Better Job in a Good way

10 87
Avatar for Caroline17
3 years ago

Ang pagiging mekaniko sa isang motorcycle shop ay hindi biro, makikita mong madali pero mahirap kapag ginagawa mo na, kaya ang akala ng ibang tao na madali lang ang kanilang ipagagawa yun pala ay mahirap dahil hindi naman basta basta ang mag ayos ng isang bagay na nasira lalo na kapag hindi mo ito napagtuunan ng pansin.

Sariling Litrato

Ang pagiging isang mekaniko ay walang katapusang pag aaral

Kailangan mong pag aralan ang lahat tungkol sa mga sasakyan upang magawa mo ng maayos ang iyong trabaho.

Hindi din dapat mawawala ang Quality sa ginagawa mo para matuwa ang mga customer mo at para lagi nilang balik balikan ang serbisyo mo sakanila.

Honestly isa din ito sa mahahalaga bilang isang mekaniko dapat honest ka sa iyong customer upang mag tiwala sila sayo.

ang importante sa isang mekaniko ay ang tiyaga, pasensya, at diskarte kung paano mo ito magagawa ng maayos upang matuwa ang iyong customer.

"Tiyaga, di mo malalaman kahit gaano kahirap ang iyong ginagawa kahit gaano ito katagal gawin kapag may sipag at tiyaga may magagawa."

"Pasensya, kapag nahihirapan laban lang pagpasensyahan mo lang mapag tatagumpayan mo din yan."

"Diskarte, dito hindi puro lakas, bilis ang iyong kailangan gamitin pag aralan at pag isipan mo kung paano mo ito didiskartehan ng hindi ka mahihirapan sa iyong gagawin.

Nakikita mo sa kanila halos lahat ng mekaniko sa isang motorcycle shop ay puro madudumi dahil madumi ang kanilang ginagawa at sobrang hirap , ginagawa kasi nila ng ayos upang ang mga motor ay maging okay at hindi magkaproblema.

Ibat iba din ang mga pinagagawa bawat customer depende sa mga kanilang ipapagawa meron nagpapa wiring ng motor para mag install ng kanilang busina or mga dagdag ilaw sa kanilang motor.

Sariling Litrato

Ito ay hindi din biro dahil kailangan kabisado mo ang color coding ng mga wire hindi basta putol o tap lang sa mga wire dahil once na magkamali ka posible na masunog ang wire ng motor mo na magsasanhi ng pagkasira nito.

Mahirap ang maging isang mekaniko sa motorcycle shop yung ibang mga tao minamaliit nila ang mga ganyang tao dahil ayan lang ang kanilang trabaho hindi nila alam sa kabila ng kanilang paghihirap ay marami silang napapasayang tao at natutulungan bukod sa naayos nila ang mga nagpapagawa ng motor quality pa ang gawa.

Tignan mo ang kanilang mga kamay halos sa sobrang dumi hindi na nila ito mahugasan kahit sila ay kakain ng tanghalian dahil ito ang kanilang nakasanayan. Ang kanilang kasabihan bakit pa maghuhugas madudumihan din naman agad.

Sariling Litrato

Minsan sabay na sa hapunan ang kanilang tanghalian kasi mas priority nila ang kanilang customer na maayos agad ang pinagawang motorcycle.

Maraming tao ang mapang husga batay sa mga nakikita nila kahit hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan sa buhay.

Naalala ko nung nakasakay ako sa dyip pauwi samin nakaupo ako sa likod ng driver para madali ko maibigay ang aking bayad, maya maya biglang huminto ang dyip dahil may sasakay pag tingin ko sa mga pasahero bakit biglang nag layuan yun pala ay sobrang dumi ng taong kasasakay lang, napaisip ako at sinabi sa aking isip na, Bakit? bakit kailangan nilang pandirian ang ganong tao? samantalang nagtatrabaho sila ng mabuti para sa kanilang pamilya at hindi masama ang kanilang ginagawa kaya lang naman sila nadumihan dahil mekaniko sila ng mga sasakyan.

Alam kong alam niyo bilang isang mekaniko ng isang sasakyan hindi ito biro, ito ay napakahirap halos karamihan sa mga nagiging mekaniko ng mga motorcycle o kotse ay walang pinag aralan kaya todo sipag sila upang ang kanilang ginagawa ay matutunan agad dahil may mga customer na masungit at maselan sa kanilang sasakyan.

Delikado din ang kanilang ginagawa madalas naiipit ang kanilang mga daliri sa kamay madalas nagkakasugat sila madalas Madumi sila bukod sa delikado apektado din ang kanilang kalusugan mga usok ng sasakyan na nalalanghap nila mga maduduming kamay ang gamit nila sa pagkain nila, diba kung iisipin naten ng mabuti kahanga hanga talaga sila.

Sariling Litrato

Akala ko dati madali lang ang kanilang ginagawa kasi kung titignan naten parang simple lang pero sa kabila ng lahat yung akala naten na madali lang mahirap pala talaga kaya sa lahat ng mga mekaniko kahit gaano man kadumi ang inyong ginagawa, yan ay isang malinis na paraan para magkaroon ng sapat na pera para sa pamilya.

Naisulat ko itong artikulo dahil ako ay nakapag bantay na sa motorcycle shop habang nag babantay ako pinapanood ko silang gumawa dahil don humanga ako kasi kapag may natatapos silang gawin sobrang tuwang tuwa ang mga customer meron din ako na encounter na customer maselan at masama ang ugali sa mga tao sabi sakin ng mekaniko ganyan talaga bilang isang mekaniko dapat malawak ang pasensya mo at magaling ka makisama sa tao simula non habang nag babantay ako kapag wala silang ginagawa tinatanong ko sila kung gaano kahirap ang kanikang ginagawa dahil habang pinapanood ko sila parang ako yung nahihirapan hindi sila kasi makikita mo sakanila nakangiti palagi kahit na nahihirapan sila.

@Caroline17 💌

7
$ 0.96
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @carisdaneym2
$ 0.10 from @Eunoia
+ 3
Sponsors of Caroline17
empty
empty
empty
Avatar for Caroline17
3 years ago

Comments

Ay wow kahanga-hanga naman tlga sila. Kaya ayaw ko bumili ng kotse or motor kase daming hassle pa pag may nasira hahaha. Buti na yung bike at least di masyado komplikado.

$ 0.02
3 years ago

Oo sa bike hindi masyadong magastos pero delikado naman po ang bike kapag sa mga highway.

$ 0.00
3 years ago

Pwede rin. Dami kasi haragan mag-drive din. Bike lane na nga inookupa pa o kaya dinededma. Whew.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis. Marami nga sa kanila, tinatawaran pa ehh. Kaya kami pagka umaalis tapos need pumunta sa kanila para ipatingin ang sasakyan, pinapasubrahan namin kasi kawawa sila pagtinatawaran mo. Bilib talaga ko sa kanila kasi di madali mag ayos ng sasakyan para maging safe ang mga sumasakay.

$ 0.00
3 years ago

True sis kaya dapat kung magkano ang hingiin ng mekaniko na labor pasobrahan upang matuwa ang gumawa sa sasakyan mo at sa pag balik mo para ulit magpagawa sakanila hindi ka magkakaproblema sila na ang bahala at magkakaroon kapa ng kaibigan kung sakaling biglaang pagkasira ng sasakyan marami kang malalapitan.

$ 0.00
3 years ago

Totoo sis. Kaya dapat talaga marunong umunawa mga tao sa kapwa. Kasi di lahat din nabiyayaan magkaroon ng magandang trabaho. Kaya oag may subra, pa subrahan na magkano lang ba ang pampalamig di ba?

$ 0.00
3 years ago

Agree! They deserve more compare sa narereceived nila ngayon. Minsan kasi binabarat pa sila ng ibang nagpapagawa saying na dapat ganun lang kababa. Pero dapat di ganun kasi sobrang hirap ng ginagawa nila

$ 0.00
3 years ago

Tama! Hindi nila iniisip na mahirap ang kanilang ginagawa kaya ginagawa nila humihingi pa ng discount na dapat mas bigyan pa nila ng malaki dahil hindi madali ang kanilang ginagawa

$ 0.00
3 years ago

Tama! Ang hirap kaya mag ayos nyan, never ko naisip na madali yang gawain na yan. Narurumihan man ang kamay, marangal naman ang trabaho nila.

$ 0.00
3 years ago

Opo kaya hanga po ako sa taong kagaya nila mudima man ang kanilang panlabas malinis naman ang kanilang kalooban

$ 0.02
3 years ago