"Be Contented and Be Thankful on what You Have"

13 40
Avatar for Caleb07
3 years ago

Kumusta mga Kaibigan, Sana’y nasa maayos na kalagayan tayong lahat ngayon. Nakita ko ang balita sa media tungkol sa Bagyong Maring, sana’y maayos at ligtas tayo sa kapahamakan. Ngayong gabi ay ilalahad ko ang nangyari saakin sa buong araw.

Madaling araw nang ginising ako ng aking nakakatandang kapatid na babae upang bumili ng itlog upang aming almusal, dali-dali naman akung bumangon at bumili. Pagkatapos kung bumili ay bumalik ako saaking kwarto upang matulog pa sana, ngunit ng pagtingin ko ng oras ay alas otso emedja na ng umaga, may pasok pala ako ng alas 9 , kaya’t hindi na ako natulog bagkos inayos ko nalang ang aking higaan. At nang matapos na ang aking klase ay kumain na ako, pagkatapos kung kumain ay uminom ng vitamins, kailangan natin ang bitamina sa ating katawan upang may pang kontra sa sakit at lalo na upang tumibay ang ating imuno Sistema. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking mga NFT Games upang gawin ang mga task na dapat gawin.

Tanghali na at inutusan ako ng aking Ate na magsaing dahil dadating raw ang aking ina at ang aking mga pinsan. Nandito pala ang aking pinsan na galing sa Tagum City, nagbakasyon muna siya rito upang makapag move on sa pagkawala ng kanyang ama, naalala nyo ba yung kinuwento ko sa aking isang article ang pagpanaw ng aking Uncle dahil sa COVID-19, Anak niya po tong si Juferson na galing sa Tagum City. Hahabol sa sabado ang kanyang nakakatandang kapatid na si Juferkent at ang pangalawang asawa ng kanyang Ama na si Maybel.

Nang dumating na sila dito sa bahay namin, nagkamustahan at nag kwentuhan kami ni Juferson, Oh Juferson Kumusta, sabi ko sa kanya. Hindi sumagot si Juferson pero binaliwala ko nalang dahil alam kung hindi pa din mawala sa isipan niya ang kanyang Daddy. Kinuwento ni mama ko na “biglang umiyak yang kanina si Juferson, hagolhol na iyak, tinanong ko kung bakit, sabi ni mama. Nalala ko lang po si Daddy, naalala ko ang mga panahon na pumupunta kami dito, ngayon lang ako nakabalik rito nang wala na si Daddy, sabi niya. Nagsi iyakan daw sila sa sinabi ni Juferson."

Pagkatapos, kumain na kami ng aming tanghalian at nanuod kami ng palabas sa Netflix, ang pamagat ay Home Town Cha-cha-cha. Alas 2:30 na at kailangan kung puamsok sa aking klase, at natapos ako ng alas 4. Napagdesisyunan ko na duon matulog sa lumang bahay namin, dito pala pansamantalang natutulog sila juferson at ang naiwan sa bagong bahay ay ang aking kapatid na babae at ang kanyang asawa. Mabuti nalang nakadating na kami sa aming paruruonan at nang bumuhos ang malakas na ulan.

Gabi na at kumain na kami ng hapunan at nag chika muna sandal. Pagkatapos ay pumunta na sa aming mga puwesto kung saan matutulog. Bago ko wakasan ang mga nangyari sa aking pagalalahad nais ko sanang sabihin ang aking mga natanto o realization sa mga nangyari sa buong araw. Napagtanto ko na dapat maging kunteto ako kung ano ang mga bagay na mayroon sa akin ngayon, dapat pahalagahan ko ang mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa akin. Habang may buhay pa ang ating mga magulang dapat natin silang pahalagahan at alagaan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pasalita na tao, di ko man masabi kay mama na mahal ko siya ngunit sa puso ko ay mahal na mahal ko siya. Madalas man kaming mag away at di magkaintindihan, mahal na mahal ko siya.

I realize na pinagpala ako sa pagmamahal ng aking pamilya kahit wala naman kaming magagarang gamit at maraming pera, ngunit puno naman ako ng pagmamahal. I’m so blessed to have my family, kahit na mahirap, binibigay at pinagsisikapan pa rin ni mama na mabigay ang magandang kinabukasan, Ma, salamat sa lahat di ko man masabi pero mahal na mahal kita. At kay Juferson naman, may mga tao man na nawala sa atin, asahan mo may ipapalit ang Panginoon. Hindi man natin minsan maintindihan ang nais na ipanihhiwatig o ginawa ng Diyos sa ating buhay ngunit alam ng Diyos na mas maganda ang kanyang ginawang plano para sayo kaysa sa mga plano mo. Dito napo ako magtatapos sana’y pagpalain ka ng Panginoon.

To those my foreign Readers and Sponsors, Sorry for I am writing Filipino Language, I know that you will not understand this, this is only for now. I just want to express well what I want to say in all of the happenings in me today. Thank You for Your Understanding.

Godbless Us All!

Sponsors of Caleb07
empty
empty
empty

To my Gorgeous Sponsors, Thank You so much for believing!

Lead Image is from Unsplash.

6
$ 0.18
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Sequoia
$ 0.05 from @Murakamii.7
+ 1
Sponsors of Caleb07
empty
empty
empty
Avatar for Caleb07
3 years ago

Comments

Napakagaling mag tagalog ng batang ito. Anyways, my NFT games ka? Grabeee sanaol.paturo ako ga.

$ 0.00
3 years ago

Ulawa sa Magaling te uyy, mura jug taga luzon Ahhaha. Pero naa sa YouTube te naay tutorial unsaon pag sulod sa mga NFT games.

$ 0.00
3 years ago

Unsa sad games nimo langga

$ 0.00
3 years ago

The best realization Caleb, aanhin mo yung magagarang bagay if di ka pa rin kuntento, so you're blessed to have all those things na nasayo. Lalo na ang love from your family.

$ 0.00
3 years ago

Nagbibigay ng saya ang mga bagay na kailangan o gusto natin ngunit di naman ito permaninting kasiyahan, temporaryo lang.

$ 0.00
3 years ago

Be grateful with all there is and more will come :) And true too, may mga nawawala man as buhay natin, may pumapalit din

$ 0.00
3 years ago

Indeed Po @FarmGirl

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko kinaya ang tagalog mo. Let us all be grateful of what we have kasi may mga tao na gusto ang nasa atin.

$ 0.00
3 years ago

Kayana Yeng Hahaha, True jud Yeng.

$ 0.00
3 years ago

Tama pahalagahan mo kung anong Meron ka at pasalamat kase maswete Tayo nankasama pa natin ditonsa mundong ibabaw Ang ating mga mahal sa buhay

$ 0.00
3 years ago

Opo tumpak Po.

$ 0.00
3 years ago

Napaka pala utos naman ng iyong ate😅 condolence sa pinsan mo. Napapatagalog nadin ako nahawa ako sa mga salitang bagkos. Hahah

$ 0.00
3 years ago

Hahaha parang ang lalim nga naman ng salitang yan.

$ 0.00
3 years ago