May kapitbahay talaga na kahit pinagsabihan mo na sige pa rin ang pagtali ng alagang kambing sa bakuran ng iba. Namimilosopo pa sabay sabing palagyan ng bakod ang gilid ng kalsada. Hindi lang tanim ang nasisira pati na rin yung mga dumadaang motorista. May time jan na naaksidente yung motor na may sakay na buntis kasi biglang tumawid ang kambing. Hindi man lang tinulungan ng may-ari, kami pa napagbintangan kasi sa bakuran namin galing yung kambing kasi sa bakuran namin nakatali.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet