Bakit may ibang tao na kapag magbibigay ka ng opinion pakiramdam nila ina-attack sila? Lalo na kapag galing ito sa taong ni-label nila as "privileged". Pagkatapos ia-isolate ka kasi hindi kayo tulad, hindi mo ramdam yung sakit na nararamdaman nila. Ganito kasi yung nararamdaman ko kapag nababasa ko ang comments ng ibang tao sa posts about toxicity of parents at ang bigay nilang trauma sa anak. We are starting to end such norm pero gumagawa naman tayo ng bago kung saan nagagalit tayo kapag may sinasabing opinion ang mga taong hindi maka-relate sa atin tapos ita-tagged natin as privileged na hindi gumagamit ng utak.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet