read.cash Log in
@CatCrochet more from that month

Madalas ko nakikita yung mga posts na yung mga pangarap lang nila noong bata pa sila ay nabibili na nila ngayon at nakakatuwa kasi isa yung achievement para sa kanila. Tapos bigla ako napaisip, ano ba yung gusto kong bilhin nung bata pa ako na hindi ko kayang bilhin pero kaya ko na ngayon? Wala akong maisip. Hindi ko na matandaan. May mga gusto akong makuha noon na para sa akin hindi na importante ngayon o kaya naman nagse-settle na lang ako sa thinking na kahit gustuhin ko may mga bagay talaga akong hindi makukuha. Naiisip ko yung napanood kong video ng lalaki kung saan nakalimutan na ng older version niya ang mga pangarap niya noong bata pa siya saying "you were a very long time ago". Nakakalungkot lang na minsan nakakalimutan natin ang mga pangarap natin or kung ano tayo noon at kung paano minsan dinadaya natin ang sarili natin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.