Ako

0 9
Avatar for Caith
Written by
3 years ago

Ako 


Marahil kilala mo ako dahil sa aking nickname sa itaas. Marahil isa ka sa aking mga kaibigan. Kakilala. Katrabaho. O dating kaklase. Pero hindi mo pa ako ganun kakilala. 


Siguro matagal na tayong magkakakilala. O di kaya’y kakakilala palamang naten. Pero alam mo ang nakakagulat? Maski ako hindi ko kilala ang sarili ko. 


Madalas akong nalulungkot sa mga nakaraang araw. Hindi na ako masaya. Hindi kagaya noon.


Nakakapressure ang buhay. Nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing nakakarinig ako ng sigawan hindi kagaya noon. Masaya ako tuwing maingay. Pero ngayon, bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakakarinig ako ng malakas na usapan. 


Noon madalas akong makipagusap sa aking nga kaibigan. Hindi ako mabuhay ng walang nakakausap . Pero ngayon mas gusto ko ng mapagisa. Nagiging komportable ako sa tahimik na palagid kung saan walang tao. Walang kahit na sinuman.


Hindi ako ganito noon. 


Bakit napakaraming pagbabago? Hindi ako sanay. Hindi ko alam kung malungkot ba ako. 


Hindi ko na kilala kung sino ako. 



1
$ 0.00

Comments

Minsan kasi akala natin kilala na natin sarili natin pero isa palang malaking pagkakamali yun kasi mahirap masabi kung sino nga ba talaga tayo.

$ 0.00
3 years ago