Kabit

0 16
Avatar for Caith
Written by
3 years ago

kabit


Kasalanan.Kamalian. Ayan ang unang unang papasok sa isip ng lahat kapag narinig mo itong mga salitang ito. Isa kang masahol na nilalang kapag nasabihan ka nitong mga katagang ito. 


Oo marahil isa nga itong kasalanan. Pero natanong mo na ba ang taong nasa sitwasyong ito kung bakit nya nagawa ang nga bagay na ito? 


Isa ako sa mga taong naging kabit noon. Bakit? Hindi ko rin alam. Marahil dahil sa problemang pagibig. Natukso? Humanga lang ako sa isang tao. Sa taong may nagmamayari ng iba. 


Nagsimula sa asaran. Sa tuksuhan ng katrabaho. Hanggang sa unti unti na palang naging totoo ang lahat. 


Naramdaman ko ang lahat sakanya. Naibigay nya ang lahat ng mga bagay na hinahanap ko sa lalake noon. Naging masaya ako. Subalit sa sandaling panahon lamang. 


Dumating sa punto na kaya nya na bitawan ang lahat para saken pero bakit ako hindi? Natakot ako. Naduwag ako sa sarili kong multo na  baka bumalik saken ang lahat ng nagawa ko. 


Madaming bagay na hindi ako naging totoo sakanya. Hindi kagaya ng pagiging totoo ko sa kasintahan ko. 


Natakot ako. Umalis ako sa pinagtatrabahuhan ko. Iniwan ko at sinubukang bumalik sa aking kasintahan. 


Pero bakit parang may kulang na? Parang hindi na ko masaya? 


Ubos na ba? Wala na ba? Wala na ba akong nararamdaman dahil naramdaman ko na sakanya? Pero huli na ang lahat. 


Nandito na sa tabi ko ang nagmamahal saken ng tunay. Yung taong nakita na lahat ng mali sa akin. 


Pero bakit parang maykulang paren? 


Kasalanan ko ba na hanapin sa iba ang mga bagay na wala sakanya o kasalanan nya dahil hinayaan nya kong mahulog sa iba.


Oo. Minahal ko sya. Nahulog na ako sakanya pero madaming pero. Mali ang panahon. Baka nga hindi kami ang para sa isat isa. 



Paalam na. 


Alam kong kasalanan ito pero pasensya na hindi ko alam kung bakit wala akong pagsisisi na nakilala kita. 


Pasensya na. 


Sana maging masaya kayong dalawa.


Patawad na. 

1
$ 0.00
Avatar for Caith
Written by
3 years ago

Comments

Aw beb masakit talaga kapag nagmahal ka ng tao sa maling oras at dahilan. Bata ka pa marami ka pang mararanasan at matututunan😊 dito lang ako palagi😍

$ 0.00
3 years ago