A Blessing in Disguise nga ba?
Sino ba sa atin ang hindi apektado ng Quarantine na ito. Lahat naman di ba? kahit sino ka pa. Kahit gaano pa kadami ang pera mo sa wallet man o sa bangko, hindi ka immune sa Pandemic na ito. Eto man ay sa usaping pangkalusugan o pananalapi.
Marami sa atin ay umaasa lamang sa kita natin buwan-buwan. Masaabi kong mas maswerte nga lang ang iba na may sapat na savings sa bangko, apektado man ay Hindi masyadong iindahin ang gutom.
Kung ikaw ay nabibilang sa Upper class at ramdam mo pa rin ang epekto financially, spiritually, ano pa kaya sa lower class. Yung tipong umaasa sa kakainin nila na nangagaling lang sa kita sa araw araw na diskarte. Lalo naman siguro dun sa mga tumanda na'y tambay pa rin sa kanto, ano po?
Sa palagay mo, anu't anuman ang kadahilanan ng kahirapan ng isang tao, dapat na bang dahilan yun upang tayo ay magkawatak watak sa panahong ito? Manatili tayong positibo at maging lakas ng mga taong sumusuporta at umaasa sa atin. Dagdagan ang kasipagan, pagtyatiyaga at dasal. Lalo na siguro mas maigi ano,kung may kaakibat na pasensya at pang unawa.
Binibigyan tayo ng ating Maylikha ng sapat na panahon upang magnilay-nilay, gamitin natin ito upang maging daan tungo sa pagpapaunlad ng ating sarili. Maging ito man ay sa aspetong pangpinansyal,spiritual o maging sa ating emosyon at kaisipan.