achieve it the way we expect it to doesn't mean we failed. Trust the process and steadily make progress. Doesn't matter if its big or small. Everything will fall into its rights place at the right…

@CatCrochet

Why do we make an exception for lying, if it's so bad? If lying is the only option to avoid conflict, then it's acceptable. Isn't lying, on the other hand, a form of betrayal of the trust we've built with others?

@CatCrochet

Why do we make an exception for lying, if it's so bad? If lying is the only option to avoid conflict, then it's acceptable. Isn't lying, on the other hand, a form of betrayal of the trust we've built with others?

@CatCrochet

Bago dumating si mingkay sa bahay, marami nang pusa ang pumupunta sa bahay. Minsan doon natutulog, minsan nakikikain, minsan doon tumatambay. Isa itong orange cat na ito sa lahat ng pusang tumatambay sa bahay. Maamo rin naman ito siya, hindi ko na nga lang alam kung saan na siya ngayon. Kung buhay pa ba siya o baka nasagasaan na sa daan. Marami rin kasing pusang namamatay sa amin kasi nasasagasaan ng mga sasakyan.

@CatCrochet

After ng RQA, nag duty kami ng kasama ko in hopes na marecognize kami ng district supervisor doon sa district na inapplyan namin. We usually clean the room and do some errands. Sa tabi ng office may mga rose doon na malalaki na at marami na ring bulaklak. I tried na pigilan ang sarili kong humingi ng tanim doon since nakakahiya, pero nagkaroon ako ng chance humingi nung hindi nagduty ang supervisor 😅 at first, akala nung guro na kasama namin yung bulaklak lang ang hihingiin…

@CatCrochet

Who else here watch anime? I think it was 2018 nung ni-recommend sa akin ng ex ko ang anime na The Ancient Magus Bride. I like this anime at medyo emotional siya, as for my experience watching it. The photo below is related sa isa sa mga favorite episodes ko kung saan free na yung soul ni Mina, Matthew (the man in the photo) at lahat ng pusang pinatay niya. And the background music used in this scene is so good. Ikaw, anong favorite episode mo?

@CatCrochet

My thoughts "Just because we're not there yet doesn't mean we're not getting there eventually." Nakalimutan ko kung sa anong movie ko ito siya nakuha, but yeah. You see, there's no instant success. Lahat tayo dumadaan sa hardships bago natin makamit yung goals natin. And just because we don't achieve it the way we expect it to doesn't mean we failed. Trust the process and steadily make progress. Doesn't matter if its big or small. Everything will fall into its rights place…

@CatCrochet

Napapansin ko na kapag bumibili ang ibang fur parents ng cat food always silang tinatanong ng tindera kung anong lahi ng pet nila. Mabuti na lang doon sa binibilhan ko ng cat food hindi ako tinatanong niyan.

@CatCrochet

Challenges faced by Schools in the Philippines The top three issues that I believe be given priority by the government are the no child left behind; student attitude and behaviour; and bullying. **No child left behind.** Education Secretary Leonor Briones assures that the Department of Education (DepEd) will exhaust all possible means to ensure that no Filipino learner will be left behind in terms of education as the country continues to grapple with the COVID-19 pandemic.…

@CatCrochet

"The flower that blooms in adversity is the most rare and beautiful of all." The Emperor, Mulan Whatever obstacles we encountered, we must not lose sight of the fact that we must persevere.

@CatCrochet

While today's generation is beginning to heal from a generational trauma, it is also creating a new one.

@CatCrochet

Bakit may ibang tao na kapag magbibigay ka ng opinion pakiramdam nila ina-attack sila? Lalo na kapag galing ito sa taong ni-label nila as "privileged". Pagkatapos ia-isolate ka kasi hindi kayo tulad, hindi mo ramdam yung sakit na nararamdaman nila. Ganito kasi yung nararamdaman ko kapag nababasa ko ang comments ng ibang tao sa posts about toxicity of parents at ang bigay nilang trauma sa anak. We are starting to end such norm pero gumagawa naman tayo ng bago kung saan…

@CatCrochet

Is it true that being aware motivates people to act? Not at all, in my opinion. You can be aware of a situation but refuse to act because you don't care. If it doesn't concern a people, kahit anong awareness pa ang ibigay mo hindi yan mag te-take action.

@CatCrochet

Minsan sa isang kasal may mga bisitang nagdadala ng plus one na hindi naman invited. Tuloy may ibang bisitang hindi nakakakain at nakakaupo sa isa sa mga table na naka-set sa kanila. Minsan may ikakasal naman na naaalala ka lang at the last minute at bibigyan ka ng pahabol na invitation only to find out na yung regalo lang ang habol sayo. Wala ka sa bilang ng guests pero binigyan ka ng invitation.

@CatCrochet

Natatakot akong pumunta sa grad school sa university na pinapasukan ko after namin mag online class lalo na kasi wala akong kasama ron. Pakiramdam ko anong galaw ko mapapagalitan ako. Nakaka-intimidate din ibang students kasi puro professionals na at yung iba phd na. Eh ako, isang hamak na unemployed lamang. Hahaha. 😢

@CatCrochet

Pinapalabas namin ng bahay si mingkay kasi nagkakalat lagi sa kusina. Pero nagtaka kami kung paano siya nakapasok kahapon at jan natambay sa taas. Meron pala siyang dinadaanang butas paakyat kaya siya nakakapasok.

@CatCrochet

Meet Oreo, pusa ito ng pinsan ko. Galing daw ito sa school nila at walang teachers na gustong umampon kasi hindi 'cute' kaya inuwi niya sa bahay nila. Ngayong malaki na, marami namang gustong humingi sa pusa. Masyado kasi itong maamo at mahilig magpabuhat.

@CatCrochet

2021 has officially ended. Charot. Though I thought suswertehen ako at magkakatrabaho nung 2021, happy pa rin naman ako kasi kompleto ang family ko. Better luck this 2022 diba? 😅 Sana sa 2022 di na ako ganun ka-bitter. Hahaha