Breadwinner Ka Ba?
Paano mo masasabing isa kang mabuting breadwinner ng pamilya? Sapat ba ang naibibigay mo sa kanila? Pananagutan mo ba kung anong kinabukasan Ang naghihintay sa iyong pamilya? Malamang oo naman sagot,hindi ba?
Ibang ang kultura ng Pinoy kumpara sa ibang lahi. Hindi natin maipagkakaila Ang katotohanan na ibang-iba ang pananaw natin sa pagsusuporta sa ating pamilya. Nariyan ang panganay na kapatid mo, nag-asawa na at nagkaanak, nakikitira pa rin sa magulang. Natural na eksena yan sa pamilyang Pinoy. Sabi ng iba may negatibong dulot ito sa imahe ng ating kultura, ng ating pagka Pilipino.
Ikaw? Anong klaseng breadwinner ka? Isa ka bang single parent? Pinili man o nangyare na lang sa di mo inaasahang pagkakataon. O isa ka sa mga panganay na tumatayong magulang ng iyong mga kapatid? Anu't anuman ang nagdala sayo ng responsibilidad na iyan, kapit lang. Tuloy ang buhay. May umaga pang naghihintay.
Tama..di kailangan maging isang mabuting bread winner para sa pamilya.mag tulungan lang mabuti kana.